Pinagmamasdan ni Erron ang mag-ina niya at sa isip niya ay para bang bumalik muli ang nakaraan ng si Amilah ay nakita niya may kasama na ibang lalaki. Sa matindi niyang pagseselos ay hinila niya ang dalaga sa kan'yang kotse at dahil wala naman siya alam kung saan sila pupunta ay napadpad sila sa malayong lugar at doon nga nabuo ang kambal. "O pare, ang lahat nang bagahe nila ay nailagay ko na lahat. Ano pa tinutunganga mo riyan?" saad ni Alex na nagtataka pa rin kung bakit para bang wala pa sa sarili itong si Erron. "Loko, sampid ka lamang dito sa lakad na ito kung makaasta ka para bang ikaw ang bida rito!" ani Erron na kandahaba pa nguso na kinutusan ang kaibigan. "Tama na 'yan bangayan ninyo, pagod na ang mga bata at ako rin ay gusto na rin magpahinga," tinig 'yon ni Amilah naiinis n

