Katulad ni Amilah, ganoon din si Erron. 'Di ito makakain at para bang walang lasa ang lahat nang isubo na pagkain. "Nagmumukha ka na yata niyan teenager sa kinikilos mo ngayon," Napalingon si Erron sa nagsalita na lalaki sa likod niya at ito pala ay si Alex na kaibigan niya. Ang binata ay napangiti sa sinabi nito. "Ikaw pala, anong masamang hangin ang nagpapunta sa iyo rito sa opisina ko?" Lumapit si Alex sa kaibigan at binigyan nang isang brotherly hug si Erron bago umupo sa sofa naroon. "Wala naman kaya lamang ay nabalitaan ko sa secretary mo na uuwi na raw si Amilah at susunduin mo ito sa airport kaya narito ako at baka kako ay gusto mo nang aalalay sa iyo," "Aalalay, ano ako bata? Ikaw nga tigil-tigilan mo pagiging tsismoso mo kaya ka tuloy inaaway ng misis mo!" Saka binato ni

