Nasa bungad pa lamang ng opisina ni Erron ang binata ay parang kampana na ang bibig ng matandang tiyahin. "Akala ko ay doon ka na titira sa airport. Noon pa ninyo sana naisip ni Amilah na maghiwalay, ang kaso ay matigas mga ulo ninyo!" ani Melba bago ito sumimangot. "Puwede ba tiyang tumigil na kayo at nakamit na rin ninyo ang gusto ninyo ang kami ay mapaglayo na dalawa!" inis naman na sagot ng binata. "Huwag ka nang malungkot at pababalikin ko si Cristal dito sa Pilipinas para aliwin ka," sambit ni Melba na talagang natutuwa sa mga nangyari rito sa pamangkin. "Iyan ang huwag na huwag ninyo gagawin at talagang susunod ako kay Amilah 'pag ginawa ninyo 'yan!" "O siya, kung ayaw mo hindi ko sasabihin kay Cristal na wala na ang karibal niya pero kung siya ang gusto umuwi rito ay wala ako

