Natataranta si Amilah habang naghahanap ng t-shirt para isuot. Si Erron naman ay para bang natulala dahil muntik na niyang makamit muli ang inaasam na kaligayahan.
"Amilah, anong katangahan na naman ang ginawa mo?" bulong nito habang kan'yang sinasabunutan ang sarili.
"Puwede ka nang umalis, Kuya Erron at kakausapin ko pa ang mga bata baka nagugutom na sila," ani Amilah hindi makatingin sa binata nang deretso dahil sa hiya.
"Hindi ako aalis, hanggang hindi tayo nakakapag-usap nang mabuti!"
Narinig muli nila ang boses ng kambal na tinatawag sila sa labas ng kuwarto kaya ang dalaga ay lalabas na sana pero pinipigilan siya nitong binata.
"Bumalik ka na lamang bukas at gusto ko muna asikasuhin ang mga bata. Pangako, sasabihin ko sa iyo lahat nang gusto mo malaman," ani Amilah na parang pilit kinokondisyon ang binata.
"Are you still not done talking, mom? May naghahanap po kasing babae sa inyo!" turan ng dalawa na panay ang katok sa pinto ng kuwarto ni Amilah.
Dahan-dahan na binuksan ni Amilah ang pinto at ang dalawang bata ay yumakap sa kan'ya habang pinagmamasdan ang nanay nila.
"Why do you have some rashes on your neck, mom?" tanong ni Ck ng kan'yang mapansin ang mga pulang pantal sa leeg ng ina nila.
Hindi umimik si Amilah dahil sa alam niyang matalino ang mga anak at ayaw niyang mahalata siya nito na nagsisinungaling.
"Did you say it was a woman who was knocking on our door, did you let her in? And what about your Ninang Fate, hindi pa siya bumaba buhat kanina?" tanong ni Amilah na halatang iniiba ang usapan.
"Hindi pa po, kami lamang ni Ck ang nasa ibaba nang kumatok 'yon matandang babae but we didn't let her in because we don't know her!" mayabang na sagot ni Cj.
Napangiti ang dalaga at kan'ya hinaplos sa buhok ang anak saka ito ginulo. Ang binata na nakikinig ay parang natuwa naman sa kambal.
"What's so funny and you seem so happy? Hindi pa ba sapat ang ginawa namin sa party mo?"
"Mga anak, don't pay attention to him.We will talk later, hindi ko kayo natanong kanina dahil sa uncle ninyo pero sa ngayon tingnan muna natin kung sino ang sinasabi ninyo na naghahanap sa amin,"
Dahil maliit lamang ang bahay nila Fate kaya ilang hakbang lang ay nasa main door na sila. Si Erron ang siya unang sumilip para makita niya kung sino ang nasa labas.
"Si Tiya Melba!" bulalas ni Erron na siyang kinalaki ng mga mata ni Amilah.
Kinabahan ang dalaga at kan'ya nasuntok si Erron sa braso na siyang kinagulat naman ng binata kaya ito napangiwi.
"Paano nalaman ni mamang ang bahay na ito?" kabado na wika nito kay Erron at pagkatapos ay tiningnan ng dalaga ang kambal.
Kumakatok pa rin sa labas ng pinto si Melba kaya nag-isip nang mabuti si Amilah kung ano ang dapat nilang gawin.
"Lumabas ka na at yayain mo si mamang na umuwi na. Doon na kayo kamo mag-usap sa mansion," sabi ni Amilah kay Erron na kabado pa rin.
Hinila niya ang dalawang bata papunta sa may likod ng pinto at ito ay naunawaan naman ni Erron kaya dali-dali niya binuksan ang pinto at kaagad na lumabas.
"Erron, bakit mo isinara kaagad ang pinto? Gusto kong makausap si Amilah at marami pa sana ako na itatanong sa kan'ya!"
"You can talk to her later dahil nasa trabaho siya. Ang mga bata lamang ang nandiyan at ang yaya nila," saka hinila ang matandang tiya papasok sa loob ng sasakyan nito.
"Puwede bang sa first mansion na ninyo iuwi ang tiya ko," utos ni Erron sa driver na tumango naman sa binata.
"Teka Erron, sino ang kasama ko roon?" sambit nang pagtutol ng Tiya Melba niya.
"Huwag na kayo mag-alala dahil naroon na ang caregiver ninyo and when I arrive at my mansion, I will order Mang Tureng to bring you your medicines."
"Erron, hintay!" sigaw ng tiya niya pero pina-alis na ni Erron ang driver nito.
Sumunod naman na umalis si Erron at nang nasa sasakyan na ito ay may kinausap sa telepono ang binata.
May dinukot sa compartment ng sasakyan niya si Erron at kinuha ang dalawang plastic. Nilagay niya ang buhok na kinuha niya sa kambal at sa isa naman ay ang sa kan'ya.
"Mang Tureng, pagkauwi ko ay puntahan mo ang kaibigan kong si Alex, ibigay mo ito sa kan'ya. Alam na niya kung ano ang gagawin. Alam mo naman ang opisina niya, hindi ba!"
Tumango naman ang driver at matapos itong abutin saka tahimik nang nagmaneho ng sasakyan.
Ang Tiya Melba niya ay hinatid sa mansion ng driver nito. Ang bawat utos kasi ni Erron ay parang batas na sinusunod ng kan'yang mga tauhan at walang magawa si Melba because she is old and admittedly no longer strong as she used to be.
Pero nang siya ay nakarating na ng mansion ay tinawagan ni Melba ang isa sa mga tauhan na matagal na niyang pinagkakatiwalaan.
"Hello Max, may gusto ako na imbestigahan mo. Gusto ko hanapin mo si Amilah at sundan mo. Alamin mo kung kaninong anak ang kambal na sumulpot sa engagement party ni Erron. Tatlong araw lamang at gusto ko ay narito na sa akin ang lahat ng detalye."
Binaba na ni Melba ang telepono at may bahid nang galit ang mukha niya habang ang mga kamao niya na nasa mesa ay nakakuyum at ito ay hinahampas doon.
Si Amilah naman ay kausap na ang mga anak sa kuwarto niya at ito ay kan'yang tinatanong na mabuti.
"Magsabi kayo sa akin nang totoo, I won't be angry as long as you tell the truth. Bakit kayo tumakas sa school ninyo nang walang paalam?"
"Do you really need to ask permission before running away?" sa isip ni Cj pero hindi niya ito sinagot sa nanay niya dahil tiyak magagalit ito sa kan'ya.
"Huwag kayong magsinungaling sa akin because I know when you look at each other like that!" sambit niya na medyo mataas na ang boses.
"Ganito po kasi 'yon, mama.."
Nagsimula na ang dalawa na magkuwento buhat sa narinig nilang usapan ng kanilang Ninang Fate at ni Amilah tungkol sa tatay nila.
Kasunod ay ang plano nila na tumakas sa school para makapunta sa engagement party nila Erron at Cristal.
Hanggang doon sa ginulo nila ang party nila Erron at sila ay nahuli ng mga tauhan nito kaya ang ending ay kasama nila si Erron pauwi.
"Did they hurt you children?"
"Hindi po mama, ang totoo po ay dad is glad that their engagement didn't go through with that girl!" ang sagot ni Cj sa ina na para bang may mga ngiti rin na mababanaag.
"Mga anak sana ay huwag na itong maulit, pinakaba ninyo kami ng Tita Fate ninyo. Tuloy akala namin ay nakidnap na kayo!"
"Teka, bakit ba ninyo tinawag na dad ang Uncle Erron ninyo?" inis na tanong ni Amilah sa kambal.
"We told before that we heard you say that he is our father,"
"Yes, but you can't call him dad because he already has a girlfriend at magiging magulo lamang ang lahat," turan ni Amilah sa kambal na walang alam sa katotohanan tungkol sa kanila ni Erron.
"Don't you want him to know that we are his children?" para bang nalungkot si Ck habang nagtatanong sa ina.
"Sorry mga anak pero saka na lamang siguro kapag maayos na namin napag-usapan ang lahat. Can you wait a little longer, children?" ang pakiusap ni Amilah sa mga anak na biglang nawalan nang gana.
"Didn't mom make a promise so I will definitely keep it?" sambit pa ni Amilah na hindi pa rin alam kung ano ang gagawin dahil kinakabahan siya sa maaring mangyari.
"God, ito na ba ang takdang oras na dapat nilang malaman lahat?" ani Amilah sa sarili dahil she couldn't avoid being nervous knowing that this might be the beginning of a big trouble in their lives.
Si Cristal naman ay naroon pa rin sa hotel, ito ay nakaupo sa may harapan ng stage na parang malalim ang iniisip.
It was as if she would cry while observing the fancy and beautiful flowers and decorations in that place.
Then her eyes looked at the part of the stage that was dark because of the firecrackers that were thrown there.
"Ang mga batang iyon ang may kasalanan kung bakit hindi natuloy ang aming engagement ni Erron. I would have been Mrs. Ricafort now if not for those stubborn kids who have done those evil things!"
"Hindi ako ang dapat na umiiyak ngayon, ang mga batang 'yon at si Amilah ang siyang dapat na yumuko sa akin saka humingi nang patawad dahil sa kahihiyan na dinulot nila sa amin!" wika pa ni Cristal na mayroon namumuong galit sa dibdib dahil sa kan'yang hindi natupad na pangarap.