Ang Katotohanan 2

1503 Words
Si Amilah ay hindi makatulog dahil naiisip niya ang pangako niya kay Erron na sila ay magkikita nitong binata kinabukasan. "Ano ang gagawin ko, hindi pa ako handa na sabihin sa lahat ang tungkol sa kambal? Tiyak magugulo ang buhay nila kapag nagkataon!" Hindi dalawin nang antok ang dalaga kaya buhat sa pagkahiga ay umupo na lamang siya at sapo-sapo ang ulo na para bang sumasakit ito. "Lord, ituro mo po sa akin ang gagawin ko!" Bumangon si Amilah at ito ay lumabas sa may kusina para siya ay uminom ng tubig nang makita niya si Fate. "Hindi ka rin ba makatulog?" ang tanong ng kaibigan niya na malaki ang pag-aalala sa kan'ya. "Hay, paano ako makakatulog nito kung nasa isip ko ay ang amin pag-uusapan ni Erron, sinabi ko kasi sa kan'ya na magkita kami at doon ko sasabihin sa kan'ya ang tungkol sa kambal pero para bang hindi pa ako handa," "Masakit nga sa ulo 'yan pero sa tingin ko mabuti nang malaman nila ang totoo. They say telling the truth will set you free. Eh, ano ba kung kayo ay magkapatid, hindi ba sabi mo ay magkaiba naman ang nanay ninyo?" "Hindi lamang naman kayo ang mga tao na magkadugo ang siyang nagmahalan. Huwag kang masiyado mag-isip dahil hindi ibibigay ni Lord sa iyo ang problemang 'yan kung alam niyang hindi mo ito kakayanin. Let it be, just pray ka na lamang na hindi masaktan ang mga bata!" Uminom na si Amilah ng tubig at kan'ya pang tinanaw si Fate habang umaakyat sa hagdan papunta sa second floor ng bahay kung nasaan ang kuwarto nila ng nanay niya. Naisip naman ni Amilah mga sinabi ng kaibigan dahil para rin siya nito pinagtulakan kay Erron pero ang kan'ya inaalala ay ang kambal at ang sasabihin ng mga ito kapag nalaman na ang kanilang ama ay kapatid ng kanilang ina. Ayaw niya kasi na masaktan ang mga anak dahil hindi pa siya handa na isugal ang future ng mga ito kaya naisip ni Amilah na panindigan kung ano ang mga nasabi na niya noong una kay Erron na bunga ng one night stand ang dalawang bata at hindi siya ang ama nito. "Mabuti nga at kahapon pa ako nagpaalam na hindi papasok ngayon kung hindi ay ngarag na naman ang beauty ko," sabi ni Amilah sa sarili na pinipilit na makatulog. Madaling araw na nang dalawin nang antok ang dalaga kaya naman nang nagising ito ay tanghali na. Hindi pa nga sana siya tatayo kung hindi dahil sa dalawang bata na panay ang laro sa buhok niya. "Tanghali na po mama, wake up ka na," "Bakit narito kayo, hindi ba may pasok ngayon?" "Wala po mama kaming pasok ngayon pero mamayang hapon ay pinapupunta kami sa school upang magpractice para sa aming spelling contest," "Kaya nga wake up na po at ng tayo ay makakain na." Sabi pa ni Cj na ikot nang ikot sa kama. "May sasabihin lamang sana ako sa inyo mga anak bago tayo lumabas sa kusina, kung maari sana kapag kayo ay pinuntahan ng Uncle Erron ninyo wala kayong sasabihin sa kan'ya. I will explain sa inyo later kung bakit pero sa ngayon gusto ko na tumahimik na muna kayo," Nagkatinginan ang dalawang bata at kahit sila man ay nagtataka sa sinabi ng ina ay minabuti nila na sundin na lamang ito. "Yes mama, we'll do it," sagot naman ng dalawang bata sa ina kahit alam nila na mahirap pigilan ang mga bibig nila. "Pasensiya na mga anak, alam ko na nagtataka kayo why I don't want you and your father to be close dahil may dahilan ako, balang-araw ay malalaman din ninyo!" "Okay lamang po, mama. If it will bring you problems then it doesn't matter to us anymore whether he will know that we are his children or not," saad ni Ck na ngumiti pa pero alam ni Amilah na nalulungkot ang mga ito. Tapos na sila kumain nang may natanggap na mensahe si Amilah na buhat kay Erron at nagtatanong ito kung saan sila magkikita. Sinagot naman ito ng dalaga na sa parke na malapit sa mansion ng binata sila magkita. Ayaw niyang sa bahay nito sila mag-usap dahil siya ay natatakot na mayroon na naman sa kanila mangyari. Nang hapon din na 'yon ito ay pumunta sa parke na sinabi niya kay Erron at hindi siya nagkamali dahil naroon na ang lalaki na naghihintay. Nakaupo ito sa isa sa bench na naroroon at kaagad niyang napansin ang suot ng binata ngayon dahil siya ay sanay makita ito na nakasuot ng corporate attire tuwing lumalabas. Ngayon lamang niya ito nakita na nakamaong at t-shirt lamang ang suot na pinartneran nito ng sneakers at nagmukha itong bata. "Kanina ka pa ba Kuya Erron?" ani Amilah nakangiti sa binata na tumayo naman at lumapit sa kan'ya. "Kararating ko lamang din dito, maybe ten minutes before you have arrive." Sabi ni Erron saka kinuha ang kamay ng dalaga at niyaya na itong maupo. Umupo naman si Amilah at napansin ng dalaga ang isang picnic basket kaya siya ay magtatanong sana pero naunahan ito ng binata. "Ano pala, kasi ang totoo niyan ay nagpahanda ako kay manang nang kaunti na snack baka gutomin kasi tayo bigla habang nag-uusap," ani Erron na napakamot naman sa batok dahil pati siya ay kinakabahan. "Salamat sa mga hinanda mo pero busog pa ako dahil sa kakakain ko lamang," sagot ni Amilah halata na gusto nang umuwi. "Ayaw ko na sana magpunta rito pero gusto ko na linawin sa iyo na totoo ang mga sinasabi ko sa iyo noong araw na hinatid mo ang mga bata. Hindi ikaw ang ama ng kambal kaya sana ay tantanan mo na kami!" "Ayaw mo pa rin umamin, talaga bang 'yan ang pasya mo?" "Erron, please huwag mo sana pahirapan pa ako dahil 'yon at 'yon pa rin ang isasagot ko sa iyo!" Tiningnan ni Erron nang mabuti ang dalaga at niyakap niya ito nang mahigpit at ang dalaga ay pilit na kumakawala sa binata. "Kuya Erron, pls. lamang nasa pang publiko tayong lugar at ayaw ko mayroon masabi sa atin ang mga marites," Nasa ganoon silang tagpo nang biglang may nagsalita sa likod nila na kinagulat ng dalawa. "Hindi na kayo nahiya at dito pa talaga sa kung saan maraming tao ang napili ninyo maglampungan!" "Mamang hindi po, nagkakamali po kayo dahil wala kami ginagawang masama. Kuya Erron sabihin mo sa kan'ya ang totoo!" "Mabuti pala at nasundan kita Erron nang makita kitang palabas sa mansion mo, ngayon ay hindi na ako mahihirapan na hanapin ka Amilah!" Naisipan kasi puntahan ni Melba ang pamangkin para ito ay kausapin nang masinsinan pero nakita niya ang kotse ng binata papalabas ng mansion kaya ito ay sinundan nila. "Hinahanap po ninyo ako, bakit po?" sagot ni Amilah na kun'wari ay nagtataka. "Gusto ko kasi malaman kung ano mo ang kambal na nanggulo sa engagement party nila Erron at Cristal. Ang sabi ni Erron pamangkin mo raw ang mga batang 'yon. Paano mo sila naging pamangkin, wala akong alam na mga kamag-anak mo rito?" "Wala nga po ako dito na mga kamag-anak dahil anak po sila ng kaibigan ko kaya tinuring ko na po silang mga pamangkin," patuloy ng dalaga na hindi iniisip pa ang mga salitang lumalabas sa bibig. "Amilah, sabi mo sa akin ay anak mo ang kambal sa isang lalaki na nakilala mo sa Germany. Why are you now telling her that the twins are your friend's children, ano ba ang totoo?" ang tanong ni Erron na para bang naguluhan sa mga pahayag ng dalaga. She didn't want Erron's aunt to know that she had children so she said something else and forgot Erron was there so she didn't think that all her lies will branch out. Hinawakan ng binata si Amilah sa braso.Tinulak naman ito ni Amilah and was about to run away but the young man noticed it so he hugged her tightly. Ang Mama Melba naman niya ay nagulat sa ginawa ni Erron kaya wala itong nagawa lalo na nang bitbitin ni Erron ang dalaga papunta sa kotse nito na nakahinto lamang sa hindi kalayuan. Mabilis na nakalayo ang kotse ni Erron at si Melba naman na natulala ay kumilos para utusan ang driver niya na sundan si Erron sa mansion nito. Dahil malapit lamang sa parke ang mansion ni Erron ay nakarating sila kaagad dito at pinagbuksan ng binata si Amilah para makababa ito sa kan'yang sasakyan. "Bakit mo ako dinala rito?" ang tanong nang galit na dalaga. "Dahil mayroon ako pakikita sa iyo. I gave you a chance to explain but you are really stubborn," "Ano ang ibig mo sabihin?" ang tanong muli ni Amilah na kabado at halatang umiiwas. "Pumasok ka na sa loob and I will tell you inside!" sagot sa kan'ya ni Erron na pangisi-ngisi pa. Si Melba naman ay nakarating na sa harap ng mansion at sinabihan niya ang driver na huwag na nitong ipasok ang kotse sa loob kaya ito ay pumara na lamang sa labas ng gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD