Gusto ni Melba na hindi malaman ni Erron ang pagsunod nila sa mga ito. Pagkakita naman sa babae ng guard ay pinapasok niya ito kaagad dahil kilala naman siya nito.
Nasa sala sila Amilah at Erron nang may kinuha ang binata sa may ibabaw ng cabinet at ito ay kan'ya binigay dito sa dalaga.
"W-what are you giving me?" ani Amilah na kinakabahan sa maaring laman ng envelope.
"Open and read it, then tell me again what you have confessed before!" mariin ngunit sigurado ang mga salita ni Erron sa dalaga.
Kinakabahan man ay pilit ni Amilah na pinapatatag ang sarili pero halata ng binata ang matindi pagkabalisa ng dalaga dahil hindi na ito mapakali.
Nanginginig ang kamay ng dalaga na binuksan ang envelope at binasa ito saka biglang napaatras ito bago nabitiwan niya ang papel na laman ng envelope.
Si Erron naman ay tumalikod para ito ay kumuha ng alak. The young man did not notice his Aunt Melba approaching who picked up the fallen papers from Amilah's hand and read them.
"May anak kayo ni Erron?" ang malakas na sigaw ni Melba kaya ang binata ay biglang lumingon.
Hinarap ni Melba ang nabigla pa na si Amilah at kan'ya ito sinampal sa kanan pisngi na hindi naman napigilan ng binata.
"Paano at kailan ito nangyari? Ito ba ang pinangako mo sa akin! Nakakahiya kayo, ang baboy ninyo?"
Hindi makatingin si Amilah sa babae na umampon sa kan'ya. Siya ay nahihiya rito at hawak pa niya ang mapulang pisngi dulot nang sampal sa kan'ya ng matandang babae kaya napaiyak ang dalaga.
Sinabunutan ni Melba si Amilah dahil sa nalaman at gusto pa sana nito isubsob ang dalaga sa center table pero napigilan ni Erron itong tiyahin.
"Tinuring kita na anak at ano ang ginanti mo? Ang sirain ang amin pamilya!" bulalas ni Melba hindi pa rin humuhupa ang galit.
"Tiyang, kayo po ay huminahon. We can't fix this if we keep fighting, " paliwanag nitong binata rito kay Melba na ayaw pa rin paawat.
Hinarap naman ni Melba itong si Erron at ito naman ang siyang sinampal ng babae. Hindi rin nakakilos kaagad ang binata dahil sa nag-aalala ito sa tiya na kagagaling lamang sa sakit.
"At ano ang gusto mong gawin ko, ang matuwa? Sinabi ko na noon sa inyo na layuan ninyo ang isat-isa pero ano ito nandamay pa kayo ng mga inosente na bata?"
Humagulgol ng iyak si Amilah at pagkatapos siya ay tumingin nang matalim kay Erron dahil sinisisi niya ito kaya naging magulo ang lahat.
Hindi maawat ang galit na galit na si Melba at sinabunutan niyang muli si Amilah na walang magawa kung hindi ang umiyak na lamang.
Nakaalalay si Erron sa tiyahin dahil baka kung ano ang mangyari rito pero nang nakita niya ang kaawa-awang lagay nang luhaang dalaga, ito ay natigilan.
"Tiya, tama na po nasasaktan na po si Amilah!" awat ni Erron sa kan'yang Tiya Melba na hawak-hawak pa ang buhok ng dalaga.
Inalis niya ang kamay ni Melba sa buhok nitong dalaga at ito ay niyakap ng binata upang pakalmahin at aloin.
"Tama na tiyang, umuwi na kayo, before something happens to you!"
"At ano ang gusto mo? Ang ako ay manahimik kahit na alam ko na maari ikabagsak ito ng kumpanya?"
"Puro kumpanya ang nasa isip ninyo! Kami ba ay balewala sa inyo? Mga tao kami na may damdamin na nasasaktan at panahon na para ko itama ang lahat!" matigas na wika ni Erron na siya kinabigla ng tiya niya.
"Ano ang ibig mo sabihin?" ang tanong ni Melba na para bang bigla kinabahan sa sasabihin ng binata.
"Kahit kapatid ko pa siya, wala na ngayon makakapigil pa sa amin dahil sa may mga anak na kami kaya sila ay kukunin ko at magsasama na!"
"Hindi, hindi ko ito papayagan!" sigaw ni Melba na hindi pa rin makapaniwala sa mga sinasabi ng kan'yang pamangkin.
Tinawagan ni Erron ang isa sa mga tauhan niya upang ihatid ang tiyahin at nagbilin ito rito na tawagin ang doktor bago ito umalis sa mansion ng tiyahin.
"Nang dahil sa babae na 'yan ay paulit-ulit mo akong sinusuway at kahit pa ako ang masaktan ay balewala sa iyo!" inis na sabi ni Melba halata ang malaking tampo sa binata.
Dahil hindi niya akalain matapos niya itong palakihin at tulungan na makatayo bunga nang pagkamatay ng magulang nito ngayon ay hindi na siya nito sinusunod.
"Umalis na kayo tiyang, before I lose my respect for you,"
Hahawakan na sana ng tauhan ni Erron si Melba upang paalisin pero tinabig ito ng matanda at ito mismo ang nagkusa na umalis na lamang.
"Tandaan mo ito ikaw na rin ang siyang naghukay nang sarili mong puntod kaya huwag ka lalapit sa akin para humingi nang tulong." Sabi ng tiya ni Erron at bago ito tumalikod ay kan'ya tiningnan pa nang masama si Amilah saka umalis kasama ang tauhan ng binata.
Umigting ang panga ni Erron at tinanaw ang paalis na tiyahin. Alam niya na sa oras na 'yon ay kaaway na ang turing sa kan'ya nitong matandang babae.
Nilapitan na niya ang luhaan na dalaga at niyakap ito habang kan'ya pinapasadahan nang haplos ang buhok nito.
"Huwag ka nang umiyak dahil nandito na ako at walang sinuman ang pupuwede manakit sa inyo ng aking mga anak," sambit ni Erron na pinapahid ang basa ng luha sa pisngi ng dalaga.
"Pero tiyak na gagawa ito nang malaki kaguluhan, madadamay ang iyong kumpanya at sigurado pati ang mga bata!" sambit nito kay Erron habang naluluha pa rin.
"Tama na tapos na ang usapan na ito. Lahat nang pagtatago at kasinungalingan ay kalilimutan natin. Isipin na lamang natin ang bukas ngayon na tayo ay magkasama na!"
"Pumayag na ba ako sa mga plano mo sa amin mag-ina? Sila ay napalaki ko nang wala ang tulong mo at aking kakayanin kahit ngayon, malayo lamang sila sa gulo."
Nagbago mukha ng binata at ito ay naging seryoso at ang isang daliri nito ay nilagay niya sa labi ng dalaga na parang sinasabi niyang tumigil na ito.
"Ayaw ko nang marinig sa iyo ang mga kataga na 'yan. Wala na itong atrasan pa, kapag sinabi ko na magsasama na tayo, kahit ikaw ay hindi na makatututol pa!" nakangiti na pahayag ng binata.
Nag-aalala pa kasi si Amilah dahil sa mahirap kalaban ang tiya ni Erron. Lumaki siya sa piling ng babae kaya alam niya ang mga kaya nitong gawin.
Kahit pa ito ay wala nang hawak na puwesto ay naroon pa rin ang mga bayarang tauhan nito na handa pa rin sumunod sa ginang.
"Huwag ka nang mag-alala, secured ang kumpanya ko at pumili talaga ako nang mga tao na siya kong pagkakatiwalaan dahil plano ko na talaga ito mula pa noon nang magpasiya ako na panindigan ka at ngayon ay pati ang mga anak ko!" saad nito sabay halik sa noo ng dalaga ngayon ay naguguluhan pa rin.
Hindi kasi na maiwasan nitong dalaga ang mag-alala dahil bata pa ang kambal at wala silang alam sa mga nangyari sa kanila ni Erron.
"Mabuti pa ay puntahan na natin ang mga anak mo dahil tiyak na nasa bahay na ang mga 'yon," wika nitong dalaga na iba ang nasa isip at ito ay ang mga anak na alam niyang kanina pa sa kan'ya naghihintay.
"Hindi ba sabi mo ay mayroon naman yaya sila kaya puwede naman dito ka na lamang muna matulog ngayon gabi?" saad pa nitong binata na mayroon mapanukso na mga ngiti.
"Ano pa ang atin gagawin dito baka bumalik si Mama Melba at tayo ay maabutan pa muli," turan niya sa binata na napansin niyang para itong may binabalak sa kan'ya na kalokohan.
Ang binata ay unti-unti naman lumapit kay Amilah saka ito kinulong sa mga bisig niya. Ang dalaga ay parang nagulat sa ginawa ng lalaki sa kan'ya.
"Hoy teka! Anong kalokohan na naman ang nasa isip mo?" sabi ni Amilah na tinutulak si Erron kaya ito napaatras.
Pero nakorner lamang si Amilah ni Erron at ang dalaga ay kinilabutan nang dinaklot nitong lalaki bigla ang dibdib niya.
Saka siya siniil nito nang halik na para bang uhaw na uhaw ito at siya ang tubig na siyang papawi sa nanunuyo nitong lalamunan.
"Kuya Erron, ano ba?" turan ni Amilah habang tinutulak niya ang binata.
"Amilah, mahal kita at ako ay baliw na baliw sa iyo!" sabi ng binata habang humihingal na tinitigan siya at para naman ice cream ang dalaga na natutunaw sa mga titig nito kaya nanlambot ang tuhod niya.
"Kuya Erron, ano itong ginagawa mo sa akin?" ani Amilah sa binata na humawak naman sa baba niya at muli siya nitong masuyong hinalikan.
At si Amilah ay hindi na nakaya pa manlaban o tumanggi at kan'yang tinanggap nang buong puso ang mga halik ni Erron.
Sinagot ni Amilah ang mga halik ng binata at sa pagkakataon na ito ay tuluyan na nitong muling sinuko ang kan'yang puso sa lalaki.
May luhang tumulo sa pisngi ng dalaga at ang binata ay napahinto saka masuyong dinampian ng halik ang tungki ng ilong ni Amilah.
"You will always be my queen and I am the king who will always be by your side today, tomorrow, up to the day I'll die!"
Tuluyan nang napaiyak itong si Amilah dahil sa matatamis na salita binitiwan ng binata na nagbigay sa dalaga nang kasiguruhan.
"Amilah, thank you and you didn't think to abort my children, I promise mula ngayon hindi ko na kayo iiwan pa,"
"Teka naman at nakikiliti ako," she said to the young man who was kissing him on the neck.
Maya-maya ay tinulak niya si Erron at lumingon sa may labas na para bang may hinahanap.
"Kuya Erron, si manang baka tayo makita?"
"Walang mga tao rito dahil lahat sila ay pinag-day off ko dahil balak ko talagang dalhin ka rito,"
"Ah, kaya pala ang lakas nang loob mo na ahasin ako ngayon?"
"Ahasin pala huh, bakit mukha na ba akong sawa? Gusto mo yata maranasan kung paano matuklaw nang malaking sawa!"
"Malaki pala ha, bakit sa tanda ko ay parang maliit na ahas lamang ang siyang nakatuklaw sa akin noon?"
"Huh, and you think my pet are still small? Humanda ka sa akin dahil talagang iika-ika ka pagbangon mo bukas!"
Natawa si Amilah sa sinabi ng binata at siya ay kinarga na ni Erron papunta sa elevator upang dalhin ito sa kuwarto niya sa may third floor ng mansion.