"Bakit ka ba nagagalit sa akin, masama ba ang magbakasyon?" ani Amilah na nagtaas pa ng kilay.
"Hindi masama pero sana ay nagsabi ka kung saan ka pupunta at kung sino ang kasama mo?"
"Kuya, I'm not a child anymore, you don't have to worry about me. I can handle myself!"
"I trust you but not those you are with," tugon kay Amilah ni Erron.
"Paanong sa akin ay may tiwala ka pero sa mga kasama ko ay hindi? Do you know the people I was with when I was on vacation?"
"That's why I'm mad because I don't know who you were with when you went on vacation!" sigaw nitong binata na unti-unti lumalapit dito kay Amilah.
"Sinabi ko noon pa sa iyo, kaya kita gusto rito tumira ay para kita mabantayan sa mga tutubi na pilit lumalapit sa iyo dahil sa ako lamang ang puwede mong mahalin at wala nang iba pa!"
Naitutop ni Amilah ang bibig sa narinig niya kay Erron dahil ang akala niya ay kumbinsido na ang binata na sila ay magkapatid.
"Ano ang ibig mo sabihin, Kuya Erron? Hindi pa ba malinaw sa iyo na magkapatid tayo sa ama?"
"To hell with that! Si Tiya Melba lamang naman ang may sabi niyan. Ako ay magpapagawa muli ng DNA appraisal at kapag mali ang sinabi niya sa atin, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kan'ya kahit tiyahin ko pa siya!"
Napanganga na lamang itong si Amilah sa balak nitong lalaki na muli magsagawa ng DNA test at parang lumilipad ang isip niya.
Nakalapit na si Erron sa dalaga at hinawakan nito ang mukha niya saka tinaas ito na kinabigla naman ni Amilah dahil halos magbunggo na ang mga ilong nila sa lapit ng mukha nito.
"Just wait, if my suspicion is true I will marry you right away!"
Saka banayad siya hinalikan ni Erron sa noo na nagbigay naman kay Amilah nang kaba at kilabot.
"Umakyat ka na sa kuwarto mo baka hindi ako makapagpigil ay may magawa ako sa iyo. Siguro kapag napatunayan na natin na talagang wala tayong kaugnayan sa isat-isa,"
Pinalabas na ni Erron si Amilah sa kan'yang silid tanggapan habang nakangiti ito hawak ang labi niyang dinantay sa noo ng dalaga.
"Sa susunod ay sa labi mo na dadampi ang labi ko na ito kaya Erron magpigil ka muna at darating ang oras na iyong matitikman muli ang matamis niyang labi!" bulong ng lalaki sa sarili habang inaalala ang mga nangyari sa kanila ng dalaga.
Nasa kuwarto na niya si Amilah nang magulat ito sa kan'ya nakita. Nanlaki ang mata ng dalaga dahil kay bango ng kuwarto niya dahil sa puno ito nang ibat-ibang klase ng bulaklak.
"Ano naman ito, Kuya Erron!" ani Amilah na hindi malaman kung siya ba ay kikiligin o maiinis sa ginawa ng binata.
"Sana nga atin mapatunayan na hindi tayo talagang magkapatid para sa kambal dahil gusto ko rin silang bigyan nang buong pamilya!" bulalas ni Amilah na sa puso niya ay ang pag-asa na mali ang sinabi sa kanila ng Mama Melba niya.
Hindi sinabi ni Erron kay Amilah kung kailan niya pauulit ang DNA test dahil gusto niyang wala muna makaalam nito kung hindi lamang siya.
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo? Paano kung ganoon pa rin ang lumabas na resulta?" ani Alex na kaibigan ni Erron habang sila ng binata ay nasa isang bar sa Makati at umiinom ng alak.
"Huwag ka riyan puro negative ang nasa isip, think positive at tiyak ko aayon sa amin si Lord!" turan ni Erron kay Alex na parang maganda ang mood ng gabi na yon.'
"Tsk, tsk, tsk, talagang sira na itong kaibigan ko. Sira na, baliw pa sa pag-ibig!" wika ni Alex na tatawa-tawa pa.
"Sinong sira at baliw ka riyan, palibhasa hindi ka binigyan nang ganitong problema sa lovelife ni Lord kaya nasasabi mo 'yan sa akin!"
"Tama na nga 'yan at uminom na lamang tayo dahil pina-uuwi ako ni Misis nang maaga," wika ni Alex dito sa kaibigan na para bang wala itong narinig.
Pinagmasdan ni Alex kan'yang kaibigan at iiling-iling ito, naawa siya kay Erron na umaasa balang-araw sila ni Amilah ay magkakaroon nang happy ending.
Biyernes nang umaga, si Amilah ay nagpaalam kay Erron na sabado na lamang ito uuwi sa mansion dahil may photo shoot siya sa probinsiya kinabukasan.
Totoo na siya ay mayroon photo shoot sa probinsiya pero lingid kay Erron ay kasama niya ang kambal at si Fate sa kan'yang tinutuluyan hotel.
"Buti na lamang at maaga kami dumating kanina kaya wala sa amin nakakita na mga kasama mo," wika ni Fate kay Amilah na tinutulungan nito sa dalang maleta.
"Kumusta na nga pala ang sugat ni Cj?" tanong ni Amilah habang ang kambal ay kan'yang pinagmamasdan na parehong nakatulog na.
"Wala na at ito ay naghilom na pero mayroon kaunting peklat siya sa kamay buti nga lamang at lalaki siya." tugon naman ni Fate sa dalaga na tinulungan niya sa pag-ayos ng damit nito.
Nilapitan ni Amilah ang kambal na mahimbing ang tulog at napangiti siya nang makita ang sugat ng anak na magaling na.
"Eh, ang nanay mo, kumusta na ngayon?" dagdag na tanong nito kay Fate habang pinagmamasdan ang mukha ng kaibigan.
"Okay naman si nanay ngayon, ang sabi ng doctor ay mabuti raw at aming naagapan kaagad dahil nasa stage 1 pa lamang ito kung hindi ay baka mahirapan daw na gumaling siya."
"Mabuti naman kaya manalig lamang tayo sa maykapal at sa tulong ng sensiya ay gagaling ang nanay mo!"
"Oo nga pala, may nakausap na nga pala ako na maging yaya ng mga bata. Ayaw ko mahirapan ka kapag pinasok ko na ang kambal sa school. Alam ko na kaya mo silang alagaan pero kailangan ka rin ng nanay mo kaya hayaan mo na may makatulong ka sa pag-aalaga ng kambal,"
"Mabuti at may titingin sa kanila saka mayroon din na maghahatid at susundo sa mga bata sa school 'pag nasa hospital kami ni mama sa oras sumailalim na ito sa chemotherapy," sagot ni Fate malaki ang kumpiyansa gagaling ang nanay niya.
Kinabukasan ay tumawag si Amilah kay Erron at sinabi ng dalaga na hindi muna siya makakauwi dahil ang photo shoot nila ay naextend pa kaya wala nagawa ang binata kung hindi ang pumayag.
Natapos naman nang maaga sila Amilah kaya pinasyal niya muna ang mga bata bago sila umuwi ng Maynila.
Si Erron naman ay tumawag sa hospital na kan'ya pinagdalhan ng buhok nila ni Amilah.
"I'm sorry, Sir Erron, but it will take a while for the DNA that you requested because it will be sent to another country so we can be sure," turan ng staff ng laboratory kausap ni Erron kung saan binigay ng binata ang specimen nila ni Amilah.
"It's okay with me as long as they make sure the result will be right, they have nothing to fear."
"Alright sir, as soon as we get the result we will call you right away." Sabi ng kausap ni Erron sa telepono bago ito binaba.
Alas singko na ng hapon nang hinatid ni Amilah sila Fate at ang mga bata sa bahay ng kaibigan sa Quezon City bago siya umuwi sa mansion ni Erron.
Gabi na ng siya ay nakarating sa mansion at hindi kaagad pumasok sa bahay dahil hinanda muna niya ang sarili.
Sinalubong siya ni Erron na nasa may sala at hinihintay ang dalaga. Ngumiti ang binata kay Amilah at ganoon din ang dalaga pagpasok nito sa loob ng mansion.
"Good evening Kuya Erron! Kumain ka na ba? Sabay na tayo," saad nitong nakangiti sa binata nang pagkatamis-tamis upang hindi na siya matanong ni Erron.
Gumana naman ang teknik na naisip ni Amilah sa binata kaya ito ay niyaya na lamang na kumain nang hapunan ni Erron.
Dumaan ang mga araw na wala naging problema si Amilah kay Erron pero isang araw ay umuwi ang binata na napakaseryoso ng mukha.
Ang binata ay kaagad umakyat sa kuwarto niya at nagulat si Amilah at ang mga kasambahay dahil sa naririnig na lamang nila ang tunog ng mga nabasag na gamit at iba pa na kasangkapan sa kuwarto ng binata.
"Ano 'yon? Parang may nabasag na baso o bote," wika ni Amilah na naguguluhan.
Tumakbo bigla ang dalaga sa kuwarto ni Erron kinakabahan dahil baka mayroon itong problema sa kumpanya at baka sa galit nito o frustration nito ay masaktan ang sarili.
"Kuya Erron, si Amilah ito! Please buksan mo ang pinto at ako ay kausapin mo,"
Sa loob naman ng kuwarto, si Erron ay nakatingin lamang sa basag na salamin nakakalat. Ang kamao niya ay nagdurugo dahil sa kan'ya pagsuntok sa salamin ng tokador.
"Bakit ganoon pa rin ang resulta, hindi ko matatanggap ito! Ayaw ko siyang maging kapatid, matagal ako naghintay, nanabik sa pagbabalik niya pero bakit ganito? What have we done wrong and fate is trying to play with us!"
Si Amilah naman ay katok pa rin nang katok sa pintuan ng binata at siya ay kinakabahan na sa maaring mangyari kay Erron dahil sa narinig nila na mga basag na kasangkapan hinahagis ng binata.
""Brother Erron, can you please open your door!"
Natahimik sa loob ng kuwarto kaya lalo naman kinabahan si Amilah dahil wala siyang alam kung ano na nangyayari sa binata kaya pinakuha niya sa isa sa mga kasambahay ang duplicate key ng kuwarto ni Erron.
Nang nabuksan nila ang pinto ay tumambad kay Amilah ang magulo at puno ng basag na bote ng alak at salamin ang kuwarto nito animo ay may buhawi nanalanta sa lugar na 'yon.
Dahan-dahan pumasok pa ang dalaga upang wala siyang maapakan basag na bote at kan'yang hinanap si Erron.
Nakita naman niya ang binata sa likod ng kama nakasalampak sa lapag kaya kaagad nito tinakbo ang binata.
"Kuya Erron may sugat ka!" ang sambit na pasigaw ni Amilah nang makita ang duguan na kamay nito.
Lumapit siya sa tabi ni Erron at umupo sa tabi ng binata saka kan'ya niyakap habang malungkot ito na tinititigan.
"Amilah, my love! Why did you become my sister, what will happen to us now?" wika nito namumula at namumugto ang mga mata.
Nagtama ang mga mata nila at naawa sa binata si Amilah. Siya ay nagkaroon nang hinala kung bakit ganito si Erron ngayon.
"The reason you are like this is because of the DNA test you are telling me about, answer me?" sigaw ni Amilah na bigla rin gumuho ang pag-asa na magkaroon nang buong pamilya ang mga anak.