Ang Kambal

1631 Words
Nakangiti na niyakap ni Fate si Amilah. Ilang buwan niyang hindi ito nakita pero pinipigilan niya sumigaw dahil tulog ang mga bata. "Bumalik na rin ang kaibigan ko na pasaway! Sa susunod ay huwag mo na iiwan ang mga inaanak kong cute at baka magsisi ka!" Ang dalaga ay natuwa rin makita ang kaibigan kaya ito ay niyakap rin at saka hinawakan ang kamay. "Alam ko naman maiintindihan mo ako at susuportahan palagi sa lahat ng aking desisyon," "Kaya hindi mo dapat balewalain ang kaibigan mong ito dahil malaki na ang utang mo sa akin ngayon!" ani Fate na nagtatampo sa kaibigan. "Para bang ako ay naglaro lang sa Pilipinas, ah! Kung hindi lamang sa trabaho hindi ko iiwan ang kambal sa iyo. Alam ko naman ang mga bata ang dahilan bakit hanggang ngayon ay wala ka pa rin asawa," turan pa ni Amilah kay Fate na biglang humawak sa dibdib na para bang nasaktan sa sinabi ng dalaga. "Para mo na rin sinabi na ako ay matandang dalaga na at kailangan humanap na ng mapapangasawa." Nagtawanan na tuloy silang dalawa nang mahina dahil sa alam nilang nasa hospital sila at ang mga anak ni Amilah ay natutulog pa. "Ano ang sabi ng doktor sa mga bata?" maingat na hinalikan sa noo ang kambal ni Amilah para hindi ito magising. "Hindi naman daw malalim ang kagat ng ungoy kay Cj at si Ck hindi naman nakagat kaya lamang sinuri pa rin nila ang dugo ng dalawa baka raw sila nakakuha ng virus sa mga ungoy kaya under observation pa sila hanggang hindi nakikita ang resulta ng blood exam!" "Binigyan sila ng shot para kahit paano ay may proteksiyon sila at ang sugat ni Cj ay ginamot," saad pa na kuwento ni Fate sa kaibigan. "Salamat sa iyo, kung wala ka baka kung ano na nangyari sa aking mga anak!" Tinapik naman ni Fate itong si Amilah sa noo na parang bata saka niya inakbayan ang kaibigan habang nakatingin sa dalawang bata na natutulog. Umalis muna si Fate para bumili ng pagkain kaya naiwan mag-isa si Amilah para bantayan ang mga anak. Dahil tulog pa ang mga anak kaya inayos nito ang mga gamit ng kambal habang panay ang tingin sa mga ito na talagang namiss niya at siya ay napabuntong-hininga saka napaluha. "Ami, ito lamang ang nabili ko sa canteen dahil gabi na. Paghatian na lamang natin ito at bukas magluluto ako nang gusto mong ulam," ani Fate na nilagay ang nabili niyang pagkain sa mesa. "Okay na sa akin ito Fate, ako ay busog pa naman." Nang magising ang mga bata ay tuwang-tuwa nilang niyakap ang ina at panay ang kuwento ng dalawa sa mga nangyari sa kanila mula nang umalis ang ina. Kinabukasan ay lumabas na ang resulta ng blood test at laking tuwa ni Amilah na walang nakitang virus sa kambal kaya ito ay pinayagan na rin makauwi at sa bahay na lamang daw gagamutin ang sugat ni Cj. Natuwa naman ang mga anak niya nang sabihin ni Amilah na may sopresa siya sa mga ito. Yumakap ang kambal kay Amilah na nanlalaki ang mga mata. "What surprise are you talking about, mama? tanong ni Ck sa ina na nakangiti sa kanila. "I will take you with me when I return to the Philippines!" saad ni Amilah sa natutuwa na mga anak. "Ami, nakahingi rin ako nang bakasyon sa agency kaya puwede ako makasama sa inyo. Gusto ko rin makita sila Rizza at inay," turan pa ni Fate sa kaibigan na hinawakan siya sa balikat saka niyakap. Pagkaraan nga nang ilang mga araw ay umuwi na sa Pilipinas sila Amilah at Fate kasama ang kambal na anak dahil may passport na ang mga ito. "Paano pala 'yan kung malaman ni Erron ang tungkol sa mga bata, hindi ka ba natatakot?" "Natatakot rin pero wala akong magagawa dahil ayaw ko nang iwan sila at baka sa bandang huli ako ay magsisi. Alam mo ba pakiramdam ko noon malaman na may nangyari sa kambal? Para akong mamamatay na rin dahil ano pa ang silbi nang buhay ko kung mawawala sila!" Naintindihan naman kaagad ito ni Fate dahil ina na si Amilah at lahat ng ina ay gagawin ang lahat para sa mga anak kagaya rin ng sakripisyo ng nanay niya noon siya ay hindi pa nakakapag-abroad. Kinakabahan talaga si Amilah pero ayaw niya pahalata kay Fate dahil kahit siya hindi niya alam kung paano niya itatago ang kambal kay Erron at sa Mama Melba niya. "Siguro bahala na si Batman, saka ko na iisipin kung paano, kapag tayo ay nakarating na ng Pilipinas. Malay mo hindi naman mangyayari 'yon dahil gagawin ko ang lahat para hindi malaman ni Erron ang tungkol sa mga bata," Tumingin pa si Fate sa dalaga at ito ay napaisip. Ang totoo ay hindi lamang bakasyon ang dahilan nang pag-uwi niya sa Pilipinas. Dahil na rin ito sa nanay niya na diagnose na may cancer kamakailan lamang. "Ami, may gusto akong sabihin sa iyo, baka hindi na rin ako babalik pa ng Germany!" Nagulat naman si Amilah sa mga nalaman dito sa kaibigan kaya tinitigan niya ito nang mabuti. "Hindi ka na babalik, bakit?" ang tanong ng dalaga rito sa kaibigan na may pagtataka. "Ang totoo kasi ay maysakit si nanay, last week lamang nalaman ni Rizza. Nang araw na tumatawag ako sa 'yo nang dahil sa dalawang bata, 'yon din ang araw na sinabi sa akin ni Rizza ang kalagayan ng aming ina," ani Fate kay Amilah na malungkot at mukhang iiyak pa. Niyakap na ni Amilah si Fate at hinaplos-haplos sa buhok na para bang inaalo ito upang maibsan ang lungkot na nararamdaman nitong kaibigan. "Lahat tayo may mga problema na dinadala pero ganoon pa man kailangan natin na magpakatatag dahil marami nagmamahal sa atin at umaasa." Payo ni Amilah kay Fate na tumulo na ang luha. Pinunasan ni Amilah ang pisngi ni Fate na basa ng luha pagkatapos ay niyakap niya ang nalulungkot na kaibigan hanggang sa pareho silang nakatulog. Nagising ang magkaibigan sa anunsiyo ng stewardess na sila ay nasa Pilipinas na kaya tiningnan ni Amilah ang mga anak niya na nag-iinat na rin. Naghihintay na sila sa loob ng airport para makuha ang bagahe nila nang biglang tumunog ang cell phone ni Amilah. Tiningnan ni Amilah kung sino ang tumatawag sa kan'ya at kan'ya nakita na si Mang Tureng pala ang tumatawag kaya ito ay kaagad niya sinagot. "Bakit po kayo tumawag, Mang Tureng may nangyari po ba?" tanong dito ng dalaga na para bang bigla kinabahan. "Sorry po, ma'am pero dumating na po si Sir Erron at hinahanap kayo. Nagagalit po nang malaman na hindi kayo umuwi noong sabado at linggo rito sa mansion." Sabi ng driver kay Amilah na nag-aalala. "Huwag po kayo mag-alala sa akin, Mang Tureng. Ako na po ang bahala kay Kuya Erron pagdating ko ng bahay," Tinapos na ni Amilah ang tawag at humarap ito kay Fate para sabihin ang tungkol sa tawag sa kan'ya ng driver niya. "Baka hindi na ako makasama sa inyo pag-uwi, siguro hihintayin ko na lamang si Rizza bago ako umalis. Hinahanap na ako ng master ko!" nakangiti na biro nito sa kaibigan na si Fate. "Sige, ako na ang bahala rito sa dalawang makulit na ito saka ka na lamang umuwi kapag may time ka. Good luck at sana mag-iingat ka." Si Amilah ay lumuhod na upang mapantayan ang mga anak at kan'ya pinalapit ang dalawang bata. "Children, mom has to work so mom can save for your future that's why I'm sorry that I will leave you again with Ninang Fate for now pero pipilitin ko na puntahan kayo pirmi, okay ba sa inyo?" ani Amilah naiiyak na dahil hindi niya puwede isama ang dalawang bata. "It's okay mom as long as you always call and don't forget us!" wika ng kambal na yumakap sa nanay nila na pareho hinalikan ni Amilah sa may pisngi. ""Don't be stubborn so that your Aunt fate and Aunt Rizza don't get a headache, is that clear?" Tumango-tango naman ang kambal saka yumakap muli sa ina habang si Fate naman ay nakatingin lamang sa kaibigan at sa mga anak nito. Nang dumating ang sundo nila Fate na si Rizza ay nagpaalam na rin si Amilah sa kanilang lahat. Sa mansion ni Erron, ang binata ay hindi mapalagay at ito ay inip na inip na palakad-lakad habang kan'ya hinihintay ang pagdating ni Amilah. Nalaman kasi niyang nagpaalam ang dalaga sa project director nila na hindi ito papasok nang ilang linggo dahil sa personal na kadahilanan. Miss na miss na ni Erron ang dalaga at hindi niya alam kung bakit naiinis siya na isipin masaya ito na nagbakasyon habang kasama ang iba. "Sir, parating na raw po si Ma'am Amilah," wika ng kasambahay kay Erron. "Sige sabihin mo sa kan'ya na umakyat dito sa study room kapag siya ay dumating!" Kaagad naman tumalima ang kasambahay na inutusan ni Erron at maya-maya nga ay nasa harap na ng binata si Amilah. "Narito ka na pala, kailan ka pa dumating? Bakit hindi mo man lang ako sinabihan?" tanong ni Amilah na halatang umiiwas na matanong ng binata. "Kanina lamang ako dumating and I didn't really tell you that I was coming today so I could see what you were doing without me," turan nito sa dalaga na hindi makatingin sa mga mata niya nang deretso. "Sabi ng driver mo, hindi ka sa kan'ya nagpasundo nang dalawang linggo. What did you do when you asked for a leave?" dagdag pa ng binata na gusto na sanang yakapin at halikan ang dalaga pero dahil sa selos ay pinipigilan niya. Kinabahan si Amilah pero siya ay kaagad naman nakasagot dahil pauwi pa lamang ay nag-isip na siya kaagad nang idadahilan upang hindi mataranta kung siya ay tatanungin ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD