Ang Nakaraan 2

1739 Words
Isang linggo buhat nang may nangyari sa kanila ni Erron, si Amilah ay kinausap ni Melba dahil si Erron ay ayaw paawat at pilit hinihingi ang basbas ng tiyahin para silang dalawa ni Amilah ay makasal. Dahil sa plano ni Erron kaya si Melba ay nagtapat kay Amilah kung bakit tutol na tutol ito sa relasyon nila ni Erron. Nang malaman ni Amilah na sila ni Erron ay totoo na magkapatid sa ama kaya nagpasiya ito na lumayo na lamang at mangibang bansa. Pumunta siya sa Germany at pagdating doon ay kaagad naghanap nang mauupahan si Amilah dahil sa ayaw niyang maubos ang dala niya na pera sa pagtira sa hotel. Nakakita siya ng dormitory na malapit sa isang eskuwelahan kaya 'yon ay kan'ya pinuntahan at doon niya nakilala si Fate na umuupa rin sa dormitory na 'yon. Nalaman niya na ito ay Filipino rin at matagal na nagtatrabaho roon at ito ang tumulong sa kan'ya para makahanap nang trabaho kaya mula noon magkasama na sila palagi. Nag-enroll na rin siya sa isa sa mga unibersidad na malapit doon sa tinitirhan nila upang matapos na niya ang nursing. Isang buwan na ang nakalipas nang mayroon siya naramdaman na kaiba sa katawan niya. "Palagi ka nang nahihilo at saka nagsusuka sa umaga, bakit hindi ka kaya umabsent muna sa eskuwela nang ikaw ay makapagpatingin sa doctor," yaya sa kaniya ni Fate nag-aalala sa lagay niya. "Bukas na lang siguro kasi may exam pa ako ngayon." Hinawakan si Amilah ni Fate sa kamay at ito ay kan'ya pinaupo sa silya dahil kagagaling lamang nito sa pagsusuka. "O sige, ikaw ay sasamahan ko na sa kuwarto para makapagpahinga ka at kapag nagutom ka ay mayroon ako niluto na pagkain." Tumango naman si Amilah saka tumayo at pumunta na ng kuwarto niya habang siya ay akay ni Fate. Kinabukasan ay maaga pa nang pumunta sila Amilah at Fate sa isang pampubliko na hospital. Halos isang oras na sila roon ni Fate dahil kinuhanan pa ng dugo si Amilah. Habang sila ay naghihintay, kabado si Amilah sa resulta ng test dahil baka may malubha na siyang sakit. "You don't have to worry, Miss Ricafort, because what you feel is normal for all women who are pregnant." Nagulat naman si Amilah, hindi siya makapaniwala na sa isang gabi lamang ay mabubuntis kaagad siya ni Erron. "I-I'm pregnant?" ani Amilah na hindi malaman kung ano ang kan'ya mararamdaman sa balita natanggap buhat sa doctor. Isang buwan na sa Germany itong si Amilah ng kan'ya malaman na nagbunga ang isang gabi nila na pagkakamali ng kan'yang kuya Erron. Hindi niya ito pinaalam sa Mama Melba niya o kahit kay Erron na siya ay nabuntis nito at si Fate lamang ang kasama niya sa pag-aalaga ng mga anak sa loob ng anim na taon. Doon natapos ang pagbabalik tanaw ni Amilah sa nakaraan nila ni Erron dahil inaantok na siya. "Hanggang kaya kong itago ang tungkol sa kambal ay gagawin ko!" bulong sa sarili ni Amilah bago ito naghikab at ilang sandali pa siya ay nakatulog na rin. Kinabukasan ay maaga naman nagising si Amilah, wala na sa isip ang bakas nang nakaraan na palagi nagbibigay sa kan'ya nang sakit sa ulo. Pababa na ang dalaga rito sa kan'yang apartment nang bigla siya natigilan dahil iba ang driver ngayon na sumundo sa kan'ya. "Kung inyo pong hinahanap ang dati ninyong driver ay wala po siya dahil may sakit po at ako ang kinuha ni Sir Erron na pumalit sa kan'ya," "Okay lamang po sa akin, ako ay nagulat lamang dahil sa hindi nasabi sa akin ni Kuya Erron kaagad." "Manong Tureng na lamang ang itawag ninyo sa akin, Ma'am Amilah," "Wala pong ma'am, Amilah na lamang po ang itawag ninyo sa akin. Mukha naman kasi ako na donya sa tawag ninyo sa akin," Natawa itong matandang driver bago pinagbuksan nito ng pinto si Amilah para ito ay makasakay na. Hinatid siya nito sa pinapasukan na kumpanya at bago ito umalis ay sinabihan ang dalaga na babalik sa hapon at hihintayin ang paglabas ni Amilah. "Ilang araw pa kaya sa ibang bansa si Kuya Erron?" turan sa sarili ni Amilah habang panay ang kan'ya buntong-hininga. May lungkot sa kan'yang mga mata na tumingin ito sa malayo nang bigla mayroon tumawag sa pangalan niya. "Amilah, there's someone downstairs looking for you," "Ha, who is looking for me, did they asked the name?" "The director didn't mention it to me, only the guard below called her," Nagmamadali na bumaba sa lobby si Amilah para makita ang tao na naghahanap daw sa kan'ya. Nasa gitna na siya ng lobby sa ibaba nang makita niya itong babae na nakaupo sa isa sa mga sofa na naroon at ito ay walang iba kung hindi ang kapatid ni Fate. Lumapit naman si Amilah dito at siya ay niyakap nito. Niyaya naman ni Amilah ang nakakabatang kapatid ni Fate na si Rizza sa visitors room. "Maupo ka rito sandali at ako ay kukuha lamang nang maiinom doon sa may vending machine," nakangiti na saad ni Amilah kay Rizza. Maya-maya ay bumalik na ang dalaga may dala-dalang dalawang soda. Si Amilah ay naupo sa tabi ni Rizza. "Akala ko kung sino naghahanap sa akin, ikaw lamang pala. Sorry ha, hindi ako nakadalaw sa inyo medyo busy ako nitong nakaraan. Bakit ka nga pala napunta rito ?" tanong pa ni Amilah sa kapatid ng kaibigan niya. "Hindi ka kasi matawagan ni Ate Fate sa telepono mo kaya ako ang kinontak niya para ipaabot sa iyo na kung maari ay bumalik ka kaagad sa Germany!" napatingin si Amilah kay Rizza at bigla itong kinabahan. "Kung maari sana pahiramin mo muna ako ng phone mo nakalimutan ko ang phone ko sa bahay, tatawag ako sa kapatid mo," anito sa kapatid ng kaibigan na si Rizza nag-aalala sa gusto nito parating sa kan'ya. Dinukot naman ni Rizza ang cell phone sa kan'yang maliit pero cute na bag at binigay kay Amilah 'yon. "Thank you rito, Rizza!" saka tinipa ni Amilah ang number ng cell phone ng kaibigan na iniwan niya sa Germany. Ilang segundo lamang nagring naman ang telepono na kan'yang tinatawagan pero walang sumagot. Nag-try muli si Amilah, suwerte dahil sa pangalawa na pagkakataon ay sinagot na siya ni Fate. "Hello Fate, si Amilah ito. Narito si Rizza at gusto mo raw makausap ako, may nangyari ba?" tanong ni Amilah na para bang kinakabahan. "Ami, si Cj at Ck nasa hospital!" Parang bigla pinagsakloban ng langit at lupa si Amilah at para bang nabingi bigla sa narinig. "A-ano nangyari sa kanila, bakit sila nasa hospital, Fate?" nauutal na tanong muli ni Amilah sa kaibigan. "Mayroon kasi silang field trip sa school sa isang zoo. Hindi pumayag ang dalawa na hindi sumama kaya pinayagan ko na kaya pinasama ko si Angge ang yaya nila nang mayroon magbabantay sa kanila pero nalingat ang nanny nila at hindi nito napansin na pumunta ang mga bata sa lugar ng mga unggoy at doon nakagat si Cj ng isa sa mga unggoy na kan'yang nilaro!" kuwento ni Fate kay Amilah na alam niya nag-aalala na para sa anak. "Paano nakagat sila ng unggoy, hindi ba nakakulong ang mga hayop na 'yon?" "Mayroon pero walang nakakita kung paano nakalapit ang mga anak mo!" sagot ni Fate rito sa kaibigang si Amilah na para bang balisa na sa mga sandaling 'yon. "Eh, si Ck paano naman?" ani Amilah na hindi pa rin na mapalagay. "Wala naman na nangyari kay Ck pero kailangan din siyang manatili sa hospital para raw maobserbahan ang dalawang bata dahil kagabi pala may namatay na isang ungoy sa zoo na 'yon at hindi ito nalaman kaagad ng caretaker dahil maaga dumating ang mga bata sa lugar," dagdag ni Fate na kuwento kay Amilah. "Magpapaalam na ako ngayon sa director namin para makapunta riyan. Ikaw na muna ang bahala sa mga anak ko, Fate!" pagsumamo pa nito sa kaibigan na para nang iiyak. Matapos nito magbilin kay Fate ay binaba na ni Amilah ang tawag upang kaagad na siya makabalik sa kan'yang trabaho kaya nagpaalam na si Amilah kay Rizza matapos na magpasalamat dito sa kapatid ng kaibigan. Ang dalaga ay walang sinayang na sandali at pagdating sa opisina ay pinuntahan nito kaagad ang project director nila at nagpaalam dito. Hindi pumayag si Mrs.Tapya ang project director nila Amilah dahil sa hindi pa natatapos ang photo shoot nila. Nag-alala ang dalaga pero kahit ano pa ang mangyari ay pupuntahan niya ang mga anak. "Ma'am Tapya, kahit pa ninyo bawasan ang suweldo ko ay aalis pa rin ako. Pagbabalik ko na lang ninyo ako sermonan!" saka tumalikod ito at hindi pinakinggan ang ano man na sasabihin ng matandang director. Noong araw din 'yon nagbook si Amilah papunta ng Germany. Sinabi niya ito kay Rizza nang sa ganoon ay makabili ito nang kung ano man na gusto niya ipadala sa ate niya dahil kinabukasan na ang kan'yang flight dahil 'yon na lamang ang available. Nang sinundo siya ng driver ay sinabihan niya ito na mayroon siya pupuntahan nang ilang araw at hindi na kailangan siya ay sunduin pa. Nagpasalamat rin si Amilah dahil wala si Erron at nasa business trip kung hindi ay baka hindi siya makaalis. Madali na kay Amilah bumalik sa Germany dahil citizen na siya roon at may visa na rin siya. Pagkaraan ng labing-tatlong oras ay palabas na sa airport ng Berlin, Germany si Amilah. Kaagad niya tinawagan ang kaibigan si Fate. "Fate narito na ako sa airport at kalalabas ko lamang. Message mo sa akin kung saan hospital naroon ang kambal at pupunta na roon ako!" anito sa kaibigan habang kinakabog pa rin ang dibdib sa pag-alala nito sa kambal. Sumakay na ng taxi si Amilah at nagpahatid sa hospital kung saan naroon ang kambal. Kinakabahan at panay ang dasal ng dalaga na wala sanang mangyari masama sa mga anak. Nakarating na si Amilah sa may hospital at kaagad niya tinungo ang pediatric ward kung nasaan ang mga bata at nakita naman niya kaagad ang room na sinabi ni Fate sa kan'ya. Pagpasok niya, sinalubong siya kaagad ni Fate na ang mga mata ay nangingitim tanda na puyat ito. "Sorry Fate, pati ikaw ay naabala ko. Dapat talaga sinama ko na sila pabalik sa Pilipinas kaya lamang ay gusto ko kasi may sigurado na ako na trabaho at bahay na mauwian sa Pilipinas bago ko kunin ang mga bata." nahihiya na sabi ni Amilah kay Fate na ngumiti lamang sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD