Si Amilah naman ay sakay ng eroplano pabalik sa Germany upang makapiling ang mga anak niya. May mga luha na dumaloy sa pisngi ng dalaga at impit na umiyak dahil ayaw niya na makaistorbo sa ibang mga pasahero. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Amilah sa mga natuklasan niya. Ang lahat ay parang panaginip sa dalaga at gusto niyang magising dahil nasasaktan siya. "Sorry sa inyo mama at papa ko, babalik ako at hahanapin ko kayo! Sa ngayon ay pag-iisipan ko muna ang mga gagawin ko na hakbang dahil patay na ang lahat ng mga gumawa sa inyo nang masama!" malungkot na sabi sa sarili ni Amilah habang siya ay nakatanaw sa bintana ng eroplano. Ang lahat sa kan'ya ngayon ay katulad ng ulap na ngayon kan'yang tinatanaw sa labas, madilim at tila ba nagbabadya ito nang maulan na hapon.

