Nasa may kuwarto ang ama ni Erron at ito ay nagbibihis nang may kumatok sa pinto. Siya ay ka-uuwi lamang kaya ito ay napasimangot dahil mukhang pinababalik siya sa opisina. "Puwede ka nang pumasok," ang wika ni Roman naiinis pero walang magawa. Dahil bilang assistant ng CEO, hindi siya puwede umarte dahil sa trabaho niya 'yon at dapat ano man oras ay handa siya. "Sir, may tawag po para sa inyo galing hospital. Si Sir Blanco po at Ma'am Camille ay naaksidente raw po kaya kayo ay kailangan doon sa hospital," magalang na sabi nitong kasambahay dito kay Ramon. "Ha! Ano raw ang nangyari kay Blanco at Camille?" tanong ni Roman gulat na gulat sa mga sinabi nitong kasambahay. "Sorry po sir, pero patay na po raw si Sir Blanco. Namatay po siya kaagad bago pa nadala sa hospital. Si Ma'am Camill

