Napairap si Amilah dahil bakit si Erron ang hinahanap nitong nurse, naroon naman siya at alam rin nito na kasama siya ni Erron. "Kaninang umaga nagtanong siya sa akin kaya hinahanap ko siya ngayon para sabihin ang lagay ng tiya niya pero dahil wala pala siya ay sa iyo ko na lamang ito sasabihin," turan ng nurse na malungkot ang mga mata nakatitig kay Amilah. "Hindi maganda kalagayan ng kan'yang tiya ngayon at siya po ay pilit nirerevive ng mga doctor!" ang nag-aalalang sabi ng nurse rito kay Amilah na hindi naman nakaimik kaagad. Nagulat kasi ang dalaga sa mga sinabi nitong nurse para mapaatras ito pero dahil sa pader na ang nasa likod kaya bago pa siya tumama rito ay napahinto na ito sa pag-atras. Sandali lamang pagka-shock ng dalaga at wala na itong sinayang na sandali. Kan'ya kaagad

