Naghihintay sila Erron at Amilah nang update sa kagayan ng kan'yang tiyahin at hindi mapakali ang binata. "Erron, siguro ay umuwi ka na lamang muna. Ako na lamang ang maghihintay dito at sasabihan na lamang kita kapag mayroon bagong balita na sa tita mo," Tumingin nang malungkot si Erron sa dalaga at para itong maiiyak dahil binabagabag siya ng kan'yang konsensiya. "Nakatutop na siya kanina sa dibdib niya pero sumige pa rin ako para siya ay galitin," ang malungkot nito na sabi kay Amilah na walang nagawa kung hindi ang hawakan ang mga kamay ng binata. "Huwag mo nang isipin pa 'yon dahil hindi mo naman akalain na aatakehin siya sa sinabi mo dahil palagi naman kayo nagkakasagutan pero ngayon lamang naman siya nagkagan'yan." Sabi ni Amilah na nalulungkot din para sa binata. Lumapit ang d

