Hihintayin na muna niya si Erron at ito ay ipapalam niya sa binata, sa ngayon ay kailangan hindi malaman ng kaibigan alam na niya ang lihim nito. Malungkot si Amilah dahil sa natuklasan niya. Ang tinuring niyang matalik na kaibigan at kapatid ang siya magtatraydor sa kan'ya. Habang wala pa si Erron, itong si Amilah ay nagpaalam muna kay Fate na pupunta sa ICU para tingnan kung mayroon pagbabago sa kalagayan ng anak na si Cj. Nakahawak ito sa salamin na bintana ng ICU at tinatanaw niya ang wala pa rin malay na anak. "Cj, gumising ka na anak at nang makauwi na tayo, si Ck at mama mo ay naghihintay," Ang dalaga ay naluluha dahil sa mga nakikita niya na kung ano-ano na aparato nakakabit sa anak at siya ay napaluhod na parang nagdadasal. "Mama, don't cry because my brother will wake up an

