Naguguluhan si Erron sa mga nangyayari dahil paano ang matagal ng kaibigan ni Amilah ay magagawa na traydorin sila. Shock at hindi makapaniwala ang binata pero maliwanag ang sabi kanina ni Amilah na traydor si Fate. Nang lumabas ng banyo si Fate ay tumayo si Erron sa kama at akma magpapaalam sa dalaga pero ang binata ay pinigilan ni Fate. "Dito ka na muna dahil ako ay nagpadeliver nang makakain natin kaya umupo ka rito at atin na lamang hintayin ito," nakangiti na sabi nitong si Fate sa binata at lihim na ngumiti. Walang nagawa si Erron kung hindi ang maghintay at hindi naman nagtagal ay dumating ang pagkain pinadeliver ni Fate. "Halika na baka lumamig ang pagkain natin." Kumain sila ni Fate at hindi nito maiwasan na mapatingin sa dalaga. Hindi niya talaga maisip kung sino si Fate ma

