Matagal siya nakaupo sa may kama. Namumugto na rin ang mga mata ng dalaga kaiisip kung paano masolusyonan ang problemang ito.
Kung siya nga lamang baka nga lumayo na lamang siyang muli pero nangako siya sa mga anak kan'yang hahanapin at ihaharap sa mga ito ang kanilang ama.
Pero paano na niya maihaharap ngayon ang kambal sa kanilang ama kung nagsusumigaw sa bawat sulok ng mundo ang katotohanan na ang ama ng mga anak niya at siya ay magkapatid.
Lumipas na ang mga oras bago pa dinalaw si Amilah ng pagod at antok. Nakatulog siyang mabigat pa rin ang dibdib.
Tanghali na ng ito ay magising at dahil sunday naman kaya hindi siya nangamba malate sa trabaho. Handa na sana siyang bumaba nang mayroon kumatok bigla sa pinto ng kuwarto niya.
"Ma'am Amilah si madam po ay naririto at gusto po raw makausap kayo!" sabi ng kasambahay nila na matagal nang naninilbihan kay Erron kaya kilala nila si Melba, ang tiyahin ng binata.
"Sige, bababa na kamo ako,"
Magkasunod na bumaba sa may hagdan sila Amilah at kasambahay nila. Nagulat pa ang dalaga dahil sa mayroon kasama si Melba at ito ay walang iba kung hindi si Cristal.
Magarbo ang mga kasootan ng dalawa na animo ay dadalo ng party kaya napatingin sa sarili si Amilah.
"Ano ang panama ko sa babae na ito, wala ako kung tutuusin pero bakit ako pa rin ang pene-peste ng Erron na 'yon?" isip-isip niya sa sarili habang nakatingin kay Cristal.
"Kanina pa po ba kayo, Mama Melba?"
"Kararating pa lamang namin at sinabi nga sa amin ng katulong na tulog ka pa raw,"
"Medyo napuyat ako kagabi at dahil linggo naman kaya sinulit ko na ang pagtulog,"
"Bakit ka naman napuyat at ano naman ang ginawa mo?" tanong ni Cristal na matalim ang mga tingin sa dalaga.
"Secret!" saka siya ngumiti na parang nakakaloko na siyang kinainis naman ni Cristal.
"Kumain na po ba kayo, mama dahil ako ay hindi pa. Puwede naman kayo sumabay sa akin, marami naman yata ang mga nilutong ulam ni manang," ani Amilah sa dalawang bisita na pareho nakasimangot.
Tumayo ang dalaga at akma na itong pupunta sa dining area nang pinigilan siya ng matandang babae.
"Bago ka kumain ay mag-usap muna tayo!" mariin bigkas ng matandang babae na hawak ang palapulsuhan ni Amilah.
"Ano po ba gusto ninyong pag-usapan natin?" sagot ni Amilah na parang nasaktan sa pagkakahawak sa kan'ya ng matandang babae.
"Gusto ko kasi na dito na rin patirahin si Cristal at alam ko hindi papayag si Erron kaya gusto ko na ikaw ang siyang magsabi sa kan'ya dahil alam kong papayag siya kung ikaw ang magsasabi!" pahayag ng matanda na kinabigla naman ni Amilah.
Napatingin si Amilah sa babae nag-ampon sa kan'ya at ito ay hindi makapaniwala sa hiling nito sa kan'ya.
"Ako? Bakit ako ang kailangan magsabi kay Kuya Erron?" ang tanong ni Amilah na hindi pa rin kumbinsido sa sinabi ng matanda.
"Bakit nga ikaw? Dahil alam ko na kapag ikaw ang siyang humiling sa kan'ya ay hindi makakatutol si Erron!"
"Pero sino ako para sabihan ang may-ari ng mansion na sumunod sa akin?"
"Gusto mo bang suwayin ako, Amilah?" galit pa na anggil nito sa tinuring niyang anak.
"Pero mamang, si Cristal ang siyang dapat na humiling nito kay Kuya Erron hindi ako dahil sino ba ako rito, sampid lamang din ako sa mansion na ito," depensa pa ni Amilah sa nag-ampon sa kan'ya.
"Alalahanin mo na malaki ang utang na loob mo sa akin dahil kung hindi kita noon pinagamot at kinuha sa bahay ampunan ay baka patay ka na ngayon!" sigaw ni Melba kay Amilah na nanggagaliite.
"Salamat po sa inyo pero hindi ko po sinabi o hiniling sa inyo na pagamot ninyo, kayo ang siyang nagkusa niyon!" wika ng dalaga na lumakas bigla ang loob na sabihin 'yon sa matanda.
Tinaas ni Melba ang kanang kamay at ang isang daliri ay tinutok sa noo ng dalaga saka dinuro ito.
"Malakas na ang loob mo na sumagot sa akin ngayon, bakit may narating ka na ba bilang modelo?"
"Kailanman ako ay hindi sa inyo nagyabang kung ano narating ko o kahit na ang magmalaki kung ano ako ngayon," sagot ng dalaga na pilit pinakakalma ang sarili.
"Kung mayroon po kayong gusto sabihin sa pamangkin ninyo ay kayo na lamang po ang makipag-usap sa kan'ya at huwag ninyo akong gawin sangkalan sa gusto ninyo mangyari!" may diin sabi ni Amilah sa kan'yang ina-inahan.
"At kung wala na po tayong pag-uusapan pa ay gusto ko na kumain, puwede kayong sumabay kumain sa akin pero kung ayaw naman ninyo ay maari na po kayong umalis."
"Aunty, let's go and stop talking to that ungrateful woman!" turan ni Cristal na umirap pa sa dalaga.
"And who is the ungrateful one you speak of?" sagot ni Erron na nakakunot ang noo na nakatingin sa mga bisita.
Lahat sila ay napalingon at si Cristal ay bigla napaatras dahil ang nasa likod nila ay walang iba kung hindi si Erron.
"E-Erron, kanina ka pa ba riyan? hindi ka kasi namin napansin ni tita," wika ni Cristal bigla naman naging mabait at kun'wari walang masama na sinabi.
"Sino ang iyong sinasabihan na walang utang na loob?" ani Erron na pasigaw at mukhang galit.
"Sinisigawan mo ba si Cristal nang dahil kay Amilah?" saad ng tiya ni Erron na galit na rin.
"Galit ako at 'yon ay dahil wala na kayong ginawa kung hindi i-bully si Amilah. Tuwing kayo ay pupunta rito, nabubuwisit ang buhay namin!"
"Kulang pa ba ang bigay kong allowance sa inyo at nanggugulo na naman kayo rito?"dagdag pa nitong binata sa kan'yang tiyahin.
"Iyan ba tingin mo sa akin, ang panggulo lamang?"
Saka matalim niyang tinitigan ang pamangkin na wala mababakas na ano man pagsisisi sa mukha.
"Bakit ba kayo naririto na naman?" tanong ni Erron sa tiyahin.
"Bueno yaman din lamang narito ka na ay hindi na ako magpapaligoy pa, gusto kong tumira rito si Cristal. Hindi ako mapapanatag hanggang dito nakatira si Amilah!"
"Sino kayo para ako ay utusan nang gan'yan? Ako ang may-ari ng mansion na ito at walang puwede tumira rito nang hindi ko gusto!" inis na sambit ni Erron sa mga babae.
"Nakalimutan mo yata na ang mansion na ito ay sa amin na dalawa ng mama mo nakapangalan kaya mayroon din akong karapatan kung sino ang gusto kong patirahin dito!"
Nagulat naman si Erron sa mga narinig niya sa tiyahin dahil akala niya ay binalik na lahat nito sa kan'ya ang mga ari-arian ng namayapang magulang.
Walang kibo si Amilah dahil sa tingin niya ay maganda na rin itong pagkakataon para madalaw niya ang kambal dahil kung si Cristal ay titira roon mayroon na siyang dahilan para palaging hindi umuwi sa mansion.
"Kung ganoon ay mayroon din karapatan si Mama Melba rito," sa isip-isip ni Amilah habang kan'yang pinagmamasdan ang magtiya na nagbabangayan.
Hindi makaimik si Erron dahil sa parang nasukol siya ng tiyahin at hindi niya gusto ang pakiramdam na ito.
"Mula bukas ay dito na titira si Cristal at oo nga pala, kinausap ko ang HR ng kumpanya natin upang bigyan nang position si Cristal,"
"Bibigyan niyo si Cristal nang position sa kumpanya, ano naman ang pumasok na kalokohan sa utak ninyo? Her parents have their own company why would you hire her to our company?" ani Erron nagtataka sa mga desisyon ng tiyahin.
"Ako lamang ang may karapatan kung sino ang patitirahin ko dito at kahit kayo ay kaya kong patalsikin sa pamamahay ko!"
"Ah, ganoon! sige gusto mong magdemandahan tayo? ilabas mo ang alas mo at ilalabas ko rin ang sa akin. Alalahanin mo that it is clearly stated in your parents' will that I will be the administrator of their wealth for the rest of my life!"
Para sa binata ito ay patunay lamang na mayroon nangyayari na conspiracy at 'yon ang gusto niyang alamin.
Tahimik naman si Amilah dahil tingin niya ay mayroon benepisyo sa kan'ya ang ginagawa ni Melba.
"Maybe you want to take over the company too?"
Natahimik ang tiyahin niyang si Melba at napangiti ito dahil takot din pala ang pamangkin na mawala ang kumpanya sa kan'ya.
"Bakit ba hindi? kaya magtino ka dahil lahat nang kilos mo ay alam ko rin,"
"Wala na tayong dapat pa pag-usapan, bukas rin ay lilipat si Cristal dito and don't try me because if I can give it all to you, I can also take it back!" turan ng tiyahin niya na para bang nagbabanta.
"Hanggang ang babae na 'yan ay narito, si Cristal ay hindi mo puwede paalisin!" saka tinuro ng isang daliri ni Melba si Amilah.
Napangiti ang binata at ito ay lumapit sa tiyahin na umatras naman papunta kay Amilah na para bang nabigla sa ginawa ni Melba.
"So si Amilah na naman pala ang dahilan kaya gusto ninyo na rito patirahin si Cristal. Okay sige, payag na ako kung gusto ninyo siyang tumira rito pero sorry to say na sa oras na tumuntong siya rito ay 'yon din ang araw nang pagbagsak nang negosyo ng ama niya!"
Nanlisik ang mga mata ni Melba sa narinig at si Cristal ay napaluhod sa narinig niya kay Erron dahil alam niya na hindi ito nagbibiro.
Tumalikod na si Erron na tatawa-tawa at sumisipol pa na para talaga itong naghahamon nang away.