Unang Pagkikita nila Erron at ang kambal

1883 Words
Kaaalis lang nila Melba at Cristal pero alam ni Amilah na babalik ito kinabukasan. Tamang-tama at may pasok na bukas kaya nakahinga siya nang maluwag. Kinabukasan, maaga sila Amilah at Erron na umalis para bang talaga nilang iniiwasan sila kina Cristal at Melba. Ang dalaga ay bumaba sa tapat ng building ng AIC pagkatapos ay tumuloy naman sa opisina niya ang binata. Nasa elevator na si Amilah nang marinig niya ang tunog ng cell phone niya kaya ito ay dinukot niya sa bag upang tingnan kung sino ang tao na tumatawag sa kan'ya. Nakita niyang si Fate ito kaya sinagot niya kaagad ang kaibigan habang palabas ang dalaga sa may elevator. "Fate, bakit ka tumawag? May nangyari ba sa kambal?" kabado na tanong ni Amilah sa kaibigan. "Okay naman ang kambal kaya lamang ay hindi pumasok ang yaya nila ngayon. Schedule kasi ni nanay na magchemo at si Rizza naman ay nasa school kaya baka hindi ko sila masusundo mamaya," "Hayaan mo ako nang bahala sa kanila, magpapaalam ako sa boss ko para mamayang tanghali masundo ko sila. Mga 2 pm ba ang labas nila?" "Oo, bahala ka na sa dalawang makulit at baka kami ni nanay ay matagalan sa hospital," "Huwag ka nang mag-alala sa amin dahil kayang-kaya ko na sila, ang isipin mo ay si nanay. Sige na at baka mahuli pa kayo." Tinatapos ni Amilah ang photo shoot ng perfume na kalalabas pa lamang kaya para hindi makalimutan ay nagpaalam na kaagad siya sa project director nila. Nang tanghali na ay umalis na si Amilah at pumunta na sa school ng mga anak para sunduin ang mga ito. Dahil traffic hindi nakarating kaagad si Amilah. Ang dalawang bata ay nainip kaya ang mga ito ay nagpaalam sa kanilang teacher na maglalaro sa may garden. Nakakita si Cj ng bola na naiwan ng mga kaeskuwela at pinaglaruan ito ng kambal. Nang mapalakas ang hagis ni Cj sa bola kaya hindi nasalo ni Ck at ito ay napunta sa labas ng bakod. Dahil umalis ang bantay sa may gate kaya tumakbo palabas si Cj at hindi nito napansin ang parating na sasakyan mabuti na lamang at ang driver ay nakapagpreno kaagad. "Manong naman sa susunod ay magdahan-dahan kayo, muntik na tuloy kayo makasagasa ng bata!" ang masungit na wika ni Erron sa driver bago ito bumaba para tingnan ang kalagayan ni Cj. "Are you hurt, kid? tanong ni Erron habang tinulungan niya ang batang si Cj na makatayo buhat sa pagkakaupo sa kalsada. "It's nothing po and don't worry kasi sabi ng mama ko okay lamang ang kaunting gasgas kasi boy daw po ako!" "Kuya Cj!" Tumingin si Erron sa tumawag na bata na nakatanaw sa kanila mula sa gate ng school at napansin niyang kamukha ito nang kausap niya rin na bata. "Are you twins?" tanong ni Erron natuwa sa nakita. "Opo, that's why we look alike," sagot ni Cj na nagtaas ng ulo dahil matangkad si Erron. "Ako nga pala si Erron, just call me Uncle Erron. Oo nga pala bakit ka nasa labas at nasaan ba ang bantay ninyo?" nagtataka nitong tanong sa bata. "She hasn't come yet that is why we played first, huwag sana po ninyo ako isusumbong kasi baka kami ay pagalitan dahil lumabas ako nang walang paalam!" Tumingin si Erron sa nakabukas na gate at nakita niya ang guard na may bitbit na pagkain kaya naisip niya kung bakit nakalabas ang bata. "Come and I will take you back to your school. Sa susunod huwag kang basta lalabas nang walang kasama para hindi ka mapahamak!" turan ni Erron sa bata na kan'yang tinitigan mabuti. Hindi alam ni Erron kung bakit kay gaan nang pakiramdam niya sa bata. Sinamahan niya ito at inihabilin sa guard na nagbabantay sa gate. "Thank you po sa inyo, uncle." Anito kay Erron saka nagbabye pa ito sa binata. "Eto nga pala ang business card ko kung may maramdaman ka na masakit sa katawan mo, patawagan mo ako sa mama mo." Bago umalis ay tiningnan muli ni Erron ang bata na nakatalikod at ewan niya pero parang nalungkot siya nang ito ay mawala sa paningin niya. Tiningnan niya ang kamay na pinanghawak kanina kay Cj at bigla parang nakaramdam siya nang hapdi sa dibdib na ngayon lamang niya naranasan. ""Why do I feel this way about that boy? Ah, talaga yata nasisiraan na ako ng ulo. Hindi ko kaano-ano ang batang 'yon pero bakit ang aking pakiramdam ay parang kapamilya ko siya!" Umiling-iling si Erron at pilit na winawaksi sa isipan niya ang bata na ngayon lamang niya nakita. Nakasakay na ang binata pero hindi pa rin maalis sa isipan niya ang batang nakilala kaya sinabihan niya ang driver. "Tandaan mo itong school na ito dahil tayo ay babalik dito sa ibang araw. Gusto kong makitang muli ang batang 'yon at malaman kung sino ang magulang niya." Si Cj naman ay kinakausap si Ck na huwag ito magsusumbong kahit kanino nang ginawa niya kanina na paglabas sa gate ng school. "Kuya, who is the man you were talking to earlier, hindi ba bilin ni mama huwag basta makipag-usap kung hindi kilala?" tanong ni Ck sa kapatid. "Mabait naman siya, he told me to call him Uncle Erron," sagot ni Cj na lumingon muna at baka mayroon makarinig sa kan'ya. "No one should know this dahil tiyak kapag nalaman nila, tayo ay pagagalitan kaya wala kang dapat pagsabihan," wika pa nito sa kapatid na si Ck. "Hayaan mo kuya, hindi kita isusumbong kahit kanino dahil ayaw ko mapagalitan ka!" saka tinapat ang isang daliri sa nguso niya na ang ibig sabihin ay walang makakaalam. "Anong sinabi mo na hindi mo siya isusumbong? May kalokohan na naman ba kayong ginawa habang ako ay wala?" tanong ni Amilah na papasok ng gate. Tumakbo na ang dalawa nang makita bigla ang ina. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil first time sila na susunduin nitong nanay nilang si Amilah. "We miss you, mom!" wika ni Cj sa ina na nakangiting niyakap ang kambal. "Mom, where's Aunt May?" ang tanong naman ni Ck na nagtaka dahil si Amilah ang sumundo sa kanila ngayon. "I think your nanny is sick, so your Aunt Fate called me because she went to see someone earlier." Sagot ng dalaga na hinahaplos ang buhok ng mga anak. "Sana araw-araw kayo na ang susundo sa amin ni Cj, mama," sabi ni Ck na mukhang masaya dahil sa kasama nila ang nanay nila. "Pasensiya na kayo mga anak, malayo kasi ang trabaho ni mama pero darating din ang araw na tayo ay magkakasama rin," Habang sakay sila ng tricycle ay pakanta-kanta pa ang kambal at pinagyayabang ang mga star na kanilang natanggap. Masaya ang mga anak ni Amilah at dahil madaldal si Ck ay panay ang kuwento nito nang nakakatawa kaya hindi na naalala pa ng ina ang mga tinatanong nito kanina sa kambal. "Ma, let's go to Jolibee! Gutom na po kasi ako," hiling ng bunso na si Ck kay Amilah na naglalambing. "Sige na nga pero sa ngayon lamang ito ha! Baka mamaya panay ang ungot ninyo ng Jolibee sa Tita Fate at Tita Rizza ninyo, mamulubi ang mga 'yon!" "Don't worry mom, ngayon po lamang ito kasi tayo ay masaya dahil sinundo ninyo po kami!" sagot ni Cj sa ina na ngumiti naman sa bata. Pagdating sa mall pumasok sila sa Jolibee at omorder na ng pagkain. Kumakain na sila nang pagtingin ni Amilah sa katapat na coffee shop ay nakita niya si Erron na may kausap na lalaki at para bang may mahalaga na pinag-uusapan. "Mabuti na lamang at siya ay nakatalikod kung hindi baka kami ay nakita niya," saad ni Amilah na bigla kinabahan kaya minadali niya ang mga anak at sinabi rito na mayroon pa silang pupuntahan. Si Erron naman ay walang malay na kausap ang lalaki na kasama niya tungkol sa negosyo. Pagkakain ay inuwi na ni Amilah ang mga anak sa bahay nila Fate na para bang nabawasan ang tinik sa lalamunan. "Ang akala ko ay katapusan ko na, talaga yatang mapagbiro ang tadhana. Sino ba ang mag-aakala na sa laki ng NCR makakarating pa dito ang lalaki na 'yon?" ang sambit sa isip ni Amilah hawak ang dibdib na ngayon ay kumakalma na. "Mom, are you leaving again?" tanong ni Cj na hindi maipinta ang mukha. "Oo, mamaya 'pag dumating na sila Tita Fate mo nang may kasama kayo. Baka pag-alis ko ay tulog na kayo." "Can you just stay here?" hiling nito sa ina na malungkot. "If only it were possible baby but mom must work, para may pambili kayo ng food at nang iba pa ninyong kailangan," ani Amilah saka nilapitan ang mga anak at niyakap ang mga ito. "Promise ko mga anak, si mama ay mag-iipon para makuha ko kayo kaagad!" naiiyak na sabi ni Amilah na lumuhod para mayakap niya ang mga anak. "Pero sa ngayon ay magtiis na muna kayo mga anak. Palagi akong tatawag sa inyo. Okay na ba 'yon, mga mahal ko?" Tumango-tango ang mga bata kay Amilah at kan'yang hinalikan ang kambal saka tumayo na para ang mga ito ay asikasuhin. Ang mga bata ay pinunasan ni Amilah bago bihisan nang damit pantulog at pagkatapos ay kan'yang binasahan ng fairy tales ang mga ito para makatulog. "Good night mga baby ko, sana huwag kayo maging pasaway sa mga tita ninyo ha! Promise tatawag ako paggising ninyo bukas," sambit niya sa mga anak saka hinalikan sa noo ang kambal at niyakap pareho. Alas otso na ng gabi nang ang kaibigan niyang si Fate at ang nanay nito ay dumating na sakay ng taxi. Inalalayan ni Fate ang nanay niya pababa sa taxi dahil nanghihina ito pagkatapos nang chemo kaya si Amilah ay tumulong na rin sa pag akyat sa nanay ni Fate ng bahay. "Nagluto ako ng sopas kanina, dadalhan ko si nanay sa itaas maya-maya lamang kaya samahan mo na muna siya," turan ni Amilah dito sa kaibigan na bakas ang pagod at ang pag-alala para sa ina. Kumatok ang dalaga sa pinto ng kuwarto nila Fate na dala ang sopas na medyo mainit-init pa. Binuksan ito ni Fate at kinuha kay Amilah ang dala nitong bowl na may sopas. "Tulog na ang mga bata kasi nagpunta pa kami sa mall kanina dahil naglambing ang kambal na pumunta kami ng Jolibee," Napangiti si Fate saka hinila sa labas ng kuwarto si Amilah upang hindi nila maistorbo pa ang inang nagpapahinga. "Ginagabi ka na, puwede mo na iwan ang dalawa at ako na bahalang magsabi sa kanila na umalis ka na," ani Fate sa dalaga parang nahihiya sa kan'ya. "Sorry, alam ko na busy ka sa pag-aalaga ng nanay mo tapos ay dinala ko pa rito sa iyo ang kambal," "Salamat sa iyo, tatanawin ko talaga na malaking utang na loob itong ginawa mo sa amin kaya kung may kailangan ka ay magsabi ka sa akin!" wika pa ni Amilah sabay yakap kay Fate na naluluha. "Huwag mo na akong alalahanin pa dahil may pera pa naman ako na ipon, magsasabi na lamang ako 'pag wala na talaga akong madukot," "Ang mga bata naman ay hindi pabigat sa akin dahil napamahal na sila sa amin at para na namin silang mga kapatid na bunso!" dagdag pa ni Fate kay Amilah na parang naluluha na rin sa sinabi ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD