Mapagbirong Pag-ibig

1538 Words
Hindi na sana balak pa ni Amilah na silipin ang mga anak pero hindi pa siya nakakaalis ay nalulungkot na ang dalaga. Naalala niya ang usapan nila ng mga anak bago umalis sa Germany. Tanong nang tanong ang kambal sa kinaroroonan ng ama nila. "Mama, where is our dad? Ang sabi ninyo noon ay nasa malayo ang papa namin at nag-iipon ng pera. When will he really come home to be with Ck and me?" tanong ni Cj sa ina na malungkot. "It might take a while before your dad gets home because he has a lot to take care of." Ang kambal ay nagkatinginan at dahil matatalino ang mga ito ay hindi pa rin nakaligtas si Amilah sa mga tanong buhat sa mga bata. "Dad is already working, why do you need to work too? Bata pa kami at hindi pa gaano magastos. Libre naman ang aming pag-aaral, ang kailangan lamang namin ngayon ay ang papa at mama namin hindi ang pera!" wika ni Cj, ang panganay niya at ang pinakamatalino sa kambal. Walang maisagot si Amilah nang oras na iyon dahil para bang nasukol siya ng anak sa sinabi nito. Nag-isip kaagad si Amilah nang isasagot na kapanipaniwala sa mga bata. "This is all for your future, my children. Darating din ang araw na maappreciate ninyo rin lahat ang mga ito," turan ni Amilah sa mga anak na hindi pa rin kumbinsido sa sinasabi ng ina. Walang nagawa si Amilah kung hindi ang magbuntonghininga dahil ang hirap pala kapag matalino ang mga anak. Natatakot ang dalaga dahil wala pang pitung taon ang mga ito ganito na ito magtanong at mas kakabahan pa siya tiyak kapag nagkaedad pa ang kambal. "Siguro ay saka ko na iisipin ang gagawin sa mga darating pa na mga araw pero sa ngayon ay ang kanilang kalagayan muna ang uunahin ko." Naputol ito sa pagbalik tanaw sa nakaraan dahil malapit na siya sa kan'yang tinitirhan na apartment. Dahil lunes ay doon siya umuwi sa apartment pero laking gulat ng dalaga nang makita kung sino ang nakaupo sa may harap ng pinto niya na para bang hinintay siya talaga. "Saan ka naman ba nagpunta? Tumawag ako sa opisina ninyo at nagpaalam ka raw na maaga aalis," "Anong ginagawa mo rito sa apartment ko, hindi ba malinaw ang usapan natin na tuwing weekdays ay dito ako uuwi? At bakit ko naman ipapaalam sa iyo ang lahat nang lakad ko, bago umalis, aber?" wika ni Amilah na biglang nainis sa binata. "Mamaya na tayo mag-usap buksan mo muna ang pinto at ayaw ko na rito tayo magtalo!" "Mabuti at alam mo!" saka ang dalaga ay umismid bago kinuha ang susi sa bag niya para buksan ang pinto ng apartment. Binuksan ni Amilah ang ilaw at hinubad ang shoes niya saka kinuha ang dalawang pares ng sinelas bago binigay niya ang isang pares dito kay Erron. Pumasok siya sa kusina at saka uminom ng tubig. Pagkatapos ay binigyan din niya ng isang baso ng tubig si Erron. "Ngayon, puwede mo na bang sabihin sa akin kung bakit naririto ka?" tanong ni Amilah sa binata na nakaupo na nang prente sa may sofa niya. "Dito na ngayon ako matutulog hanggang sa Friday at sa pag-uwi mo sa mansion nang weekend ay saka ako sasabay sa iyo," "A-anong sinabi mo, tama ba ang narinig ko na simula ngayon ay dito ka na matutulog?" Tumango-tango naman ang binata na nakangiti nang nakakaloko at sumisipol pa habang nakatingin ito sa kisame. Kaya si Amilah naman ay para tuloy nasamid sa narinig at kan'ya nahampas ang noo dahil hindi na yata hihinto ang binata sa paggawa nang kalokohan. "Ang laki-laki ng mansion mo pero bakit dito ka pa sumisiksik sa aking maliit na lungga!" wika nitong dalaga na hindi makapaniwala. Tumayo itong si Erron at lumapit kay Amilah na halos wala nang lugar sa pagitan nila kaya napalunok ang dalaga. Nakangiti na hinawakan ni Erron ang baba ng dalaga at saka tinaas ito nang makita niyang mabuti ang mukha nito. "Why, don't you want to sleep next to me, babe!" Nahimasmasan naman bigla ang dalaga at tinulak ang binata na halos nakayakap na sa kan'ya. "Puwede ba, kuya Erron! Huwag ako ang landiin mo kung hindi si Cristal na ngayon ay naghihintay sa malaking mansion mo!" "She is not the one I want to be with, it is you. I would rather sleep in the middle of the street basta ikaw ang katabi ko kesa matulog kasama ang babae na 'yon," Naantig naman ang damdamin ni Amilah sa narinig. Para ba siyang maiiyak kung ganito ka romantiko ang bidang lalaki na mapapanood niya sa telebisyon. "O, bakit gan'yan ang tingin mo sa akin? Naiinlove ka na ba sa akin, ulet?" ani Erron na parang natutuwa sa nakita niyang inasal ng dalaga. "In your dreams!" sagot dito ng dalaga sabay irap sa binata. "Huwag ka nang mag-alala dahil bukas mayroon akong business trip at baka aabutin na naman ako ng ilang linggo roon pero sisikapin ko tapusin kaagad ang trabaho ko kaya isang gabi lamang ako matutulog dito sa bahay mo," sabi pa ni Erron sa dalaga na para naman biglang nalungkot sa narinig. "Kung ganoon ay payag na ako na matulog ka rito pero wala akong damit na panglalaki rito," Lumapit itong si Erron sa dalaga saka tinulak ito papunta sa mesa na kainan at kinarga niya ang dalaga na paupo sa ibabaw ng mesa. "Natutuwa ka ba at mawawala ako nang ilang linggo? Even if I'm gone, I don't want to hear that you go to places I don't want, is that clear?" Hinawakan pa ng binata ang mukha ni Amilah saka niya hinaplos ang buhok nito at hinalikan. Bumaba naman ng mesa ang dalaga. "Ngayon pa lang ay parang miss na kaagad kita kung hindi lamang sa maraming bibig ang umaasa sa akin, hindi kita iiwan dito," sambit nito na para bang maiiyak. "Maraming bibig? Sino ang mga sinasabi mong umaasa sa iyo?" "Sino pa nga ba kung hindi ang mga empleyado ng kumpanya ko, ano ba pagkakaintindi mo?" Natawa na ang dalaga ng siya ay maliwanagan sa sinabi ng binata nang lumapit bigla si Erron kaya ito ay kinabahan na naman. "Bakit na naman, ano gagawin mo at nakangisi na parang demonyo ka?" "Mayroon akong business trip bukas, wala ba ako riyan na goodbye kiss o kahit na ano mang pabaon?" sagot nito na natatawa sa pinapakita na pagkabalisa ng dalaga "Ikaw nga riyan ay tumigil na, bakit ba ayaw mo pa rin na sumuko? We have all the evidence that we are really brother and sister!" "Ano man ang naging resulta ng DNA ay hindi pa rin ako naniniwala and no matter what happens I will still love you and nothing can stop me from my feelings for you!" Hindi alam ni Amilah pero para siyang kinikilig tuwing pinahahayag ng binata ang pagmamahal niya sa kan'ya. "Lord, ano itong nararamdaman ko? Patawarin mo ako, dahil hindi ko mapigilan ang aking sarili. Naawa na ako sa kan'ya, gusto ko na rin yatang ipaglaban ang amin pag-ibig sa isa't-isa, ano ang aking gagawin?" Dahil abala sa pag iisip itong si Amilah ay hindi niya namalayan na nasa tabi niya si Erron at hinatak na siya nito gamit ang mga kamay na nakapuluput sa baiwang niya. "Iniisip mo na bang tanggapin ako, amilah?" tanong pa ni Erron na para siyang inaakit nang mga titig nitong nangungusap. "Lumayo ka sa akin dahil sa demonyo ka! Huwag mo akong akitin gamit ang magaganda mong mga salita at hindi ako papayag sa gusto mo!" turan ng dalaga na palaban. Lalo naman na dinikit ni Erron ang kan'yang katawan kay Amilah kaya naramdaman ng dalaga ang matigas nito at naghuhumindig na p*********i. She covered her mouth with her hand dahil sa ginawa ni Erron sa kan'ya. Si Erron ay talagang maloko at malandi pero hindi niya akalain na magagawa nito ang kalokohan na 'yon. "Kuya Erron ako ay tigilan mo na, wala ka na bang natitirang kahihiyan sa sarili mo na pati ang kapatid mo ay gusto mong sirain!" sigaw nito sa binata habang tinutulak niya palabas sa kan'yang apartment. Dahil si Erron ay nabigla rin kaya nadala siya ng dalaga sa may labas ng pinto nang hindi niya akalain. Walang nagawa si Erron nang nasaraduhan na siya ng pinto ng dalaga. Kumatok pa siyang muli pero hindi na siya pinagbuksan pa ni Amilah. Wala nagawa pa si Erron kung hindi ang tumawag sa mansion at magpasundo sa kan'yang driver. "Luki, sabihin mo sa driver na sunduin ako ngayon sa apartment ni Amilah," utos nito sa tauhan niya na galit at hindi maipinta ang mukha. "Amilah, aalis na ako at doon muna ako matutulog sa hotel, sana ay makatulog ka nang payapa sa pagpapaalis mo sa akin." Saad nito na para bang nagtatampo sa dalaga saka ito tumalikod para hintayin ang driver sa tapat ng apartment ni Amilah. Nakonsensiya naman si Amilah at sisilip sana ito pero bigla nagbago ang isip nito dahil baka isipin ng lalaki na lumalambot na siya rito. "God, ano itong pagsubok na binigay mo sa amin? Hanggang kailan mo po susubukin ang aming tatag!" ani Amilah na naluluha at para bang sasabog na ang dibdib sa sakit na nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD