Si Erron naman nang sandali na 'yon ay nasa kan'yang hotel room na at umiinom ng alak upang makatulog dahil sa dami ng iniisip niya ay hindi niya magawa na ipikit ang kan'yang mga mata.
Una sa lahat ay si Amilah, How can he ask her to marry him if what is always in her mind is that they are brothers and sister.
Pangalawa ay ang Tiya Melba niya that strongly opposes them and he thinks that the old lady will do everything to keep Amilah away from him.
Pangatlo ay si Cristal who won't stop chasing him and if she was a man he might have been kidn*pped by her and then taken by force.
Habang umiinom ay naisipan pa niyang manigarilyo pagkatapos ay tumayo at lumabas ng verandah na kung saan ay makikita niya ang parte ng Makati at Maynila.
Nasa 4th floor lamang ng hotel ang kuwarto ni Erron kaya kita pa niya ang mga tao sa ibaba nang mamataan niya ang mga bata na naglalaro sa tapat nang mga lumang bahay na hindi kalayuan buhat sa hotel.
Naalala tuloy niya ang batang nakita noong kinausap niya ang isa sa bago niyang investor sa Queson City.
"Kapag natapos ko ang lahat nang tungkol sa negosyo ko babalik ako kaagad para puntahan ang mga kambal na 'yon." Ani Erron na parang nasasabik rin na makitang muli ang mga bata.
Halos tatlong oras lamang ang tulog ni Erron dahil sa kailangan niya pumunta ng airport nang maaga pa para hindi siya ma traffic at mahuli sa flight niya.
Dahil alam ni Amilah na wala si Erron kaya pagkatapos nang trabaho doon siya umuwi kila Fate kaya ang mga anak niya ay tuwang-tuwa na sinalubong si Amilah.
"Yehey, our mom is here again. Sana araw-araw ka na po uuwi rito para magkakasama na tayo!" saad ni Cj na umaasa mapagbibigyan ng ina.
"We were asked to talk with someone about our work and her house is near here, so I thought I'd stop by to see you but I'll leave early tomorrow."
Sa narinig ay nalungkot naman ang dalawang bata kaya si Amilah ay lumapit sa mga ito para amuin.
"Hindi bale sa sabado na ito ay isasama ko kayo sa amusement park at kakain tayo sa favorite ninyo na fast food." Promise pa ni Amilah sa mga bata.
Yumakap naman ang dalawa sa may hita ng dalaga na natawa na rin at parang nabunutan ng tinik dahil sa nakita niyang kasiyahan ng mga anak.
"We will eat again at Jolibee?" tanong ni Ck na nanlalaki ang mga mata hindi makapaniwala sa mga narinig sa ina.
"Yes and I will also buy new toys for the both of you!"
Nagtinginan ang dalawang bata at nagtatakbo sa may sala nila Fate na tuwang-tuwa para bang nanalo na sila sa lotto.
Lumipas pa ang mga araw nang isang umaga ay nagulat ang dalaga nang nakatanggap siya nang text buhat sa kanilang driver na si Mang Tureng, sinasabi nito na darating si Erron at dapat daw ay kasama siya na susundo mamayang hapon sa airport.
"Ano gagawin ko roon? Kayo na lamang kaya sumundo sa kan'ya," naiinis na wika nito sa matandang driver
"Bilin po ni Sir Erron sumama po raw kayo," sagot ng driver sa dalaga na lihim na ngumiti.
"Anong gimmick na naman ang naisip ng lalaki na 'yon at gusto pang sumama ako roon sa pagsundo sa kan'ya?" sambit sa sarili ni Amilah na may pagtataka.
Sumama naman ang dalaga sa airport dahil gusto rin niya malaman kung bakit siya ay pinapunta nito.
Sa airport ay naghihintay na ang binata at para ba itong kinakabahan. Nasa tabi niya si Alex pero sinabihan ito ng binata na magtago na muna.
Nakuha na nito ang bagahe niya kaya hinihintay na lamang niya ang sundo niya para siya makauwi nang makita niya si Amilah at ang driver na papalapit sa kan'ya.
"Have you been waiting here for a long time, Kuya Erron? ani Amilah na nakatingin sa mukha ng binata.
"Kahit galing pa sa mahabang biyahe, ang guwapo pa rin nitong kumag na ito," turan ng dalaga sa isip niya at napaismid ito dahil alam niya na hindi nag effort ang binata para ma maintain ang looks nito.
"I know that I'm handsome kaya huwag mo pahalata sa mga tao na gigil na gigil ka na sa akin!" sabi nito na maloko kay Amilah.
"Sino ang gigil sa iyo? Ang kapal naman ng apog mo! Nakakahiya sa iyo, masiyado ka kasing magandang lalaki," ang nanunudyo na sagot ni Amilah.
Malapit na ang dalaga kay Erron nang yakapin siya nito at halikan sa labi na parang sabik na sabik rito na kinabigla ng dalaga.
"Miss na miss kita, baka akala mo. Kung maari nga lamang kita na isama noon, ginawa ko na!" wika ng binata na makikita sa mukha nito ang pananabik sa dalaga.
Ngunit lingid sa kanila ay may mga paparazzi na gumagala nang oras na 'yon sa airport na gustong makakuha nang natatangi na scoop at silang dalawa ay na picturan ng mga ito habang yakap ni Erron ang dalaga.
Ang dalawa ay walang malay na nag-uusap at hindi nila alam na may bomba na ano man oras ay sasabog sa harap nila.
Maya-maya ang binata ay may dinukot sa bulsa saka ito ay lumuhod at hiningi ang permiso ni Amilah para ito ay kan'yang maging kasintahan.
"Amilah, are you willing to be my girlfriend?" bulalas nito habang ang kahon na may laman na singsing ay kan'yang binubuksan.
Napaatras sa pagkabigla itong si Amilah dahil hindi niya akalain na magkaroon nang lakas ng loob ang lalaki na gawin ito.
Gusto na tuloy magpalamon sa lupa si Amilah nang oras na 'yon sa malaking kahihiyan.
Pulang-pula ang mukha nitong dalaga na biglang tumakbo dahil sa pangyayari na hindi niya inasahan na gagawin ni Erron.
Hinabol siya ni Erron pero ang dalaga ay mabilis naman nawala at hindi na makita pa ng binata kahit inikot pa niya ang bawat sulok ng airport.
Tinapik siya ni Alex sa balikat dahil ang binata ay ayaw pa rin na umalis at gusto pa nito na hanapin ang dalaga pero bigla dumami ang tao kung saan sila naroroon.
"Bro, let's go home now because there might be paparazzi around here at baka ma headline ka pa bukas," ani Alex sa binata hindi alam kanina pa sila nakukuhanan nang litrato.
Umuwi tuloy na malungkot ang binata, hindi niya kasi alam kung saan pumunta ang dalaga. Siya ay nagpahatid na muna sa mansion.
"Ano na naman ba ang ginawa mong kalokohan? Nahihibang ka na talaga ano at sa may airport mo pa naisipan na magkalat!" sigaw nitong tiyahin niya nanggagaliite sa galit.
"Kararating ko lamang, ano na naman ba ngayon ang pinagpuputok ng inyong butsi!" tanong ni Erron sa kan'yang tiya na para bang inosente na bata.
"Tingnan mo ang mga laman ng balita sa cellphone mo at saka mo sabihin sa akin na wala kang ginawa na mali!" ang nagpupuyos na galit pa rin na si Melba.
Napangiti pa si Erron, mabilis pala ang mga paparazzi na 'yon sa isip niya nang makita ang sinasabi ng tiyahin sa cellphone nito dahil sa 'yon ang talagang gusto niya na mangyari.
Nang bumaba sa may hagdan si Cristal na parang bagong iyak at nang makita si Erron ay tumakbo ito para yakapin ang binata pero tinulak siya nito.
"Kapatid mo si Amilah! Bakit siya pa ang gusto mo, bakit hindi na lamang ako?" tanong nito na parang iiyak na naman.
Nainis naman ang binata sa mga sumalubong sa kan'ya kaya ito ay tumalikod at lumabas muli ng mansion sakay ng kan'yang BMW Z4 ROADSTER.
Pumunta si Erron sa apartment ni Amilah pero wala ang dalaga kaya tinawagan niya ang kaibigan na si Alex.
"Bro, can you pls. asked if she went to your company? I went to her apartment but Amilah's not there."
Napakamot sa ulo si Alex sa sinabi ni Erron at sinisisi rin niya ang sarili dahil hindi niya pinigilan ang kaibigan.
"Sinabi ko na kasi sa iyo na hindi mo puwede ipilit ang gusto mo dahil marami ang maapektuhan, tingnan mo tuloy pati ako nabatukan ni misis ko!"
Sa inis nito ay binaba na ni Erron ang phone kaya kung saan-saan na tuloy siya napunta at hindi na nito namalayan na nasa Quezon City na pala siya.
Malapit sa school na kung saan niya nakita ang kambal at si Erron ay huminto sa tapat kung saan muntik nang masagasaan ng driver niya si Cj.
"Maybe this is where my feet took me, to see the twins and also to feel at peace even for a moment," sa isip ni Erron na ngayon ay mayroon mabigat na dinadala.
Noon naman ay oras na nang labas ng mga bata kaya inabangan na ni Erron ang kambal at hindi siya nabigo dahil nakita niya ang mga ito na hawak-hawak ng isang babae kaya si Erron ay kaagad lumapit sa kambal.
"Hello po uncle sir, bakit po kayo narito muli? Kami po ba dinadalaw ninyo rito?"
Lumapit pa si Erron sa mga bata at pakiramdam niya nawala na bigla ang bigat na nasa dibdib matapos na makita ang kambal.
Ang mga ngiti ng dalawa ay para bang nagpagaan ng kan'yang araw. Payapa ang loob niya na bumaba at pumantay sa kambal para mayakap ang mga ito pero pinigilan siya ng yaya nito.
"Sir, hindi ko po kayo kilala kaya layuan po ninyo ang mga bata baka ako mapagalitan ng amo ko dahil kung hindi ay tatawag ako ng pulis!" sigaw nito sa kan'ya na nagbabanta.
"Kilala ako ng mga bata, kahit na tanungin mo pa sila. Miss, hindi ako masamang tao at gusto ko lamang sila kamustahin," wika pa ni Erron na tumingin sa kambal para makausap ang mga ito.
Ang dalawang bata ay humawak sa laylayan ng damit ni May at hinila ito para mapatingin ang yaya nila sa kambal.
"Yaya, we know uncle. He is kind and he helped me one afternoon." Sabi ni Cj na hindi kinuwento ang lahat dahil alam niya magagalit ang mama nila.
Sa hindi kalayuan ay patawid si Amilah para sorpresahin ang kambal nang nakita niya na kausap ni Erron ang mga anak na kinagulat niya.