Napilitan si Amilah na magtago para hindi siya makita ni Erron. May dumaan na tricycle kaya kaagad na sumakay dito ang dalaga at ito ay nagpahatid sa bahay nila Fate.
"Paano kaya ang kambal at si Erron nagkakilala?" tanong ni Amilah sa isip niya at ngayon ay hindi nga mapakali.
Hinintay ni Amilah na makauwi ang mga anak at ang yaya nang sila ay matanong niya.
Nang dumating ang mga ito ay pinakain muna ni Amilah ang mga anak bago ito tanungin.
"How's school? Any problem?"
"No mama, there is no problem at all!" sabi ni Cj na umiiwas sa tingin ng ina.
"Ikaw naman May, wala ka bang napansin o nakita na kakaiba sa mga bata?"
Tumingin si May sa kambal at ito ay nagkatingin din sa isat-isa kaya hinintay ni Amilah ang isasagot ng yaya.
"Kung may nakita ka na lumapit sa mga anak ko na hindi mo kilala ay sabihin mo kaagad sa akin dahil ang mga bata ay madaling mapaamo at malinlang!" dagdag pa ni Amilah sa yaya para ito ay lalo makonsensya.
"Ate, ang totoo po nang sinundo ko ang mga bata ay may kumausap sa kanila na lalaki. Pinagbawalan ko ang kambal pero ang sabi nila, ito po raw ay kilala nila. Sorry po talaga, ate,"
"Sino ang lalaking 'yon, Cj?" galit na tanong ni Amilah sa bata.
Nakayuko ang batang si Cj at nag-iisip nang sasabihin sa ina kung paano malusutan ito.
"He's my friend, mom!" sagot ng bata na hindi pa rin makatingin nang deretso sa ina nila.
"Kaibigan, saan mo siya naging kaibigan?" Magsabi ka sa akin nang totoo, saan mo siya nakita?" galit na si Amilah dahil alam niya ang anak ay nagsisinungaling.
"Mama, huwag po sana kayong magalit kay Kuya. The truth is that he almost had an accident one day because he went outside the school. Kung hindi lamang sa lalaki na 'yon baka may nangyaring masama kay Kuya Cj," paliwanag ni Ck sa ina na hindi makapaniwala na tinago sa kan'ya ng dalawa ang pangyayari na ito.
Lumapit na ang dalaga rito sa dalawa at inakbayan ito pareho saka niya kinausap ang mga anak nang masinsinan.
"Sa susunod ay magsasabi kayo sa akin nang totoo. I won't be angry with you, but I am your mother and you are both my responsibility!"
"Kapag may nangyari sa inyo, your mother will be the first one to be hurt and worried kaya nga dapat ipaalam ninyo kay mama ang lahat," dagdag pa na bilin ni Amilah sa mga anak na ngayon ay tahimik na iniisip ang sinabi ng nanay nila.
"Sorry po mama, hindi ko na po uulitin at hindi ko na rin kakausapin pa si uncle Erron,"
"Ayaw ko na rin malalaman na lumabas ka muli sa gate ng school, maliwanag ba?"
"Yes, mom, I will follow you, so don't be angry with us."
"Go now, shower and brush your teeth then go to bed early."
Tumango ang dalawang bata sumama na sa yaya nila at umakyat sa itaas para maglinis ng katawan at magpalit ng damit.
Tulog na ang mga bata pero si Amilah ay gising pa. Binuksan niya ang cell phone niya na kanina pa nakasara.
Marami ang mga miss calls na galing kay Erron. Hindi niya alam kung dapat pa ba niya tawagan ang lalaki o hindi na, nang bigla nag-ring ang phone niya kaya ito ay nagulat at nabagsak niya ito.
Dinampot muli ni Amilah ang phone at sinagot ito dahil alam niya na hindi titigil si Erron habang hindi siya nito nakakausap.
"Okay ka lamang ba? Nasaan ka ngayon, susunduin kita?" tanong nito sa dalaga na para bang naumid.
"O-okay lamang ako. Huwag mo akong alalahanin, uuwi rin ako."
"Galit ka pa ba sa akin? Sorry, mahal kita at handa kong ipaglaban ang nararamdaman ko sa iyo kaya gusto kong maging girlfriend kang muli!"
"Kuya Erron, sa ayaw at gusto mo kailangan natin tanggapin na tayo ay magkapatid kaya naisip ko na mabuti pang lumayo na ako sa iyo dahil pareho tayo masasaktan kapag patuloy pa ang pagpupumilit mo na maging tayo muli,"
"You will leave again?"
"Nope, pero ako ay lalayo muna sa iyo para malimutan mo ako, nang sa ganoon ay makapagfocus ka sa iyong kumpanya,"
"Siguro nga ay hindi tayo para sa isat-isa dahil wala sana tayong nararanasan na mga kabiguan ngayon," ang malungkot na pahayag ni Erron sa dalaga.
"Sige na Kuya, saka na tayong muli mag-usap at inaantok na ako."
Parang gusto ni Amilah maiyak nang sandali na 'yon dahil para bang sila si Romeo at Juliet na marami ang tutol sa pag-iibigan nila.
"Kawawa naman ang mga anak natin, ayaw kong mamulat ang mga mata nila na nililibak ng mga tao dahil sa isang pagkakamali. Mas gugustuhin ko pa na sila ay itago kaysa ang masaktan ang mga bata,"
Nakatulugan na ni Amilah ang pag-iisip nang tungkol sa kanila ni Erron at kung ano ang magiging hakbang niya ngayon na sumuko na si Erron sa paghahabol sa kan'ya.
Ilang linggo ang nagdaan at si Amilah ay nagdesisyon nang tapusin ang trabaho na nasimulan niya sa AIC at ang dalaga ay pormal nang naghain nang resignation letter sa project director nila na inapprobahan naman ng CEO na si Alex.
"Kaibigan ko si Erron at siya ang nagsabi sa akin nang kagustuhan mo raw na umalis sa kumpanya ko kaya kaagad ko itong pinirmahan."
"Salamat sir at ako ay inyong pinagbigyan kahit hindi pa tapos ang kontrata ko sa kumpanya mo," saad ng dalaga na nakangiti sa kaibigan ni Erron.
Kinamayan ni Amilah si Alex bilang pasasalamat at pagkatapos niyon ay umalis na ang dalaga.
Sa bahay nila Fate at Rizza nagtuloy ang dalaga dala ang ilan mga gamit galing sa apartment niya.
Ang dalaga ay nagsabi na sa may-ari ng apartment na lilipat na siya at hanggang sa katapusan na lamang doon.
Lilipat siya ng tirahan malapit sa mga anak pero mananatili ang mga ito sa pangangalaga ni Fate upang hindi sila matunton ni Erron.
Kilala na nga ng binata ang dalawang bata pero hindi pa rin nito alam na ang kambal ay anak nila at 'yon ang kan'yang iingatan malaman ni Erron.
Dahil natapos naman ni Amilah ang kursong nursing kaya minabuti niyang humanap nang trabaho sa mga hospital na malapit sa tinitirhan niya at sa mga bata nang madali niya itong mapuntahan kahit anong oras.
Natanggap naman si Amilah sa St. Peter Care Hospital at dahil sa abroad siya nagtapos at mayroon work experienced as a nurse kaya siya ay nilagay sa position bilang supervisor nurse.
Laking tuwa ng dalaga dahil hindi niya akalain magagamit pa niya ang natapos na kurso. Noong una kasi ay talagang ayaw niya ito pero dahil dalawang taon na lamang ay gagraduate na siya kaya pinagtiyaan na lamang niya kaysa ang umulit pa siya nang panibago na kurso.
Bilang nurse supervisor, she must ensure that patients receive the best medical care by overseeing a well-trained group of nurses and aids.
Alam ni Amilah na malaki ang kaibhan nang trabaho ng nurse sa abroad at dito sa Pilipinas dahil ang nurse rito ay maraming trabaho pero sisikapin niya magampanan ang tungkulin na binigay sa kan'ya at sa tingin niya ito ay para bang isang malaking hamon.
Nasanay na rin ang dalaga sa bago niyang trabaho at mayroon na rin siyang mangilan-ngilan na mga kakilala at kaibigan.
Isang hapon pupuntahan sana ni Amilah ang mga anak sa eskuwela nang namataan niya si Erron na para bang naghihintay din sa mga bata.
"Ano na naman ba ang ginagawa ng lalaking ito rito?" bulong nito sa isip niya bago tumalikod upang hindi makita ng binata.
Nakita niya si May, ang yaya ng mga bata kaya nagtext siya rito na huwag hayaan ang lalaki makausap ang kambal.
Nakuha naman ni May ang text niya kaya pumasok ang mga ito muli sa loob ng school kaya si Erron ay napakamot ng ulo.
Maghihintay pa sana sa kambal si Erron pero may tumawag dito at ito ay nagmadali umalis matapos na sagutin ang tawag sa kan'ya.
"Hay, salamat po at umalis rin, akala ko ay katapusan na namin ito. Kung bakit naman nahiligan naman ng lalaki na 'yon ang pagpunta rito,"
Nagtext na ang dalaga sa yaya ng mga bata para sila ay lumabas na nang makauwi dahil umalis na ang lalaki.
Ilang beses pa nakita ni Amilah na nagpunta si Erron sa school ng mga bata at palagi itong bigo makita ang mga anak dahil nga kay May.
Isang umaga sa bagong bahay na inuupahan ni Amilah ay tumawag si Erron sa kan'ya dahil mayroon daw sakit ang Mama Melba niya.
Kahit pa hindi maganda ang pakikitungo ng matanda sa dalaga ay malaki pa rin ang utang na loob niya sa babae dahil kung hindi siya inampon nito at pinagamot noong bata pa siya baka nasa ilalim na siya ng lupa at kinakain ng mga uod.