Ang Mama Melba ni Amilah ay nasa mansion ni Erron kaya doon nagpunta si Amilah at naabutan pa ng dalaga ang doctor na sinusuri ang matandang babae.
May lagnat ito at mataas ang blood pressure kaya gusto sana ng family doctor nila na admit sa isang hospital ang matandang babae pero ayaw ni Melba dahil ayaw nito ang amoy ng hospital.
"Doctor, ito nga pala si Amilah ang anak ng tiya ko, nurse po siya,"
Napatingin si Amilah kay Erron dahil hindi siya nito pinakilala bilang kapatid niya o pinsan bagkus sinabi lamang niya kung sino siya rito sa tiyahin.
"Bakit ngayon lamang yata kita nakita? Nagagalak ako na makilala ka, Amilah. Ako nga pala si Doctor Leo Reyes!" sabay hatag ng kamay niya para kamayan ang dalaga pero kinuha ito ni Erron.
"Doctor, saka na muna kayo mag-usap. Tingnan na muna ninyo ang tiya ko," wika nito sa doctor parang galit at ang mukha ay hindi maipinta kaya ang doctor ay napaubo biglang nagseryoso.
"Magpapakuha ako ng dugo niya sa kasama kong medtech at dahil sa dala ko ang mobile laboratory ko ay makikita rin natin pagkaraan nang ilang oras ang resulta ng kan'yang blood chemistry test."
Namangha ang dalaga at sa isip niya ay iba talaga kapag may pera ka dahil lahat ay nagagawa kaagad na hindi kailangan pumila o kaya naman ay makipagsiksikan.
Kumuha ng dugo sa matandang babae ang medtech na inutusan ng doctor at ito ay umalis sandali para gawin ito.
Binigyan muna ng doctor ang tiya ni Erron nang gamot para sa high blood and her blood pressure is checked every thirty minutes.
Ang dalaga ay kumuha naman nang pampunas sa matanda dahil mataas pa rin ang lagnat nito kahit binigyan na si Melba nang injection ng doctor na pampababa sa lagnat nito.
Makaraan ang tatlong oras ay tumatakbo na binigay ng medtech sa doctor ang resulta ng blood test sa tiya ni Erron.
Bumaba na rin ang lagnat nitong tiya ni Erron ganoon din ang bp nito kaya sinabi ng doctor na ipagpatuloy lamang ang mga dati nitong iniinom o ang maintenance drug ng tiya ni Erron.
"Kung maari sana, inyo iwasan na pag-usapan ang mga bagay na nakakasama ng loob niya o kaya ay ang magalit ang pasyente para hindi tumataas ang blood pressure niya," bilin ng family doctor nila Erron na si Dr Reyes.
"Tatandaan po namin doctor ang mga sinabi ninyo," sagot ni Erron sa doctor na kanina pa nakatingin kay Amilah.
Tumingin si Amilah kay Erron at hiningi ang resulta ng blood exam ng kan'yang mama at nagulat ito dahil halos lahat ay mataas.
"Even her blood sugar is high, does that mean she has diabetes too?" bulong ni Amilah pero klarong narinig ng doctor.
"Yes, but not so high kaya nga bibigyan ko muna siya nang mababang dosage para sa blood sugar niya at obsebahan ninyo ang mga kinakain niya, dapat kaunti lamang ang kanin, iwasan ang sobra tamis na pagkain o inumin. If after a week it is still high I will change the dosage of her medicine."
"Diabetes? How did she get diabetes!" parang nagtataka pa na tanong ni Erron sa doctor.
"Most people at this age are no longer surprised to have diabetes, especially when they are at home, do not exercise and do not watch what they eat,"
Ang doctor na tumingin sa tiya ni Erron ay ang anak ng dati nilang family doctor na ngayon ay retired na at nasa Amerika kaya ito ang pumalit sa ama niya.
Kilala siya ni Erron dahil ito ay kababata niya at matanda lamang ito sa binata nang dalawang taon.
Matangkad din ito at tingin ni Amilah ay halos pantay lamang sila ni Erron sa tangkad. Katamtaman lamang ang laki ng katawan pero may kaunting muscle at hindi malaki ang tiyan which means palagi itong nag-exercise.
Tinititigan ni Amilah ang mga mata ng doctor at kan'ya napansin na mahahaba ang pilikmata nito at mapungay din kagaya kay Erron.
Dahil abala sa pagmamasid sa doctor si Amilah ay hindi napansin nito ang mabalasik na mga tingin ni Erron sa kan'ya.
Tumabi itong binata kay Amilah dahil gusto nito pagsabihan kanina pa ang dalaga kaya binulungan niya ito.
"Baka matunaw na riyan si Doc. Reyes sa init nang mga tingin mo sa kan'ya. Alalahanin mo na narito siya dahil may sakit ang Mama Melba mo at wala nang iba!" mahina na saad ni Erron kay Amilah.
Sa sinabi nito ang nagpabalik sa dalaga ng kan'yang diwa. Tumayo na nang deretso para hindi mahalata ni Erron ang sandali niyang pagkawala sa sarili.
Hindi na niya pinansin si Erron pero nakita niya ang galit sa mata ng binata at para pa siyang napahiya sa inasal niya kanina.
"Miss Amilah kung ikaw ang siya mag-aalaga kay Misis Ramos, sa iyo ko iiwan ang mga reseta na ito at sana bukas pagbabalik ko ay narito ka pa rin," turan nito sabay na kinuha ang mga palad ni Amilah at nilagay ang mga reseta.
Ngumiti ang doctor at may mga ningning sa mata na tinitigan nito si Amilah tanda na nabighani siya sa kagandahan ng dalaga na hindi naman nalingid kay Erron kaya ito ay nagdulot dito nang sakit ng ulo.
Lalaki rin si Erron kaya hindi na iba sa kan'ya ang kilos at galaw na pinakikita ng batang doctor dito kay Amilah.
"Sa palagay mo ba may aasahan ka sa maganda kong si Amilah, in your dream's dahil hindi ka uubra sa akin!" sa isip ni Erron na ngayon ay nagpupuyos sa galit.
"Doctor, hindi si Amilah ang siya mag-aalaga sa tiya ko at naririto lamang siya para dumalaw sa akin may-sakit na tiya." Mariin sabi ng binata sa doctor na nakikipagtitigan sa kan'ya.
Napalunok si Amilah sa tinuran ni Erron halata rito ang pagkayamot sa doctor at alam ng dalaga na ito ay nagseselos.
"Ganoon ba, ang akala ko siya ang magiging nurse ni Mrs. Ramos,"
"Gusto ko nga sana pero baka ayaw din ni mamang," saad ni Amilah sa mahinang boses dahil nahihiya siya malaman ng doctor ang mga issue sa buhay nila.
"ER-ron, nauuhaw ako bigyan mo ako ng tubig." Turan ni Melba na nanghihina pa kaya ang boses niya ay parang paos.
"Mabuti gising ka na Tiya Melba, kukuha lamang sandali si Amilah ng tubig."
Tumalikod na si Amilah para bigyan ng tubig ang matanda nang sinabi ni Melba sa binata na lumapit sa kan'ya at may sasabihin siya.
"Paalisin mo rito si Amilah, ayaw ko siyang makita. Kung gusto mo na ako ay gumaling kaagad ay huwag mo na siya palapitin pa sa akin!" ang hiling ni Melba sa pamangkin niyang si Erron na bigla naman natahimik.
Pinaalam ni Erron kay Amilah na maysakit ang mama niya dahil gusto niya makita ang dalaga pero wala sa isip niya na ganito ang mangyayari.
Nakalimutan niya na galit pala ang tiyahin sa dalaga at iyon ay dahil na rin sa kan'ya. Siya ay nagsisisi dahil alam niya na tiyak masasaktan na naman ang dalaga kapag ito ay nalaman.
"Tiya, siya po ay nagpunta rito para malaman ang lagay ninyo pero aalis din po siya kaagad kaya huwag na po sana ninyong pansinin ang pagdalaw niya,"
Tumahimik ang binata nang makita si Amilah na parating dala ang isang pitsel na tubig at baso.
Kinuha kaagad ni Erron ang dala ni Amilah na pitsel ng tubig at baso saka siya nagsalin para sa tiyahin nang hindi na magkaroon nang pagkakataon na makapag-usap pa ang dalawa.
"Amilah, ihatid mo na sa labas si Doctor Reyes at ako na muna ang bahala kay Tiya Melba."
Nagpaalam na ang doctor kay Melba at Erron. Ayaw sana ni Erron bigyan nang pagkakataon ang doctor na makausap nang sarilinan itong dalaga pero ayaw din niya na iwan ang dalawang babae.
Kaya si Erron ay walang nagawa kung hindi tiisin na lamang ang nararamdaman na selos sa dibdib niya.
"Magpahinga na muna kayong muli Tiya Melba at bababa ako para kumuha nang makakain ninyo,"
Bago bumaba ay inayos muna niya sa pagkahiga ang tiyahin. Balak niya na kausapin ang dalaga para hindi na ito makarinig nang masakit na salita sa tiyahin.
Alam niya ang dalaga ay tiyak na maiintindihan siya kaya mabuti ng siya ang magsabi rito nang hiling ng tiya nang hindi ito gaano masaktan kaysa harap-harapan itong paalisin ng Tiya Melba niya.
Pababa na ang binata sa may hagdan nang nasalubong niya si Amilah kaya ito ay hinatak niya sa may palapulsuhan.
"Sandali lang Amilah, mayroon sana ako sasabihin sa iyo. Alam ko masasaktan sa sasabihin ko pero kailangan mo itong malaman.."
"Kung maari sana ay umalis ka na muna dahil hindi pa nawawala ang galit ng mamang mo sa iyo at ayaw pa niyang makita ka,"
Napaatras ang dalaga, ito ay inaasahan na niya pero hindi niya akalain na ang pag-alala niya sa kinilalang ina ay hindi nito nakita.
"Naintindihan ko ang gusto mo sabihin kaya magpapaalam na ako tutal mayroon pa akong duty bukas."
Sabi ni Amilah na nalulungkot at para siyang pinagtatabuyan nang babae na umampon at nagpalaki sa kan'ya.
Pero sa isang banda naman ay mabuti na rin 'yon dahil ayaw din niya makita sa araw-araw si Cristal.
Alam kasi ng dalaga na malapit ang dalawa at kapag nalaman nito na mayroon sakit ang matandang babae ay pupunta ito tiyak para ito ay alagaan din.
"Mabuti na rin na hindi ako ang mag-alaga sa Mama Melba ko para madadalaw ko pa rin ang mga anak ko," sabi ni Amilah sa sarili habang pasakay na siya ng taxi pauwi ng Novaliches.
Nang biglang may humarang sa taxi na sasakyan niya at laking gulat ni Amilah dahil 'yon ay ang doctor ng mama niya.
"Doctor Leo, I thought you went home?" tanong nang nagtataka na si Amilah.
"I didn't go with them because I wanted to talk to you and invite you out to eat!"
Napahawak sa batok niya si Amilah dahil hindi niya alam kung tatanggapin niya o tatanggihan ang imbitasyon ng doctor.
Sa balkonahe ng mansion ay nakatanaw si Erron, pahahatid sana niya ang dalaga pero umalis ang driver para bumili ng gamot.
Gumagabi na rin kaya tumanggi ang dalaga kaya hinatid na lamang nang tanaw ni Erron ang dalaga mula sa balkonahe kaya nakita niya ang paglapit dito ni Doctor Reyes.
Kitang-kita sa mukha ng binata ang biglang pagbabago sa kan'yang expression and he clenched his fists as a sign of great anger.