Nakauwi na rin si Amilah sa bahay na kan'yang inuupahan. Hindi siya nagpahatid kay Dr. Reyes dahil ayaw niya malaman nito ang bahay niya.
Nanghinayang ang doctor kaya hiningi na lamang ni Dr. Reyes sa dalaga ang cell phone number nito. Wala naman nagawa si Amilah kaya pumayag na ito upang siya makauwi na rin.
"Mom, are you home now?" ani Cj sa ina nang tumawag ito rito.
"I just got home and how are you guys there?" tanong ni Amilah dito sa anak na medyo inaantok na.
"Aunty Fate and grandma are not here. Si Tita May po ay nagluto nang maraming pagkain kaya baka gusto po ninyong pumunta rito." Sabi pa ni Cj kay Amilah na humiga sa kama.
"Alright, I'm going there!"
Dahil malapit lamang ang bahay ni Amilah kila Fate kaya nakarating ito kaagad sa bahay ng kaibigan na hindi alintana ang pagod at antok.
Dinala pala ni Fate at Rizza sa hospital ang ina para sa check-up nito kaya si May lamang ang naiwan sa bahay at ang mga bata.
"May, kapag sila Fate ay wala sa bahay puwede mong dalhin ang mga bata sa akin at doon na muna kayo,"
"Really mom? Are we going to live here together?"
"Hindi pa mga anak ang sabi ko lamang ay kapag wala lamang sila tita mo. I'm always away from home because of work."
"Eh mom, where is our dad now? Doon na lamang po kami sa kan'ya tutal big boy na kami at hindi namin kailangan pa alagaan,"
"Wala rito ang papa ninyo, hindi ba ang sabi ko sa inyo nasa malayo na bansa ang papa ninyo!"
"Wala po ba kayo na picture ni papa, gusto po namin makita kung sino sa amin ni Ck ang kamukha ni papa."
"You don't resemble your father because you both inherited from me. Ang nakuha lamang ninyo ay ang talino at ugali niya!"
"Is our father also smart, like Cj and me?"
"Yes, super smart like you and Cj kaya huwag kayo makakalimot mag-aral mabuti!"
"Opo mama, pero kailan ba talaga uuwi si papa? My classmate's father is also an OFW, but every year his father goes home for two months, why is our father not?"
"Iba-iba naman kasi ang mga patakaran ng employer, not the same as your classmate's father. Hayaan ninyo mga anak at tatanungin ko ang papa ninyo kung kailan siya talaga makakauwi," sabi na lamang niya sa mga anak upang hindi na magtanong pa sa kan'ya.
Lumipas pa ang mga araw at ganoon nga ang ginagawa ni May kapag umaalis sila Fate at nanay nito ay dinadala nito ang dalawang bata sa bahay ni Amilah.
Isang hapon na wala si Amilah ay dinala ni May ang kambal. May susi naman ang yaya dahil binigyan siya ng dalaga nang duplicate key nito.
Habang nagluluto si May sa kusina ay naglaro ang mga bata sa kuwarto ni Amilah. Naghanap sila ng mga papel para gawin na eroplano.
Naghanap sila sa drawer ng nanay nila at marami silang nakuha kaya laking tuwa ng dalawang bata na umupo para simulan na paggawa ng eroplanong papel.
Sa bungkos ng mga papel ay may nahulog na larawan at ito ay dinampot ni Cj. Nagulat pa ang bata pagkakita sa larawan dahil sa kilala niya ang lalaki na kasama ng nanay nila at 'yon ay walang iba kung hindi si Erron.
Pinakita pa ni Cj sa kapatid ang larawan at ito rin ay nagtataka kung bakit kasama ng kanilang nanay ang lalaki.
"We need to know why Sir Erron and our mum are together in these pictures!"
"How? She might scold us because we messed with mom's things!"
"We won't tell mom what we saw. Ibalik na muna natin lahat nang kinuha natin sa drawer ni mama," sabay kuha nito sa mga papel na paglalaruan sana nila.
Binalik nga ng dalawa ang mga papel pati na ang larawan ni Amilah at Erron. Nang dumating si Amilah ay walang binanggit ang kambal.
Nang makauwi ang mga ito sa bahay nila Fate ay hinanap kaagad ni Cj ang calling card na bigay ni Erron sa kan'ya
"Tita Fate, sana po ay pahiramin mo ako ng tablet mo because Ck and I have an assignment that is why I will look it up on the internet." Wika nito kay Fate na naniwala naman sa bata.
"Sige pero ayaw ko na maglalaro ka ng games ha!"
"Hindi po tita ninang, promise!" at ito ay nagpinky promise pa kay Fate.
Sa kuwarto ng kambal kanilang kinandado ang pinto bago hinanap sa internet ang pangalan na nasa calling card.
"Kuya, heto na ang buo niyang pangalan. Erron Ricafort, CEO."
Si Cj ay mahusay sa computer at madali niyang nahanap ang tungkol kay Erron. Doon nila nalaman na ito pala ay kapamilya ng nanay nila.
"Why does mama say that she has no longer a family and that she is completely orphaned," tanong ni Cj sa kapatid na lalaki.
"Yes, why is that? Is there something mom is not telling us?" nagtataka rin tanong ng nakakabata niyang kapatid na si Ck.
Bigla silang nahinto sa kanilang pagbabasa nang tungkol kay Erron nang may kumatok at tinawag ang pangalan ng dalawa.
"Bakit ba kayo naglocked ng pinto? Do you guys play on my tablet, tell me?"
"Hindi po ninang, mayroon kami talagang hinahanap. Ang pangalan po nang pinahahanap ni Teacher Becky ay si Erron Ricafort!"
Bigla napalunok si Fate dahil sa kilala niya ang taong 'yon at hindi nalingid sa dalawa ang kakaiba na inasal nitong kaibigan ng mama nila.
"Why are you so nervous aunty, do you know him?"
"Ah, hindi may naalala lamang ako na katulad nang pangalan niya pero iba pala 'yon," nagmadali ito na tumalikod sa dalawang bata dala nito ang kinuha na tablet sa kambal.
"Tita Fate, hindi pa po kasi kami tapos. Why did you take the tablet right away?" bulalas ni Cj sa kaibigan ng ina niya.
"Gagamitin daw ni Rizza dahil may hahanapin rin siya!" saad ni Fate na pagsisinungaling dahil sa kapag nahanap ng kambal ang tungkol kay Erron ay malalaman din nila ang connection nito kay Amilah.
Hindi alam ni Fate na alam na nang dalawa ang tungkol sa nanay nila at kay Erron. Siya ay tumawag kay Amilah para malaman nito ang ginagawa ng mga genius niyang anak.
"Ano? Bakit nila gusto malaman ang tungkol kay Erron?"
"Hindi ko alam, kaya nga kita kaagad tinawagan nang ikaw ang kumausap doon sa kambal!"
"Pagkatapos nang duty ko ay pupunta ako riyan, hindi nila puwede malaman ang tungkol sa kanilang ama!"
"Amilah, siguro ay oras na para malaman nila ang tungkol sa ama nila. Ang sabi nga nila walang lihim ang hindi nabubunyag,"
"Pero paano ko ipapaliwanag ang nangyari sa amin ni Erron nang ganoon lamang, na magkapatid kami at nabuntis niya ako?"
"Mahirap pero kung 'yon ang siya magpapalaya sa iyo, bakit hindi? At isa pa hindi mo pa naman alam noon ang katotohanan,"
"Kahit na Fate, mahirap pa rin paliwanag sa mga bata ang lahat. Siguro kapag nasa tamang gulang na sila.
"Kahit bata pa ang mga anak mo ay matatalino sila, daig pa nga nila ang mga matatanda mag-isip sa idad nila ngayon."
"Ipaliwanag mo lamang nang maayos at alam ko na maiintindihan ka nila. Huwag mo nang hintayin pa na malaman nila sa ibang tao ang totoo!"
Matagal nang tapos mag-usap si Fate at amilah sa telepono pero nakatingin pa rin itong si Amilah sa malayo at tulala.
"Paano at saan ko sisimulan ang lahat na hindi sila masasaktan? Ano ang gagawin ko kapag nalaman nila na nagsinungaling ako at magalit sila sa akin?"
Muli, narinig niya ang boses ni Fate sa isip niya "Matatalino ang anak mo at alam kong maiintindihan ka nila ipaliwanag mo lamang sa kanila nang maayos!"
Umuwi nga kila Fate si Amilah at nagulat pa ang kambal dahil alam nilang may pasok pa ang ina nila.
"Mom, didn't you go to work that's why you came home early?" tanong nang nagtataka na mga anak.
"Ako ay naghalf day lamang ngayon dahil may gusto raw kayong itanong sa akin, ang sabi ng Tita Fate ninyo,"
"Wala po naman kami tinanong sa kan'ya, We just borrowed her tablet earlier because we had an assignment!"
"Assignment nga ba o mayroon lamang kayo gustong malaman?" tanong sa mga anak na hindi kaagad makasagot.
"Mom, don't be angry with Kuya and me, kahapon kasi naghanap kami sa drawer mo ng papel at hindi sinasadya nakita namin ang picture ninyo ni Uncle Erron na magkasama kaya.." Turan nito pero hindi na niya naituloy ang kan'yang pagkukuwento dahil sinagot kaagad ito ni Amilah.
"That's why you were curious and borrowed your ninang's tablet, right?"
Nahihiya ang dalawang bata, napayuko at walang masabi kung hindi ang humikbi na siya kinaantig nang loob ng dalaga.
"We just want to know if he is our father at bakit po magkasama kayo sa picture?"
"Mga anak siya ay ang talagang uncle ninyo, he is your mother's brother. Do you know what half brother is?"
"Opo, nabasa ko na po 'yon na puwede mo maging kapatid ang isang tao if you have the same parent or your dad or mom is the same!"
"That's right, Kuya Erron and I are like that.." Sagot ni Amilah sa mga anak na nakikinig nang mabuti.
"But why don't you introduce us to them at bakit sinabi ninyo na ulila na kayo?"
"Dahil nito na lamang namin nalaman ng Tito Erron ninyo ang tungkol doon at isa pa ay nagkaroon kami noon nang hidwaan sa isat-isa kaya nga ayaw ko makilala ninyo siya at makapalagayan nang loob dahil galit pa rin ako sa taong 'yon,"
"What was your conflict mom, Is it a big deal? Maybe you just didn't understand each other's kasi sa picture para naman kayong close na close," ani Cj na mataman nakikinig.
"Ang picture na 'yan ay noon pa nang hindi pa namin alam na kami ay tunay na magkapatid. I was angry with him because when we found out the truth, he locked me up!" patuloy na kuwento ni Amilah sa mga anak.
"He doesn't want to be embarrassed by his acquaintances and friends because I am the daughter of their maid, so I hid you,"
"Maybe he'll say that I'm like my mother who just got pregnant by a married man and I don't want him to take both of you away from me so please don't talk to him, anymore!" sabi ni Amilah sa kambal na umiiyak dahil alam niya na kalahati nang mga sinabi niya sa mga anak ay kasinungalingan lamang.
"Kailan man ay hindi niya dapat malaman na kayo ang aking mga anak at ako ang nanay ninyo. Ako ba ay inyong naiintindihan, mga anak ko?" tanong pa nito sa kambal na yumakap sa kan'ya.
"Mama, sorry po kasi ang akala po namin ay siya ang tatay namin. Ngayon ay alam na namin na isa pala siyang bad uncle kaya hindi na namin siya kakausapin pa!" sagot ni Cj na pinupunasan ang basa ng luha sa pisngi ng ina niya.
"Huwag ka na pong umiyak mama because we're here to protect you. Hinding-hindi niya malalaman ang tungkol sa iyo at sa amin!" saad din ni Ck na may galit sa mga mata habang katabi ang inay niya.
Si Fate naman ay nakatingin lamang sa mag-ina at ito ay panay ang iling dahil alam niya na may halong kasinungalingan ang sinabi ni Amilah sa kambal.