"O tama na 'yang drama at tayo ay kumain na baka lumamig ang pagkain!"
Ngumiti pa si Fate sa kaibigan na si Amilah bago hinaplos ang ulo ng kambal. Tiningnan mabuti ni Fate ang dalawang bata na halos naging anak na rin niya.
Bago pa lamang nakapanganak si Amilah noon ay si Fate na ang siya nag-alaga sa kambal. Siya tumayong ninang at tita ng mga bata.
Nangarap din minsan si Fate na magkaroon ng sariling pamilya pero dahil yata sa may kalusugan ito ay nahihirapan na humanap nang lalaki na magmamahal sa kan'ya pero hindi naman ito nawawalan nang pag-asa.
Naghahain na si Rizza para sila ay makakain na kaya tinawag niyang muli ang mag-ina na nagyayakapan at nag-iiyakan.
"Ma, We love you so much and we won't trade you for anyone!"
"Peks man, walang iwanan and expect that when we grow up no one can bully you because brother Cj and I will eat them all to dust!"
Natawa si Fate sa narinig niya sa kambal at para ba siyang nainggit kay Amilah dahil may dalawa itong anak na matalino, mabait, maasahan at mapagmahal sa ina.
Sa isang panig naman nitong Metro Manila, sa mansion ni Erron ito ay nagbabasa nang mga reseta na bigay ni Dr. Reyes sa Tita Melba niya.
Hindi pa kasi dumarating ang caregiver ng matandang tiyahin kaya siya muna ang nag-aasikaso sa mga kailangan ng kan'yang Tiya Melba nang biglang dumating si Cristal.
"Erron, sana ako ay tinawagan mo kaagad para nakapunta ako at naalagaan si Tiya Melba," turan ni Cristal sa binata na biglang nayamot sa pagdating ng babae.
"At bakit ko naman ipapaalam sa iyo, pamilya ka ba namin?"
Nasaktan ang dalaga sa mga sinabi ni Erron sa kan'ya pero sa isip niya ay ganoon naman talaga ang binata magsalita kaya hindi na niya pinansin ito at tuloy-tuloy siya sa kuwarto ng tiya ni Erron.
"Tita, kumusta na po ngayon ang pakiramdam ninyo? I'm sorry, it was only last night that I found out from my mom that you are sick,"
"Okay na ako ngayon kaya nga lamang ay sumasakit pa rin minsan ang ulo ko,"
"Kaya nga huwag na muna kayo tumayo-tayo at dahil narito na ako ay hayaan ninyo alagaan ko kayo."
"I'll cook you some hot soup so you'll have an appetite." Ani Cristal na tumalikod at nginitian si Erron na para bang inaakit ito.
"Tingnan mo kung gaano kabait ang babae na 'yan kahit sino walang makakapantay sa bait at yaman ni Cristal. What else are you looking for, she already has everything?" turan nito pagkaalis ni Cristal sa harap nila ni Erron.
"Tiyang, hindi ako naghahanap nang iba. There is only one woman in my heart and you know who she is!"
"Kalokohan ang sinasabi mo, no matter what you do you can't be together at alam ko hindi gugustuhin ni Amilah ang gusto mong mangyari because if she was willing before, she wouldn't have walked away then!" wika ng tiyahin niya kay Erron nang walang pag-alinlangan.
"That day will come when she will agree to what I want to happen and when that day comes there will be nothing you can do!" sagot naman ng binata na parang nairita na.
"Si Cristal ang gusto ko maging manugang, kung ayaw mo talaga sa kan'ya ay papayag ako kahit na sino huwag lang si Amilah!" wika pa nito sa pamangkin na si Erron.
Ang binata ay tumahimik na lamang dahil alam niya na sasama ang loob ng tiyahin at hindi niya gugustuhin na may mangyari rito.
"Kung gusto mo ay puwede naman muna kayong ma engage ni Cristal and if for two years your heart does not beat for her, I will be the one to tell her myself to dissolve your engagement upang ito ay huwag nang umasa pa,"
Hindi umimik ang binata at ito ay nag-isip, ayaw niya makipagtalo pa sa tiyahin kaya siya ay tumalikod na lamang.
Iniwan niya muna ang tiyahin na si Melba at siya ay bumaba upang uminom ng tubig. Si Cristal naman ay natanaw ng binata na nagluluto sa may kusina.
Naisip niya na totoong mabait ang babae pero hindi siya papayag sa alok ng tiya niya dahil si Cristal ang talo kapag ginawa niya ito.
"Erron, nariyan ka pala. Do you want to eat? I have cooked chicken tinola, kung gusto mo ay maghahain ako para sa iyo bago ko dalhan si Tita Melba sa itaas ng sabaw."
"Dalhan mo na lamang si tita dahil pupunta na ako sa opisina ko, ikaw na lamang ang bahala sa kan'ya. Ang gamot niya ay nasa ibabaw ng tokador at mayroon instructions na nakasulat doon kung kailan ang oras nang pag-inom niya ng gamot,"
"Sige, ako na ang bahala. Mag-ingat ka at tatawag na lamang ako sa iyo kung kailangan,"
Umalis si Erron sa mansion habang si Cristal naman ay nakangiti na tinatanaw siya at nag-iisip kung paano pa mapapalapit sa binata.
Akala ng babae ay sa kumpanya talaga pupunta ang binata pero ang totoo ay hindi roon ang punta nito kung hindi kay Amilah dahil namiss na niya ang dalaga.
Nalaman nito kung saan na nagtatrabaho si Amilah kaya ito ay pupuntahan niya para makausap ito.
Ilang oras pa at narating ni Erron ang Novaliches at pinagtanong ang St. Patrick hospital kung saan ang dalaga nagtatrabaho.
"Ma'am Amilah mayroon pong lalaki ang naghahanap sa inyo,"
"Sino ba ang naghahanap sa akin?"
"Ako ang naghahanap sa iyo!" anito sa dalaga na nabigla sa bigla niyang pagsulpot.
"Kuya Erron bakit ka naririto? sagot nang nagulat na si Amilah.
"Bakit bawal ba, hindi ba ako puwede na pumunta rito?
Tiningnan ni Amilah ang guard na nagsabi na may naghahanap sa kan'ya at tinaasan ng kilay ito saka sumenyas para paalisin.
"Thank you, puwede ka nang bumalik sa puwesto mo,"
Pagkaalis ng guard ay hinarap niya muli si Erron at ito ay pinaupo sa harap ng mesa niya.
"Okay na ba ang Mama Melba?"
"Medyo okay na nang kaunti, Inaalagaan siya ngayon ni Cristal." Sagot ng binata na pinagmamasdan ang reaksiyon ng dalaga.
"Ah okay, bakit ka naman narito? Hindi ba naroon na kamo si Cristal. Hindi pa ba siya sapat at kailangan mo puntahan pa ako?" ani Amilah na umismid pa sa binata.
"Have you drunk vinegar and your face is so sour, nagseselos ka ba?"
"Sino kamo ang nagseselos, ako? Mahiya ka naman sa balat mo!" tugon niya kay Erron habang tinuturo ang sarili.
"Ikaw ang maysabi niyan, hindi ako ah!" nakangisi na saad niya sa dalaga.
"Puwede ba, umalis ka na kung wala ka naman sasabihin na matino. Marami pa akong gagawin," naiinis na sabi ng dalaga.
"Ginawa ko ang sinabi mo, I tried to stay away from you but I can't because I miss you so much!"
Tumayo ang binata at ito ay lumapit kay Amilah na nakaupo sa swivel chair na kinagulat naman ng dalaga.
Hinawakan ng binata ang baba ng dalaga at tinaas ito saka nilapit ang mukha niya rito kaya napakapit naman ang dalaga nang mahigpit sa may arm chair ng upuan nito.
"Kuya Erron, we are in the office! What are you going to do?" sambit ni Amilah sa binata na kinabahan.
Ang lakas nang t***k ng dibdib ni Amilah na hindi makakilos kaya kinatutuwa ito ng binata.
He covered the girl's lips, who closed her eyes so the young man played with her lips until she opened her mouth and the man freely suck the girl's sweet lips.
"Stay away from me, Kuya Erron!" sambit ni Amilah ng siya ay nagkaroon nang pagkakataon para makawala sa binata.
"Are you crazy?" sigaw pa ng dalaga sa binata habang pinapahiran ang bibig niya na kanina ay sakop ng mga labi ni Erron.
"Yes, I'm crazy because of you. Miss kita at alam ko gusto mo rin ang mga yakap at halik ko. Dahil nararamdaman ko at hindi puwede mo itanggi pero bakit pinipigilan mo ang 'yong sarili!" tanong ni Erron na pilit ginigiba ang depensa ng dalaga.
"Oo totoo na gusto ko rin ang mga yakap at halik mo pero hindi ibig sabihin nito na dapat ko nang talikuran ang pinaniniwalaan ko na kung ano ang tama at mali,"
"Amilah, tayong dalawa lamang ang mahalaga hindi mo kailangan isipin ang iba. Puwede tayo lumayo, sa lugar na walang nakakilala sa atin. Doon sa walang huhusga at pilit tayo na sisirain,"
Balak ni Erron ay yayain itong si Amilah sa ibang bansa kung saan tanggap ang relasyon nila ngunit alam niya hindi sasangayon itong dalaga.
Nang mayroon kumatok sa pinto ng opisina ni Amilah kaya napatayo bigla ang dalaga kung saan kanina ito nakaupo.
"Ma'am mayroon po ulet kayong bisita," tukoy nang isang lalaki na naka uniforme rin ng puti.
"Lalaki ba kamo, tinanong mo ba kung sino siya at kung ano pakay niya sa akin?" tanong niya sa lalaki na kumatok sa pinto nang mayroon bigla nagsalita sa likod nito.
"Good afternoon, dito lamang pala kita matatagpuan!" wika ni Dr. Leo Reyes sa dalaga na nakangiti.
Napatingin si Erron at Amilah sa lalaki na pumasok sa pinto at si Erron ay nameywang saka tumaas ang kilay nang makita kung sino ang bagong dating.
"It looks like you got lost in this hospital, baka hanapin ka ng mga pasyente sa clinic mo?" sarkastiko niyang tanong sa doctor na bagong dating.
"Don't you worry because there are many doctors who can take my place there and how about you, why are you also here? Hindi ko alam na pati ang pagiging CEO ng hospital ay pinasok mo na rin?" tanong ni Dr. Leo Kay Erron na sumimangot bigla sa sinabi ng lalaki.
Lalong lumaki ang inis ni Erron sa bagong dating na lalaki at ito ay hindi nakaila kay Amilah na handa nang pumagitna sa dalawa.