"Doctor, salamat po sa inyong pagdalaw sa akin pero wala akong sakit at saka paano ninyo nalaman kung saan ako nagtatrabaho?" ani Amilah na kanina pa nagtataka sa dalawang lalaki.
"Alam mo madali lamang 'yon, kung mayroon kang gusto malaman ay maraming paraan kaya huwag ka nang magtaka pa!" turan pa nitong doctor na nakangiti at saka tumingin nang palalim dito kay Erron.
"Ano naman ang ginagawa ng aking magaling na family doctor at narito ka para istorbohin kami rito?" inis na wika ni Erron dito sa doctor na bagong dating kaya ito nagbigay nang masamang kutob para sa kan'ya.
"Isn't it that Amilah is your half sister?" dagdag pa ng doctor na siya nagpataas ng kilay ni Erron.
"You don't care if we're siblings or cousins because you're just one of the people I pay monthly!" galit na wika ni Erron sa doctor dahil tingin niya ay nakakalalaki na ito.
Para namang naapakan ang pride ng doctor sa sinabi ng binata sa kan'ya dahil may mataas ito na pagpapahalaga sa propesyon niya.
Sasagot na sana ito pero siya ay naunahan ng dalaga na hindi natiis ang arogante na sagot ni Erron sa doctor dahil tingin niya minamaliit ng binata ang propesyon nila.
"And what is it to you if you're just paying us? Nakakabawas ba ito sa aming pagkatao?" inis na tanong ng dalaga sa binata na nabigla dahil pinagtanggol nito si Doctor Reyes.
Lihim na ngiti ang namutawi sa labi ni Doctor Reyes sa ginawa ng dalaga at ito ay labis niya kinatuwa.
"Just because he's a doctor and I'm a nurse doesn't mean you can look down on us dahil kahit maliit lamang ang kinikita namin marangal naman ang trabaho namin at kami ay masaya nakakatulong sa aming kapwa!" sabi pa ni Amilah na mukha nagtampo sa binata dahil parang minaliit nito ang mga nasa medical field.
"Hindi 'yon ang gusto ko sabihin huwag ka sana magalit sa akin, this is just a misunderstanding!" depensa ni Erron sa nagtatampo na dalaga.
Napatingin ang doctor sa sinabi ni Erron at nangislap ang mata dahil nahalata niya na may tinatago itong binata na lihim na pagtatangi rito sa kapatid.
"Your Aunt is the one who told me that you are siblings! Siya pa ang nagbigay sa akin nang permiso para ligawan si Amilah,"
Kumunot ang noo ni Erron sa sinabi ng doctor at naikuyum nito ang kamao na para bang handa ito manuntok.
"So, nakausap mo na pala tita ko kaya ka nagyayabang sa akin. Kahit ano pa ang sinabi niya ay wala kang pakialam, it's none of your business!"
"Pero hindi ka ba natatakot na si Amilah ang umani nang masamang epekto nang mga ginagawa mo!" ani Doctor Leo kay Erron.
"Teka nga at ano naman ang masamang epekto sa kan'ya ang sinasabi mo? Mayroon ka bang alam na hindi ko nalalaman?" tugon ng binata rito sa doctor habang ito ay nakikipagsukatan nang tingin dito.
"Magsitigil na kayong dalawa, wala kayo sa palengke nasa hospital kayo para magsigawan. Kung gusto ninyo ay umalis kayo sa harap ko at doon kayo sa may parking lot mag-away!"
Para naman napahiya ang mga lalaki na kanina ay nagbabangayan at ito ay natahimik na pareho pero ang totoo ay kumukulo ang dugo sa isat-isa.
"Sorry Amilah huwag ka nang magalit. Siguro ay babalik na lamang ako sa ibang mga araw." Turan nang napahiyang doctor kay Amilah na mababakas sa mukha ang malaking pagsisisi at pinatulan niya si Erron.
"Buti naman at alam mong ikaw ay sagabal lamang dito!" sambit pa ni Erron na nanunuya.
"At sa palagay mo ba siya lang ang sagabal dito? Dapat pati ikaw umalis na rin, Kuya Erron dahil wala akong panahon makinig maski na sino sa inyo!"
Tinulak niya ang dalawa palabas at saka sinarado ang pinto. Si Amilah ay nakahinga na nang maluwag at napangiti nang wala na ang mga ito
"Mabuti naman at natahimik na ang mundo ko. Sasabihan ko ang guard sa ibaba na walang papasukin na kahit sinong herodes kung may naghanap sa akin!" sabi ni Amilah na pabulong sa sarili bago ito humarap na muli sa kan'yang ginagawa bago pa dumating ang dalawang lalaki.
Nang makatapos sa duty niya si Amilah ay umuwi na ito sa kan'yang inuupahan. Balak niya na pumunta sana kila Fate pero maaga ang pasok niya bukas dahil may meeting ang mga supervisor.
Nasa harap na siya ng kan'yang apartment nang natigilan siya dahil may nakaparadang sasakyan sa may tapat ng bahay niya.
"Akala ko ba ay umalis na ang lalaki na ito pero bakit at naririto na naman siya?" pabulong na wika sa isip nang inis na dalaga.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ng dalaga kay Erron na ngingiti-ngiti.
"Sabi nga nang magaling mong doctor, if you want there is a way and nothing is impossible for me!"
"Pumasok na muna tayo at doon sa loob na mag-usap pera na lamang kung gusto mo mapag-usapan tayo ng maritess mong kapitbahay," saad pa ng binata na para bang bahay na niya ito.
Walang nagawa si Amilah kung hindi papasukin na ang binata sa bahay niya dahil may mga nakatingin ng kapitbahay sa kanila.
"Ngayon, puwede mo na bang sabihin kung bakit nakarating ka sa bahay ko?" tanong nitong dalaga na hindi maitago ang pagkainis dito sa binata.
"Hindi pa tayo nakapag-usap kanina nang maayos dahil mayroon dumating bigla na asungot kaya nga inalam ko sa admin ninyo kung saan ka nakatira," nakangiti na saad nito kay Amilah.
"Akala ko ba ay lalayuan mo na ako bakit heto ka na naman at ako ay kinukulit?"
"Oo, sinabi ko nga ang bagay na 'yon pero paano ko gagawin if every time I sleep I see you with someone else!" sagot ni Erron dito sa naiinis na dalaga.
"Hey, that is not my problem anymore. Tuparin mo ang iyong pangako sa akin upang wala tayong maging problema kaya umalis ka na at huwag nang bumalik pa!" sambit ni Amilah na hindi malaman kung ano pa ang gagawin sa binata.
"We're destined to meet but not destined to be together kaya sana pag-aralan mo nang ako ay limutin!"
Unti-unti na lumapit si Erron kay Amilah kaya ang dalaga naman ay napaatras at ewan ba niya pero para bang siya ay kinakabahan.
Ang kanina na maamong mukha ng lalaki ay napalitan nang kakaiba na aura at para bang iba ang tingin niya sa binata.
Si Amilah ay kinulong ni Erron sa mga bisig niya at pilit na hinalikan ang nagulat na dalaga kaya ito ay nagkakawag.
"Kuya Erron ano ang ginagawa mo? Let me go and if you don't, I will scream!"
"Scream so they will know what we're doing here!" ani Erron na may mapaglarong ngiti sa mga labi.
Pagkatapos sabihin 'yon ng binata, he suddenly pulled Amilah's uniform so all of its buttons were removed one by one. It was as if Erron has been possessed by demon that was stripping the girl.
"Erron, bitawan mo ako! Don't do this to me, I'm your sister!" sigaw ng dalaga sa binata na parang hayok na sa pagnanasa.
"How many years I endured, how many years I waited for you, I always respected you and understand but why do you still ignore me again and again. . Kung ayaw mo sa santong dasalan puwes kukunin kita sa santong paspasan!"
"No kuya Erron, huwag mo itong gawin! Kumalma ka at isipin mo na mali ito. Si Mama Melba, oo isipin mo si mama may sakit siya at kapag nalaman niya ito tiyak aatakehin siya sa puso. Gusto mo bang mamatay siya?" sambit ni Amilah habang siya ay patuloy na nanlalaban kay Erron na para bang wala na sa katinuan.
"Wala na akong pakialam sa kan'ya, akala mo ba ay hindi ko alam na siya ang dahilan kung bakit ka lumayo sa akin at hanggang ngayon ay pilit pa rin tayo pinaglalayo!"
Naiiyak na si Amilah dahil halos lumuwa na ang dibdib niya sa sirang uniform. Si Erron naman ay sinakop ang labi ng dalaga at kinuyumos ito nang halik.
Halos magdugo na ang labi ni Amilah dahil ang mga halik na 'yon ay mga halik na mapagparusa pero hindi pa rin nilubayan ni Erron ang dalaga na napahiga na sa semento.
Tuluyan na nga na umiyak ang dalaga at napahagulgol ito dahil para ng demonyo ang tingin niya rito sa binata.
"What happened to you brother Erron! I thought you loved me but why are you doing this to me?" wika ni Amilah na nanginginig na sa galit at para naman bigla natauhan si Erron nang mamasdan ang kalunos-lunos na kalagayan ng dalaga.
Huminto ito sa ginagawa niya na pag-angkin sa dalaga at napaupo sa tabi ni Amilah habang tinitingnan ito na umiiyak. Nilapit ang noo niya at dinantay sa noo ng dalaga saka ito hinalikan nang banayad.
"S-sorry mahal ko, nadala ako nang bugso ng damdamin. Sana ay mapatawad mo ako sa aking ginawa kapangahasan, Hinding-hindi ko na ito uulitin!" mahinang wika ni Erron kay Amilah nakayuko at hiyang-hiya sa nagawa habang akap ang dalaga.
Panay pa rin ang iyak ni Amilah na sinasabayan naman ni Erron nang tapik sa likod ng dalaga na para ba itong inaalo nang bigla may pumihit sa door knob at dalawang bata ang sumungaw buhat dito kasunod ang yaya nilang si May na gulat na gulat din.
"Bad ka, what are you doing with her?" hiyaw ni Cj patakbo na lumapit sa binata at pinagsusuntok ito sa likod.
"Stay away from our aunt or we will call the police!" sigaw rin ni Ck habang tinutulak si Erron paalis sa pagkakayakap sa ina.
Ang dalawang bata ay matagal nang naturuan ni Amilah na kapag may ibang tao maliban sa pamilya nila Fate, ang kanilang itatawag sa kan'ya ay tiya.
"Mga pamangkin mo sila?" ang biglang tanong ni Erron kay Amilah nang mapagtanto kung sino ang dalawang bata na lumapit sa kan'ya.