Ang batang si Cj ay kumuha ng walis at hinampas ito kay Erron na wala naman nagawa kung hindi ang umilag na lamang.
"You're a bad, bad uncle! Ayaw ko na sa iyo. Get out of here or we'll report you to the police!"
Si Ck naman ay humanap ng tuwalya at itinakip niya sa kan'yang ina na nasira ang pang-itaas.
"Ate, sinaktan po ba niya kayo?" tanong naman ni May sa dalaga na nag-aalala sa kalagayan nito.
"Sorry talaga Amilah, ako ay nahihiya sa nagawa ko sa iyo. Sana ako ay mapatawad mo, promise I will never do it again." Malungkot na inaamin ang kasalanan nagawa.
"Umalis ka na rito dahil ayaw ka na namin makita pa. When we grow up you'll see what we'll do to you!" wika ni Ck na yumakap kay Amilah na tila ba pinakakalma ito.
"You make our auntie cry so now we are your enemies! Huwag ka nang babalik dito at baka kung ano ang magawa namin sa iyo!" ani Cj, raised his fist as if he was in a fight ready to punch any time his opponent.
Lalapit pa sana si Erron pero ang dalawang bata ay kaagad humarang na nakataas ang mga kamay para siya ay hindi makalapit kay Amilah.
"Cj, Ck sorry sa nagawa ko sa tita ninyo. Kung gusto ninyo na ako ay parusahan, gawin ninyo. Suntukin ninyo ako, sipain at sampalin pero sana pagkatapos ay mapatawad ninyo ako,"
"Nagawa ko lamang naman 'yon dahil sobra ako nasaktan sa pagtanggi ng tita ninyo sa akin, mahal na mahal ko siya at handa ko tanggapin kahit ano mang parusa na igawad ninyo sa akin!" nakaluhod na pagsusumamo ni Erron bakas ang matinding pagsisisi.
"Umalis ka na, bago pa ako tumawag ng pulis at huwag ka na sana bumalik pa rito!" sigaw ni Amilah, tumayo na sa pagkakaupo sa sahig.
"May, isarado mo mabuti ang pinto pagkaalis niya," saka si Amilah tumalikod at pumasok sa kuwarto kasunod niya ang dalawang bata.
Walang nagawa si Erron kung hindi ang umalis na lamang dahil alam niya maling-mali ang kan'yang nagawa sa dalaga.
Nasa loob na ng sasakyan niya si Erron at nakayuko ito hawak ang manibela, iniisip kung bakit ba niya nagawa ang bagay na 'yon.
"CEO ka Erron, may mataas na pinag-aralan, ginagalang ka at tinitingala ng lahat pero bakit mo nagawa 'yon! Daig mo pa ang isang r****t, bakit?" wika pa niya habang panay ang hampas nito sa manibela ng sasakyan niya.
Naiyak sa sobrang inis at galit sa sarili ang binata. Matagal ito na nakayuko sa may harap ng manibela at makalipas ang isang oras nagpasiya nang umalis sa harap ng bahay ng dalaga.
Nasa isang KTV bar si Erron at ang kan'yang kaibigan na si Alex. Ito ay napailing habang ang binata ay nagkukuwento nang nagawa niya sa dalaga.
"Nagawa mo 'yon sa kan'ya pero bakit pare? Lasing ka ba o kaya naman ay tumira ng drugs?" tanong nang hindi makapaniwalang si Alex.
"Hindi ko alam kung bakit ko nagawa sa kan'ya 'yon! Kahit ako hindi makapaniwala kaya kong gawin 'yon, demonyo ang sumanib sa akin nang mga oras na 'yon!" sabi ni Erron at pagkatapos ay kan'ya pa sinampal ang sarili.
"Pati tuloy ang kan'yang mga pamangkin ay galit sa akin,"
"Siyempre sila ay magagalit sa iyo. Sino nga ba ang hindi magagalit kung makikita na ginagawan nang masama ang mahal nila!"
"Paano ko kaya maibabalik ang tiwala nila sa akin?" ang tanong ni Erron nakayuko at tila wala sa sarili.
"Sino? Ang mga pamangkin ba ni Amilah ang tinutukoy mo o si Amilah mismo?"
"Silang lahat dahil para kong nakita sa mga mata nila ang matinding galit sa akin kaya hindi ako mapakali hanggang hindi ko sila napapaamo muli."
Tinapik-tapik pa ni Alex sa balikat ang kaibigan at saka tinungga ang alak sa basong hawak-hawak niya.
"Uminom na muna tayo at saka mo na lamang isipin kung ano ang gagawin mo upang mapatawad ka nila sa nagawa mo."
Sa bahay naman nila Fate, ito ay palakad-lakad at galit na galit nang malaman dito sa kambal ang kanilang nakita noon nagpunta sa bahay ni Amilah.
"Naku, kung ako ang kasama ng kambal baka hindi lamang suntok at tadyak ang inabot nang hayup na Erron na 'yan, may pagkamaniac pala ang hinayupak na lalaking 'yon!
"Tama na at ikaw ay naririnig ng mga bata. Tingin ko naman ay hindi rin ginusto ni Erron ang mga nangyari, nadala lamang siguro siya sa sinabi ko na limutin na niya ako,"
"Pinagtanggol mo pa ang demonyo na 'yon! Magtapat ka nga sa akin Amilah, mahal mo pa ba ang lalaki na 'yon?"
Biglang hindi nakakibo si Amilah at ito ay natigilan dahil kahit siya ay hindi niya alam kung paano sagutin ang kaibigan na si Fate.
"Hoy, natigilan ka! Mayroon ka bang hindi sinasabi sa akin?" tanong pa ni Fate nakaturo ang isang daliri sa sintido ni Amilah.
"Wala, sige na at pupuntahan ko na ang kambal sa kuwarto."
"Hep-hep, bago ka umalis ako ay pakinggan mo. Marami ka nang hirap na pinagdaanan dahil sa lalaki na 'yan kaya please lang kalimutan mo na ang ama ng mga anak mo!"
Ang hindi alam ng dalawang babae nakikinig pala sa kanila itong kambal at ang dalawang bata ay napatakip ng kanilang bibig.
"Fate naman ang bibig mo, baka marinig ka ng kambal kaunti naman preno. Baka masakal kita kapag ito ay nalaman nila nang dahil sa iyo!" singhal ni Amilah dito kay Fate na nanlalaki ang mga mata.
"Sorry na at ako ay nadulas lamang pero ang sinabi ko sa iyo, baka magpusong mamon ka na naman at bumigay sa lalaki na 'yon!"
Tumalikod na si Amilah para umakyat na rin sa kuwarto ng kambal na nagkukun'wari naman na tulog.
Kinabukasan walang pasok si Amilah kaya sinama niya ang kambal sa mall. Ang alam ni Erron ay pamangkin niya ang kambal.
Nasa may Tom's World sila ng kambal nang magpaalam si Amilah sa dalawa para pumunta sa may rest room.
Hindi sinasadya na makita niya si Erron kasama ang dalawang tauhan niya at ito ay naglilibot.
Balak bilhin ni Erron ang mall na 'yon kaya siya naroroon ay para niya makausap ang mga namamahala nito.
Pagkakita kay Amilah, hinila ito ng binata at dinala sa may gilid, walang nagawa naman ang nagpupumiglas na dalaga.
"Amilah, sana ay kausapin mo ako kahit sandali lamang. Humihingi ako sa iyo nang tawad sa nagawa ko. Handa ako na gawin ang lahat nang gusto mo to compensate you for the wrong things I've done pero sana ay huwag mo ako iwasan," hiling ng binata rito sa dalaga na pilit lumalayo.
"Please lamang Kuya Erron, ako ay tigilan mo na. Ayaw ko mapahiya ka dahil maraming tao rito, huwag ka na sana pa magpakita pa sa akin!"
"Iyan ba talaga ang gusto mo? Kung ganoon ay susundin ko ang gusto mo. Mula bukas ay hindi na ako magpapakita sa iyo at sana sa gagawin kong ito ay makabawas sa naging kasalanan ko sa iyo."
Malungkot na lumayo si Erron at para bang siya ay sinaksak sa may dibdib ng punyal dahil ramdam niya ang sakit nito tagos hanggang puso niya.
Dahil sa nangyari ay umuwi na lamang si Erron at ang pakikipagkita sa mga tauhan ng mall ay pinagpaliban.
"Erron nariyan ka na pala, ano ang nangyari sa pagpunta mo sa mall. Nagkasundo na ba kayo nang tungkol sa presyo nito?" ang tanong ng tiyahin niyang si Melba.
"Hindi natuloy ang meeting ko sa kanila dahil mayroon ako ibang inasikaso,"
"Mahalaga pa ba 'yon kaysa sa meeting ninyo ng mga executive ng mall?" bigkas ng matanda na halatang galit na rin sa inasal ng binata.
"Huwag na kayo magtanong at wala ako sa mood, mamaya na lamang tayo mag-usap at gusto ko nang magpahinga." Sagot ni Erron dito sa tiyahin na para bang naiirita.
Pumasok naman si Erron sa elevator dahil nasa third floor ang kuwarto niya. Ang tiya niya ay walang nagawa kung hindi sundan na lamang nang tingin ang pamangkin.
Kinabukasan ay tahimik na kumakain si Erron ng almusal ng siya ay binati ng tiya niya na parang walang nangyari sa kanila noon gabi.
"Did you sleep well last night? Siguro naman ay puwede na tayong mag-usap,"
"What do you want us to talk about?" tanong ni Erron sa tiyahin na nakayuko at nasa malayo ang isip.
"Tungkol ito sa sinasabi ko na engagement ninyo ni Cristal, na kapag hindi pa rin tumibok ang puso mo sa kan'ya after two years I will let you choose a woman to love but not to Amilah." Wika pa ni Melba habang pinagmamasdan ang binata sa pagkain.
"It's up to you guys because I don't care about this life anymore!"
Nagulat si Melba sa sagot ng pamangkin at tiningnan niya itong mabuti. Halatang hindi nakatulog ang binata dahil ang paligid ng mga mata nito ay nangingitim.
"Puwes, tutal sinabi mong ako na ang bahala kaya huwag mo akong sisihin kung ako ay magpatawag na ng mga press para balita ito,"
"As you wish 'yon naman ang gusto ninyo, hindi ba?"
Ngumiti si Melba at para siya nabunutan nang tinik sa mga pahayag ng pamangkin kaya kaagad nag-utos sa assistant niya para tumawag ng press nang hindi na magbago pa nang isip ang binata.
Nang hapon na 'yon laman ng pahayagan at halos lahat ng channel sa television ang magaganap na engagement party nila Erron at Cristal.
Nanonood ang kambal na si Cj at Ck nang unang lumabas ang balita sa telebisyon nang lumapit si Amilah at sinabing kakain na sila.
Tumayo na ang kambal para maghugas ng kamay habang naiwan ang ina nila nakatingin sa screen ng television kung saan pinapakita ang larawan ni Erron at Cristal.
Lumingon ang kambal sa ina at nakita nila ang lungkot nito na para bang iiyak kaya ang kambal ay biglang natigilan nasa mukha ang galit.
"Brother, what are we going to do now? Galit ako sa lalaki na 'yan dahil sa ginawa niya kay mama kaya ayaw ko siyang maging masaya!"
"Oo nga binully niya si mama, he abandoned us and made our mom cry and still has the will to smile, I can't forgive him! Wala siyang karapatan na maging masaya. Sisirain natin ang engagement party niya!"
Ang kambal ay palihim naman nag-plano nang gagawin nila sa araw na 'yon. Kinuha nila ang kanilang piggy bank at binasag ito para makuha ang pera na inipon nila.
Ito ang perang gagamitin nila sa pagpunta nila sa hotel kung saan gaganapin ang engagement party ni Erron at Cristal.
Nagpaalam sila sa yaya nila na makikipaglaro sa anak ng kanilang kapitbahay at sila ay pinayagan ni May pero ang totoo ay nakigamit sila ng computer ng kalaro para nila malaman kung saan hotel gagawin ang party at kung paano pupunta roon.