Dumating rin ang araw na kanila hinihintay at ito ay ang araw na ang kambal ay makakaganti na para sa nanay nila.
Maaga hinatid ni May sa school ang dalawang bata at kagaya nang dati ang kambal ay iiwan ng kanilang yaya pagkapasok ng mga ito sa gate ng school.
Ang hindi alam ni May ay hindi pumasok ang dalawa sa kuwarto nila at ito ay nagtago lamang. Nakita ng kambal na umalis na ang yaya nila kaya sila ay madali rin sumabay sa mga umaalis na mga magulang na naghatid rin ng anak.
Hindi naman sila nakita nitong guard dahil busy ito sa isang nanay na nagrereklamo kaya nakalayo ang kambal na walang nakakita at nang makalayo nang kaunti ay sumakay ang mga ito ng taxi.
Dahil alam nila ang pupuntahan ay hindi na nagtaka pa at nagtanong ang driver ng taxi. Kampante at hindi kinakabahan ang kambal.
Binaba sila ng taxi driver sa may Marriot Hotel sa Pasay at ang mga ito ay parang matanda na nagbigay pa nang bente pesos na tip dito sa natuwang driver.
Kagaya kanina sa school, sila ay sumabay rin sa mga pumapasok na mga guest ng hotel nang wala ring nakakapansin.
"Tingnan mo ang mga nakasulat doon. It says where the engagement party will be held,"
"Pero Kuya Cj, we don't have an invitation card to show to the guard at the door,"
"Don't worry about that because we're going inside without them noticing!"
"Pero paano nga natin gagawin 'yon, Kuya Cj?"
"Kapag sinabi kong ako na ang bahala, just follow and we won't miss a beat,"
"Ikaw na nga ang bahala after all, you are the smarter of the two of us."
"Matalino ka rin pero tamad nga lamang mag-isip because you know I'm always here ready to catch you,"
Natawa si Ck sa sinabi ng kuya niya dahil tama ito dahil gusto niya palagi siyang binibaby.
Naghintay ang dalawa nang pagkakataon para makapasok sa venue nang nagpaalam sa kasama niya ang isa sa mga guardiya para pumunta ng comfort room.
Dahil doon ay nagkaroon ang dalawang bata nang pagkakataon na makapasok sa loob at nagmamadali na sumabay sa karamihan.
"Ck, dali at ikaw ay sumabay sa matabang lalaki na 'yon and I'll go with the old woman who is next to her!"
"Sige kuya Cj at papasok na rin ako. Hihintayin na lamang kita sa loob."
Pagkapasok ng dalawang bata ay nagsisimula na rin ang program kung saan pinapakilala sila Erron at Cristal.
Taas ang noo na naglakad itong si Cristal papunta sa stage na para bang maaliwalas ang mukha at ang mga ngiti ay parang abot hanggang tainga.
Dahil sa wakas magkakaroon na rin nang katuparan ang kan'yang matagal nang pangarap na maging fiancé ng binata.
Si Erron naman ay para bang balewala sa kan'ya ang okasyon na 'yon dahil para itong may iniisip at seryosong-seryoso.
Nasa stage na sila Erron at si Cristal na magkatabi. Para silang hari at reyna sa suot nila. Si Erron na nakatoxedo ay napakaguwapu pa rin kahit na hindi ito ngumingiti.
Si Cristal ay elegante rin sa suot nitong pink na off shoulder gown at ang mga alahas niyang suot ay para bang kumikinang sa tama ng mga naglalakihan na ilaw.
"Erron, smile we have so many visitors. They might think you're just being forced,"
"I don't care what they think because that's the truth!"
"Ano ang ibig mo sabihin, Erron? Don't embarrass me in front of my family and coworkers!"
Ang emcee ay tinawag na ang pamilya ng dalawa upang maging saksi sa paghingi ni Erron sa kamay ni Cristal.
Binigay ng emcee ang mic sa tiya ni Erron upang ito ay magbigay nang pahayag sa naging takbo nang relasyon ng dalawa bago humantong sa araw na ito.
Pagkatapos ay luluhod si Erron na may hawak nang isang maliit na pulang kahon kung saan ang laman ay isang mamahalin na singsing pero 'yon ay hindi nangyari dahil sa ilalim ng isa sa mga mesa ay lumabas ang dalawang batang lalaki.
"Bad uncle, were here to give you our special gift and congratulate you. We hope you will have a happy life!"
"Sino ba ang mga 'yan, Do you know them Erron?" tanong ng Tiya Melba niya na nagtataka.
May dinukot sa backpack niya ang matapang na si Cj na para bang mahabang belt na sinindihan naman ni Ck saka hinagis sa nabigla na sila Erron at Cristal.
These were the old firecrackers of their neighbor and since the twins were playing with their children they were able to tell the two about the hidden firecrackers that were not used last New Year because they were banned.
Nagkaroon ng idea ang kambal at ito ay kanilang hiningi sa kalaro saka lihim na dinala rito sa hotel na siyang hinagis ng dalawang bata sa harap nila Erron at Cristal.
Nagkagulo ang lahat at ang mga tao ay nagsitakbuhan palabas ng venue nang nagsimula ang walang tigil na putukan na animo ay bagong taon kaya sinamantala naman ni Cj at Ck ito. Tumakbo na rin ang kambal matapos ang ginawa nila.
Galit na galit naman si Melba na nagtago rin sa likod ni Erron at siya ay sumisigaw sa binata na para bang natuwa pa sa mga nangyari.
"Erron, utusan mo ngayon din ang mga tauhan mo na habulin ang mga bata na 'yon! Sinira nila ang engagement party ninyo ni Cristal!"
"Dalawang bata lamang 'yon tita, let them have some fun."
"Fun? Tingin mo nakakatuwa ang ginawa nila, who are those kids? Do you know them because it seems you are defending those kids!"
"Sa simula pa lamang ay hindi na ako makapaniwala na pumayag ka sa mungkahi ko, 'yon pala ay may balak ka na isabotahe kami!" dagdag ng Tita Melba niya na nanggigigil na sa galit.
"Tita, these are not my plan and I didn't sabotage you! Talaga lamang siguro hindi ayon ang Maykapal sa binabalak ninyo sa akin,"
Ang natulala naman na si Cristal ay natauhan at bigla humawak kay Erron. Hindi niya akalain na ang masaya sanang sandali sa buhay niya ay parang bula na naglaho.
"Erron mahal, sabihin mo sa lahat na manatili sila sa mga mesa nila at itutuloy natin engagement party pagkatapos maayos ang lahat,"
"Continue, where and how? You saw the mess that happened. Siguro ay hindi talaga tayo sa isat-isa kaya gumawa nang paraan ang tadhana upang hindi matuloy ang okasyon na ito!"
"Erron, huwag mo sabihin 'yan please! Dapat matuloy engagement natin dahil hindi ako papayag hindi ito matuloy!" saka ito parang bata na nagpapadyak at umakto na parang iiyak.
Pero hindi na siya pinansin ni Erron at lumayo na ito sa stage na puno ng tauhan nitong hotel na pilit pinapatay ang pumuputok pa rin na sinturon ni Judas na hinagis ng kambal.
Ang mga tauhan ng hotel ay gumawa nang paraan upang hindi kumalat ito at magkasunog. Hindi naman nagtagal at naalis rin nila ang paputok.
Natawa naman si Erron sa nangyari dahil sa tingin niya ay hindi mga ordinaryong bata itong mga pamangkin ni Amilah.
"Sir Erron, ito po ang dalawang bata kanina na naghagis ng sinturon ni Judas!" ang sinasabi ng tauhan ni Erron ay ang paputok na dala ng kambal.
Nang makita ni Melba ang mga bata na pilit kumakawala sa mga tauhan ni Erron ay hinawakan niya sa braso ang mga ito at galit na galit na tinanong.
"Sino ba kayo at bakit kayo rito nangugulo?" tanong nitong tiya ni Erron na nanlilisik pa ang mga mata.
"Aunt, they are Amilah's nieces so don't hurt them!"
"Pamangkin ni Amilah? Pero teka, how come that Amilah has a nephew? Wala naman akong alam na kamag-anak niya rito?" bigkas ni Melba nagtataka kaya pati si Erron ay napaisip din.
"Bitiwan ninyo kami, this is child abuse at ito ay mayroon kaukulang parusa!"
"Tiya Melba bitiwan mo na sila, look how smart those kids are," wika ni Erron na imbes magalit sa kambal ay parang lalo pa itong humanga sa dalawa.
"Mga bata, paano kayo pumunta rito? Did you tell your parents you were coming here?" tanong pa ng binata sa kambal na ayaw magsalita.
Hindi umimik ang dalawang bata at napayuko ang mga ito dahil kapag nalaman ng nanay nilang si Amilah na tumakas sila sa school ay tiyak mapapagalitan sila.
"Ihahatid ko muna ang kambal tita at kayo na muna ang bahala rito. Baka kasi hinahanap na ang mga bata ng nanay nila."
"Hindi puwede dahil gusto ko munang malaman kung bakit nila ginulo ang engagement party ninyo ni Cristal!"
"Patawag mo ang magulang nila dahil ang babata pa nila marunong na silang gumawa nang masama!" dagdag pa ng tiya ni Erron na ayaw pakawalan ang dalawang bata.
Tumingin si Ck sa kuya niya na nanatiling tahimik dahil mukhang matapang ang ginang at baka sila ay saktan nito.
Natatakot ang kambal na baka patawag ang nanay nila tiyak na ito ay masasaktan at baka nga iwan pa sila ni Amilah.
"Why don't you just ask that annoying guy next to you?" saad ni Cj na walang pagkatakot sa dibdib.
"You know these children who ruined our precious days?" tanong ni Cristal na kanina pa naiirita rito sa dalawang bata.
"Yes, I do know them and please can we just talk later. Sila ay ihahatid ko muna sa bahay nila." Sagot dito ni Erron na bigla nakakuha nang rason upang mapuntahan si Amilah.
"Tita, paano na ito? Ang mama at papa ko ay naghihintay pa nang paliwanag," turan ni Cristal na hindi pa rin makapaniwala naisahan siya ni Erron gamit ang mga bata.
"Erron, hayaan mo ang driver natin ang maghatid na lamang sa mga bata dahil marami kang dapat ipaliwanag sa amin!" said Erron's Aunt Melba who was not convinced that this young man had nothing to do with it.