Lumuluha na humahangos si Amilah sa St. Patrick hospital na sinabi ng kambal at siya ay dali-dali na nagtanong sa may information desk. "Good am, can you find out the room of Mr. Erron Ricafort?" tanong ni Amilah sa babae nasa information desk. Tumingin sa kan'ya ang babae na nasa information desk at saka nagawi ang tingin sa may patient log book na nasa ibabaw ng kan'yang lamesa. Hinanap niya ang binigay na pangalan ni Amilah pero napatigil ito at bigla nag-iba ang mukha bago tumingin sa dalaga. "Sorry po pero dinala na po sa morgue ang Mr. Ricafort na inyong hinahanap," turan ng babae rito kay Amilah na malungkot matapos niya makita ang pangalan ni Erron sa listahan. "Ho, b-baka nagkakamali kayo puwede bang pakicheck mabuti at baka hindi siya 'yon!" wika ni Amilah na ayaw maniwala s

