Bakasyon na ng mga anak nila Erron at Amilah kaya kasama na nila ang mga ito ng sila ay bumalik dito sa Pilipinas. Pinagpaalam nila muna ang dalawang bata rito kay Ma'am Antoinette. Nagdesisyon kasi si Amilah na bumalik ng Pilipinas dahil ayaw niya na bumagsak ang kumpanya iniwan ni Erron. Dahil nagkabati na sila ng binata kaya gusto na rin sana niya rito na mag-aral ang mga anak pero dahil may isang taon pa ang kontrata ng mga anak sa company nila Ma'am Antoinette kaya babalik pa ang mga anak niya sa Germany. Naging matagumpay kasi ang unang concert na ginawa ng kambal kaya marami ang may gusto kumuha sa kanila na mga concert producer pero ayaw na nila Amilah at Erron dahil gusto nila na mag concentrate muna ang kambal sa pag-aaral nila. "Ami, pupunta muna ako sa comfort room pagkatap

