Ang Pagkawala Ng Kambal 2

1377 Words
"Amilah, alam ko ang iyong nararamdaman ngayon pero huwag mong isisi lahat kay May. Walang may gusto na mawala ang kambal at hindi rin ito kagustuhan ni May. Ang mga bata ay mahal na mahal niya," saad ni Fate pabulong pero ang lahat nang ito ay maliwanag na narinig ni Amilah. "Mahal, isipin natin ang lahat nang posibilidad. Hindi tayo puwede padala sa ating galit dahil oras ang kalaban natin ngayon," "Lumapit si May at lumuhod ito sa harap ni Amilah upang humingi nang tawad. Si Erron at Fate naman ay nakatingin lamang sa kan'ya. "Ate, sorry na po talaga, hindi ko talaga akalain mawawala ang mga bata, ilang hakbang na lamang ang gate nang sila ay iwan ko," umiiyak na wika ni May kay Amilah. "Fate, nireport mo na ba ito sa mga pulis?" tanong nitong binata sa kaibigan ni Amilah. "Oo pero ang sabi nila sa akin ay hanggang wala raw bente kuwatro oras ay hindi pa nila ito puwede na sabihin o kaya ay ituring na missing person," "Sinabi mo ba sa kanila na mga bata pa ang nawawala?" sigaw pa ni Amilah na umiiyak na at halata sa mukha ang galit at pag-alala para sa mga anak. "Oo pero ang sabi nila baka raw nasa kapitbahay o kaya naman nasa mga kaibigan," Si May naman ay umiiyak pa din at panay pa rin ang hingi nang sorry dito kay Amilah na pilit pinakakalma ni Erron. Ang binata ay may tinawagan at ito ay si Luki, isa ito sa mga tauhan na pinagkakatiwalaan niya. "Luki, pumunta ka ngayon din sa mansion ng Tiya Melba ko at ikaw ay magmanman doon pero huwag mo ipaalam sa kanila. Sabihin mo sa akin kung aalis ito at kung saan siya pumunta saka mo itawag sa akin!" utos ng binata sa matagal na niyang tauhan pero nabigla pa siya sa sagot nang kausap. "Sir, ang madam po raw nasa hospital ngayon. Kinuha po siya ng ambulansiya kagabi dahil sa nanikip ang dibdib ng tiya ninyo. Katatawag nga po lamang ng kan'yang caregiver at pinapupunta kayo sa hospital!" "Sige, sabihin mo na pupunta ako mamaya dahil mayroon lamang ako kamo mahalaga na inaasikaso ngayon. Ikaw muna pumunta roon sa hospital at alamin mo kung ano na ang lagay ng tita ko," "Opo Sir Erron, kayo po ay akin babalitaan kapag naroon na po ako." Natahimik si Erron sa kan'ya nalaman sa tauhan at nakaramdam ito nang guilt dahil pinaghinalaan kaagad niya na ang tiyahin ang may kinalaman sa pagkawala ng kambal. "At isa pa Luki, alamin mo rin kung nasaan ngayon ang dati kong fiance na si Cristal!" "Okay po sir." Natapos na ang tawag pero si Erron ay nag-iisip pa rin kung sino pa ang maari kumuha sa mga bata. "Halika Amilah sa presinto at ng tayo na ang kumausap sa mga pulis. Magpatulong tayo sa kanila hanapin ang kambal!" Tumango-tango naman itong si Amilah nang niyaya siya ni Erron na pumunta sa presinto at habang daan si Amilah ay hindi mapakali. Ito ay nagsisi kung bakit ang mga anak ay hindi niya pinayagan na bumili nang sariling cell phone. "Di sin sana ay natawagan nila ako kung may cell phone sila at tiyak malalaman ko ngayon kung nasaan sila," bulong pa ni Amilah sa sarili na panay ang dasal na walang mangyari na masama rito sa kambal. Ayaw kasi niya bilhan ang mga anak ng cell phone dahil tingin niya ay mga bata pa ito at ayaw niya na masira ang pag-aaral ng mga anak dahil sa paglalaro ng mga nauuso na mga mobile games. "Huwag ka nang mag-alala at lahat ay gagawin ko makita lamang ang mga anak natin." Pangako ito ni Erron sa dalaga na ikinangiti naman dito ni Amilah dahil pakiramdam niya naiibsan ang nadarama niya na bigat dahil ito sa lalaki. "Si Mama Melba, baka alam niya kung nasaan ang mga bata," ang biglang sumagi sa isipan ni Amilah. "Huminahon ka, walang alam si Tita Melba sa pagkawala ng mga bata." "Paano mo naman nalaman na wala siyang alam? Siya na lamang ang alam ko na maari gumawa noon sa akin dahil galit siya sa relasyon nating dalawa!" "Walang alam si Tita Melba sa pagkawala ng kambal dahil kagabi pa raw siya nasa hospital sabi ng aking tauhan dahil sa paninikip ng dibdib," "Bakit ngayon mo lamang sinabi sa akin 'yan?" tanong ni Amilah na nabigla sa kan'yang nalaman dahil kahit ano pa ang nangyari ay ito pa rin ang babae na nag-ampon at sa kan'ya ay nag-aruga buhat ng bata siya. "Gulong-gulo na ang utak mo kaya paano ko pa sasabihin sa iyo ang tungkol sa kalagayan ni Tita Melba?" ang sagot pa ng binata sa kan'ya nang hindi na siya mag-alala. "Pero sinabi mo pa rin sana sa akin dahil kahit galit ako sa kan'ya ay siya pa rin ang aking kinikilalang ina na kumupkop sa akin buhat ng bata pa ako. "Saka na natin siya puntahan kapag nahanap na natin ang mga bata," "Kung hindi ang tita mo ang dahilan nang pagkawala ng mga bata pero sino naman?" Naging malaki na palaisipan sa kanila ang namutawi na tanong ni Amilah pero iyon ay sinantabi na muna nila. Dumating sila sa presinto at sila ay inasikaso naman ng mga pulis kaagad. Sinabi ng kanilang kausap na pulis na titingnan nila ang mga CCTV monitoring sa tapat ng school kung saan nag-aaral ang mga anak niya at ganoon din doon sa malapit na mga lugar. Ang kausap ng pulis ay si Erron at mataman naman nakikinig lamang si Amilah dahil parang sasabog na ang utak niya kakaisip kung nasaan ang mga anak. Nang para bang narinig nila ang mga boses nila Cj at Ck at bigla nila nakita ang dalawa na nag-uunahan tumatakbo patungo sa kanila. "Mama, buti po at narito kayo. Akala po namin ay hindi na po namin kayo makikita ni Kuya Cj," "Mga anak, saan na naman ba kayo nagpunta. Nag-alala ako sa inyo nang husto," "Sorry po mama kasi kinuha po kami ng mga bad guy's at dinala po kami sa malayo pero nasira po ang sasakyan nila kaya nakatakas kami!" Napaluhod na tuloy si Amilah sa harap ng kambal at kan'ya niyakap ang mga anak saka niya napansin ang matandang lalaki na hawak ang kambal. Nagpakilala itong matandang lalaki na nagdala sa dalawang bata at sinabi na nakita niya ang kambal na palakad-lakad na parang may hinahanap. Naawa siya sa dalawang bata kaya tinanong niya ang mga ito at nang malaman ang mga nangyari sa dalawa ay kan'ya minabuti na dalhin ang mga ito rito sa presinto. Ang mga pulis ay inimbitahan muna ang matanda upang ito ay makuhanan nang salaysay para sa reporting nila. Nalaman nga nila sa kambal na after sila ihatid ng yaya nilang si May ay may lumapit na babae sa kanila at sinabi na ito ay bagong teacher sa school nila. Nagpatulong daw ang babae sa kanilang dalawa upang madala sa loob ng school ang iba nito na mga gamit kaya ang kambal ay sumama rito para kunin sa kotse ng babae ang mga dala nito. Pero hindi nila akalain na sila ay dadalhin sa isang lumang van at doon ay bigla na lang tinakpan ang bibig nila para sila ay mawalan nang malay. Nagising na lamang sila nang may nagtatalo dahil sa nasira ang sasakyan at sinisisi nito ang driver kung bakit luma at sirang van ang ninakaw nito. "Akala po nila ay natutulog pa kami pero ang totoo kami ni bunso ay binubuksan nang dahan-dahan ang pinto ng sasakyan at dahil nga po sa sila ay nagbabangayan kaya hindi nila namamalayan na kami ay nakatakas na pala." Kuwento ni Cj sa lahat nang tao naroon sa presinto. "Nakita kami ni Mr. Macabebe at tinanong niya kami kung kami ba ay nawawala. Kung alam namin ang address natin kaya sinamahan po niya kami dito." Ang paliwanag pa ng kambal sa mga naroroon na para ba natuwa sa dalawang bibo na bata habang sila ay nakikinig nang panghapon drama sa radio. "Thank you po talaga sa inyo Mr. Macabebe kasi kung hindi po ninyo nakita ang mga anak ko ay baka sila binalikan muli ng mga kidnapper!" sambit pa ni Amilah na nakangiti at para bang nabunutan nang tinik sa may lalamunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD