Pagdukot

1721 Words
Nagtagal pa sila Amilah nang ilang oras sa presinto dahil may mga pinakita pang mga larawan ang mga pulis dito sa dalawang bata pero wala roon ang mga tao na dumukot sa kambal. "Kayo ay aming tatawagan na lamang kapag nakuha namin ang lahat ng CCTV report sa lahat nang lugar na sinabi ng mga bata." Wika ng pulis na siya humahawak dito sa kaso nang pagdukot sa mga anak ni Amilah. "Sige po kami ay aalis na at sa inyong lahat salamat na muli." Turan nila Erron at Amilah sa mga pulis. Sumakay na ang mag-anak sa sasakyan. Ang matandang lalaki na nakapulot sa mga bata ay nauna sa kanila na umalis dahil ito raw ay may pupuntahan pa. Bago umuwi ay dumaan muna sila sa isang fast food chain para kumain dahil ang mga bata ay gutom na. Habang sila ay kumakain, ang dalaga ay nakatingin lamang sa mga anak na maganang kumakain. "Bakit hindi ka kumain diyan and your only looking at our children?" ani Erron sa dalaga na nag-aalala. "Hayaan mo na ako tingnan sila dahil matapos ang mga nangyari sa kanila ay doon ko naisip iukit dito sa aking isipan ang mga mukha nila na bata at wala pang inaalala sa mundo para dumating man ang panahon na sila ay lumaki na ay maalala ko pa rin sila," turan ni Amilah sa binata na para bang iiyak kaya hindi na umimik pa si Erron. Pagkatapos na kumain, sila ay umuwi na. Doon muna sa bahay nila Fate tumuloy sila Erron dahil hindi pa nakausap ni Amilah ang dalawang bata. Inasikaso muna ni Amilah ang dalawang bata para ang mga ito ay makatulog na. Si Fate at ang nanay nito ay pumunta ng hospital dahil sa executive check-up na regalo nitong si Erron. Ang binata ay lumabas muna ng bahay at tila ba mayroon tinawagan. Wala pa kasing natatanggap ito na tawag mula kay Luki, ang inutusan ni Erron para alamin kalagayan ng Tiya Melba niya. "Hello Luki, bakit hindi ka na sa akin tumawag? Kanina pa ako sa iyo naghihintay!" galit na bigkas ni Erron sa tauhan na si Luki. "Sorry po Sir at nasiraan ako ng sasakyan kaya po hindi ako kaagad nakarating sa hospital pero okay na po ang kalagayan ni Madam Melba ngayon," sagot nang kausap niyang si Luki kaya si Erron ay nakahinga na nang mabuti sa nalaman. "At tungkol po naman dito kay Ma'am Cristal, ang sabi po ng kanila kasambahay ay umalis daw po ito papunta sa ibang bansa matapos ang nabigo ninyong engagement." Natahimik si Erron at ewan ba niya pero nakaramdam siya bigla nang awa rito sa dalaga. Tinapos na nitong binata ang pag-uusap nila ni Luki at siya ay pumasok muli sa loob ng bahay. "Now, who wants to kidnap my children if my Aunt Melba is now in the hospital and Cristal is also not here in the country?" Tanong nitong binata sa sarili dahil ano man oras ay maari ito na maulit muli kung hindi nila kaagad mahuhuli ang tao na responsable sa pangyayari na ito. Si Amilah naman noon ay tapos nang paliguan ang mga bata at ito ay binibihisan na niya upang ang kan'ya mga anak ay makatulog na. "Mama, why is that bad uncle with you again?" nagtataka ito na tanong ni Cj sa ina. "Mga anak, alam na ng daddy ninyo ang tungkol sa inyong dalawa so from now on you should call him daddy!" Ang dalawang bata naman ay napatingin sa kanilang ina at kanila mga mata ay parang mayroon mga ningning na sumilay. "Paano po niya nalaman? Ang sabi po kasi ninyo ay huwag muna namin ito sasabihin sa kan'ya. What will happen now?" tanong pa nitong bata na si Cj sa ina na naiiyak dahil sa wakas ay makakasama na nang mga anak ang ama na matagal nang inaasam. "Gusto kasi ng inyong ama na mapalapit sa inyo mga anak so I hope you give him a chance to get to know you better!" Pakiusap ito ni Amilah sa mga anak na mukhang nag-isip na muna bago ang isa sa kambal ay nagsalita. "Basta po kayo ay hindi niya na paiiyakin ay okay lamang po sa amin, but if he hurts you again, we will not forgive him!" wika naman nitong si Ck na kahit gusto rin makasama ang ama ay hindi papayag na ang ina ay maagrabyado. "Paano na po ang magiging asawa niya ngayon alam na po nila na siya ang daddy namin, do we need to treat her well?" tanong muli ni Cj sa ina na biglang nanlaki ang mga mata. ""I thought you already made a way to ruin the engagement of your father and that woman. Why are you still asking?" nakangiti pa si Amilah habang sinasabi sa mga anak ito. Matalino ang kambal kaya nila nahulaan kaagad ang ibig sabihin ni Amilah kaya sila ay masasaya na nagsitawanan. "Mukha yatang masaya kayo rito puwede ba ako makisali sa inyong usapan because it looks like you're all having fun talking?" turan ng ama nila na bago pa lamang nakakapasok sa kuwarto. Lumapit si Erron sa dalawang bata pero lumayo ang kambal dito at tumabi sa nanay nilang si Amilah na naintindihan naman ng lalaki. "I'm sorry, for what I did to your mother, but the truth is that I love her very much!" Ang dalawang bata ay pareho nagkatinginan sa isat-isa at lumapit si Cj sa kapatid saka ito binulungan. "Don't repeat what you did to mom because we will be the ones to fight you!" Ang sinasabi ng kambal ay ang araw na mahuli nila ang lalaki in the act of treating their mother badly at hindi nila nakakalimutan ito. Napangiti pa si Erron dahil sa nakikita niyang pagmamahal ng mga anak kay Amilah kaya lumapit ito sa nanay ng mga anak niya at hinalikan ito sa noo. "You see, I love and respect your mom that's why we're even!" turan pa ni Erron sa dalawang bata. "Tatandaan po namin lahat ng iyong sinabi at sana nga totoo po lahat ng inyong pinapakita sa amin!" "At isa pa, huwag na huwag po namin makikita si mom na umiiyak or else banned ka na rito sa bahay, deal?" Lalong natuwa sa mga anak si Erron dahil hindi lamang matatalino ang mga ito kung hindi responsible pa. "Deal! And don't worry my sons dahil lahat nang aking mga sinasabi sa inyo ay totoo at kayo ay hindi ko kailanman ipagpapalit kahit kanino man," saka niyakap ni Erron ang mga anak at siya ay napaiyak rin dahil sa hindi niya akalain darating ang araw na ito. Ang kambal ay yumakap din sa ama nilang si Erron at para rito kay Amilah, napakaganda na sandali ito at kahit may mga agam-agam pa siya sa kan'yang dibdib ay itatabi na muna niya sa ngayon. "Mayroon sana akong gusto na itanong sa inyo mga anak, narinig ko na sinabi ninyo sa pulis na you can recognize the woman who lures both of you in the car of your abductors?" Tumingin si Amilah sa kambal dahil alam niya na matandain ang mga ito kaya kahit pa ang mga boses ng mga dumukot sa mga anak ay madali nila masasabi. Tumango-tango ang kambal na kinatuwa naman ni Erron. Matalino nga ang mga anak niya pero ito ay mga bata pa at mahina. May pinakita na picture sa cell phone niya itong si Erron at ito ang larawan noon isang taon sa birthday ng kan'yang Tiya Melba kung saan nagpakuha sila magkasama pero biglang napasama si Cristal doon sa picture siguro sinadya ito ng babae. Nag-uunahan naman ang mga anak niya sa paglapit upang makita mabuti ang picture na sinasabi sa kanila ni Erron. "Kilala po namin ito dahil ito ang nobya po ninyo at hindi po ito ang babae na nakita namin noong umaga sa school. Paglilinaw ni Cj sa ama nang makita nila ang picture sa cell phone nito bago nagsalita na muli ang bata tungkol doon sa babae. "The woman we are now talking about is young and younger than our Yaya May," sabi ni Cj bigla mayroon na naman naisip at nagtaas ito ng ulo. Si May na yaya nila ay nasa 18 years old pa lamang at palagi nito kinukuwento sa kambal ang naging debut niya last year. Mayroon bigla naalala ang isa sa kambal at ito ay ang plate number ng kotse na kasunod ng van ng mga dumukot sa kanila dahil nasa kotse na 'yon ang babae na sinasabi nilang dalawa. "When that bad guy covered my nose and mouth, alam ko na kaagad kung ano ito so I immediately played death at nang binuhat niya ako para ilagay na niya doon sa loob ng van ay nakita ko kinausap ng manloloko na babae iyong isa sa mga bad guy." Kuwento ni Cj sa ina at ama niya na natulala naman. "The woman was in another car and before it left I saw its number plate on the side like a taxi. But the one she was riding didn't have any lights on top like a regular taxi." Bigla napaisip si Erron dahil sa pinagtapat ng anak at ito ay isang palaisipan na sa palagay niya ay kailangan nang isang experto. "Nakasulat sa gilid ng taxi ang plate number nito katulad ng mga nasa taxi but that car has no lights on top." Wika muli ni Erron na parang nag-echo sa isip niya. Tumingin si Amilah sa lalaki at parang pareho sila nang naiisip sa mga oras na 'yon at kasabay pa sila na napasigaw nang maalala kung ano 'yon. "Header board, 'yon ang gusto sabihin ni Cj, nakasulat doon ang salitang taxi at may ilaw ito kapag may pasahero sa loob!" "Binggo! Ang talino talaga ng asawa ko. Ngayon isulat mo naman anak kung ano ba ang mga numero na natatandaan mo nakalagay doon sa gilid ng sasakyan," ani Erron sa anak na hindi mapakali dahil sila ay parang nasa isang mystery novel and they were the good guys solving it. Tumalikod ang isa sa kambal at kinuha ang notebook niya saka lapis para niya masulat ang plate number nitong sasakyan. "Eto po dad, ang gusto ninyo malaman but the first two letters that are written, are not clear to me dahil sa luma na ang sasakyan at para ba itong nabubura na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD