Kinabukasan lihim nagpunta si Erron sa presinto at siya ay nakipag-usap kay Capt. Rey Manzano para sa kaso ng mga anak niya.
Kinuwento niya rito ang mga usapan nila ng kan'yang mga anak kagabi at ito ay naroon para humingi nang tulong.
Kahapon kasi ay hindi na nila gaano natanong ang kambal dahil walang pumunta roon na mga social worker dahil busy lahat at inaasikaso ang mga biktima nang nakaraan na bagyo.
Si Capt. Manzano ang siyang nirekomenda nang kaibigan ni Erron na general. Mabait ang kapitan and approachable.
"Hayaan mo at paiimbestiga ko sa mga tauhan ko ang mga binigay mong information at isa pa, dahil sa narito na ang mga kuha sa CCTV ng mga lugar na sinabi ng kambal ay gusto ko makita mo,"
Pinakita ni Capt. Manzano ang mga kuha sa ibat-ibang lugar na sinabi ng mga bata pero ang mas tumatak dito sa binata ay ang kuha sa harap ng school nitong kambal.
Kitang-kita kasi ang paglapit ng isang babae sa mga anak niya at ang mukha ng babae ay tinandaan nang mabuti ni Erron.
Si Amilah naman ay papasok na sa hospital dahil tapos na ang leave na hiningi niya. Siya ay naglalakad sa may parking lot nang bigla siyang mayroon naramdaman na para bang may sumusunod sa kan'ya.
She turned to the right and also to her left but she saw no one. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya.
"Guniguni ko nga lamang ba ang lahat o ako ay napraning na dahil sa mga nangyari sa kambal!" bulong sa sarili ni Amilah na nagkibit-balikat na lamang.
Nasa opisina na siya at kan'ya nilapag ang bag niya sa may ibabaw ng mesa nang biglang mapansin ang isang sobre sa lamesa.
She was about to open it when she smelled something like slime in the envelope she was holding.
Nanginginig pa ang kan'yang mga kamay pero hindi niya alam kung bakit kaya siya ay huminga muna nang malalim bago binuksan ang sobre.
"Sulat lamang 'yan, bakit ka ba matatakot," ani Amilah sa sarili para hindi kabahan.
She opened the envelope, and there was a letter written in blood that was revealed.
"Patikim ko pa lamang 'yan kaya humanda na kayo!" ang nakasulat sa papel.
Nabitawan ni Amilah ang hawak na sulat at napatakip ang dalaga sa kan'yang bibig. She wants to scream but no sound came out of his mouth.
Dali-dali niyang tinawagan ang asawa pero wala itong narinig na sagot at muli niya tinipa ang numero nito sa pagbabakasakali na sagutin siya ng binata.
Si Erron naman pagkatapos na pumunta sa presinto ay dinalaw ang kan'yang Tiya Melba. Ito ay dinatnan niyang nakaupo na sa kama nito.
"Akala ko ay hindi mo talaga ako dadalawin dahil kahapon pa kita hinihintay dito!" turan ng kan'yang tiyahin na para bang nagtatampo.
"Sorry tiya pero mayroon kasi nangyari kaya hindi ako nakapunta rito saka kahit wala ako ay inutos ko naman sa mga tauhan ko na huwag ka pababayaan."
Huminga nang malalim ang tiya ni Erron at saka tiningnan nito ang pamangkin niya na umupo sa silya malapit sa kan'yang kama.
"Mag-usap tayo ngayon nang mabuti tungkol sa sinasabi mo na mga anak. Ano ba ang plano mo sa mga 'yon?"
Nanlaki ang mga mata nitong binata dahil para bang iba ang himig nang pagtatanong ng tiyahin sa mga salita nito.
"Kailangan pa po ba ninyo na itanong 'yan? Siyempre mga anak ko sila kaya naman lalakarin ko maging Ricafort na sila!"
Matapang nito na sagot dito sa tiyahin na bigla napahawak sa dibdib kaya si Erron naman ay lumapit para alalayan ito.
"Tatawagan ko ang doktor ng kayo ay matingnan," wika ni Erron sa tiyahin na nag-aalala at para siyang nagsisi sa mga inasal niya rito sa tiyahin.
"Huwag ka nang mag-abala pa dahil ikaw na rin ang siya pumapatay sa akin!" may halo na galit ang mga salita nitong tiyahin ni Erron.
"Sorry tiya sa susunod na lang siguro tayo muli mag-usap,"
Pagkalabas ni Erron sa kuwarto ng tiya niya, siya ay pumunta sa may nurses station at sinabi sa nurse na ang tiya niya ay nagrereklamo na masakit ang dibdib kaya ang nurse ay napatakbo kaagad dala-dala sa kuwarto ni Melba ang blood pressure monitor.
Umalis na siya sa ward na kung nasaan ang Tiya Melba niya. Kan'ya naisipan tingnan ang cell phone na pinatay niya dahil low bat na.
Bubuksan sana muli ni Erron ang cell phone para makita kung mayroon tumawag sa kan'ya pero namatay ito muli kaya wala siyang nagawa kung hindi ang pumunta sa kotse niya.
Sumakay siya ng kan'yang kotse at doon nirecharge ang kan'yang cell phone. Matapos ang ilang minuto ay nagbukas na ito at nakita niya ang mga missed call na galing dito kay Amilah.
Dali-dali niya itong tinawagan at nagulat siya dahil umiiyak ang babae na sumagot sa kan'ya at para itong takot na takot.
"Nasaan ka, ako ay pupunta na riyan kaagad?" tanong niya rito sa dalaga habang siya ay kinakabahan.
"Nasa hospital..."
Kaagad naman pumunta si Erron sa hospital kung saan nagtatrabaho si Amilah at pagdating niya kaagad siya sinalubong ng dalaga.
"May nangyari ba sa iyo, may masakit ba sa katawan mo?"
Lumapit siya kay Amilah at ito ay hinawakan niya sa braso saka ito tiningnan mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri.
Imbes umiyak ay natawa tuloy si Amilah sa inasta ni Erron at para ba siyang kinilig pa sa pinakita nito na concern sa kan'ya.
"Wala nangyari sa akin, mayroon kasi ako natanggap na sulat." Sabi ng dalaga saka niya pinakita rito sa binata ang sulat na kaagad naman tiningnan ni Erron.
Nanlaki naman ang mata nito nang mabasa ang sulat dahil hindi nila akalain sasalakay na kaagad sa kanila ang lihim nilang kaaway by sending death threats to Amilah.
Si Erron naman ay sinabihan si Amilah magpaalam muna sa director ng hospital na hindi muna papasok dahil sa natanggap na death threat.
Naintindihan naman ito ng kanilang director at pinayagan si Amilah na bumalik kapag kanila nang naayos ang mga problema.
Ang dalawa ay nagtuloy muna sa presinto para ipakita kay Capt. Manzano ang sulat na natanggap ni Amilah.
"Mukhang malaki ang galit ng tao na ito sa inyo dahil hindi lamang ang mga anak ninyo ang handa nito idamay kung hindi buong pamilya mo!"
Natulala ang dalawa dahil sa iyon din ang nasa isip nila at ngayon nga ay kailangan nila maging handa para na rin sa kaligtasan ng mga anak.
Pagkatapos nang isang oras na pag-uusap nila ng pulis pinayuhan sila nang kausap na dapat ay alisto sila sa ano mang oras at huwag sila aalis nang walang kasama.
"Paiimbestigahan ko pa kung saan galing ang sulat at kung may mga finger print kami na makita rito," sabi ng kapitan at umuwi rin kaagad ang dalawa sa bahay nila Fate.
"Mama, where did you go with dad?" tanong nitong si Ck namimilog pa ang mga mata.
"Your father and I did something important,"
"Sana po kami ay sinama ninyo so that we are not always at home."
"Hayaan ninyo sa susunod na lamang mga anak at kayo ay akin ipapasyal!" sagot kaagad ni Erron sa anak nang hindi na ito magtampo pa.
"Talaga po dad, Kuya Cj and I want that."
Bumaba sa hagdan si Fate na kasama ang ina at nagmano naman sa nanay ni Fate itong si Erron na siya kinagulat ni Amilah.
"Ang damuho, marunong pala na magpakita nang paggalang sa mga matatanda, huwag sana pakitang tao lamang ito," sa isip ni Amilah habang ito ay nakatingin sa ama ng mga anak niya.
Napangiti si Amilah bumalik sa alaala niya noong bata pa sila, ang lalaki ay mayroong masama na ugali pero nang dahil sa kan'ya ito ay unti-unti nagbago.
Napukaw nang tinig ng nanay ni Fate ang pagbabalik tanaw ni Amilah nang nakaraan nila ni Erron at siya ay tumingin sa dako ng kaibigan.
"Kumain na muna tayong lahat saka na kuwentuhan nang mapuno ang mga tiyan natin."
Matapos nilang lahat kumain ay nagpaalam si Erron kila Fate at dito sa nanay nito na sila Amilah at ang mga bata ay kukunin na niya para roon patirahin sa bahay niya.
Inaasahan na naman nila Fate 'yon at dahil mahal nila si Amilah at ang dalawang bata ay hindi sila tutol makasama ng mga ito si Erron.
"Saan po ba tayo pupunta?" si Cj ang nagsalita na humarap sa ama at nagtanong.
"Sa mansion ko tayo titira mga anak at hindi na tayo maghihiwalay pa!"
Tumingin ang anak niyang si Cj at alam niyang may gusto malaman ito kaya napalunok si Erron dahil sa natatakot siya na hindi magustuhan ng anak ang isasagot niya rito.
"Ayaw pala ninyo mawalay kami sa inyo pero bakit ang tagal po bago ninyo kami hinanap?"
"Puwede ba saka na lamang ninyo tanungin si daddy ninyo at pangako kapag naroon na tayo sa bago natin na tirahan ay sasabihin ko lahat sa inyo ang gusto ninyong malaman," pakiusap ni Amilah sa mga anak.
Ang dalawang bata ay hindi na umimik pa. Sa isip-isip nila marami pang pagkakataon at kaya pa nilang maghintay sa sinasabi ng nanay nila na oras.
Nag-eempake na si Amilah at kaharap nito ang kaibigan si Fate na tumutulong para siya ay mapadali sa pag-aayos niya nang mga gamit nila.
"Tama nga ba ang lahat nang gagawin kong ito, pangga?"
Kausap ni Fate si Amilah nang mga sandaling 'yon at ang dalaga ay may agam-agam pa rin sa kan'yang desisyon na sumama na kay Erron.
Pero sa kabila naman nito, alam niya na magiging ligtas ang kambal dahil sa dami ng mga bodyguard ni Erron sa loob at labas ng mansion.