Makalipas ang dalawang taon. . . Alastair’s POV Ang maaliwalas na kaharian ang unang bumungad sa aking paningin nang ako ay lumabas sa silid kung saan ilang minuto rin akong nanatili. Wala akong ibang mamataan kung hindi ang mga bulaklak na nakaayos sa bawat sulok nitong kaharian at nagbibigay iyon ng saya sa aking paningin. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay ito na yata ang pinakamagandang araw pa sa akin. Ang araw na noon ko pa hiniling. Gamit ang aking dalawang kamay ay inayos ko sa pagkakasuot ang aking suot na pormal na polo. Ito ay kulay puti. Mula doon ay bumaling akong muli sa tanggapan nitong aking kaharian. Alam kong kapag lalabas ako ay makakarating ako sa malawak na bakuran at mula doon ay makikita ko ang kakaibang ayos nito. Ang ayos na alam kong isang beses ko lang na

