Alastair’s POV Nagtagal nang ilang oras ang pagtitipon-tipon. Labis na saya ang siyang nararamdaman ko buong sandali. Lalo pa sa puntong ito ay tuluyan nang binalot ng masasayang mga halakhak ang aking kaharian. Makalipas ang ilang libong taon ay tuluyan na ring nawala ang matahimik na presensya nito. Ang matahimik at malamig nitong sulok ay tuluyan nang nagkaroon ng kulay. Kitang-kita ko mula sa mga mata ng dumadalo ang saya sa pangayayari. Pati ako ay masaya rin sa lahat. Ngayon ay totoong akin na si Sabrina at wala nang makakapigil pa sa akin. Pagmamay-ari ko na siya at pinapangako kong maging mabuting asawa ako at ama sa aming pamilya--- sa hirap at ginhawa ay nangaangako akong maging mabuting asawa at ama kay Ale at kay Sabrina. “Ama, inaantok na ako,” napabaling ako sa aking harap

