Miranda’s POV Naging masaya na rin ang lahat. Parang kailan lang ay narito ako sa gubat na ito at walang ibang nasa isipan kung hindi ang tanging pangamba nab aka isang araw ay tuluyan na akong mawala. Parang isang iglap lang ay nagbago ang lahat- - - masaya na kami ni Augustus at binibiyayaan na rin kami ng isang anak at iyon ay si Kalid. Si Alastair naman na tinuring naming kalaban noon ay hindi namin inakalang parte pala ng aming pamilya. Hindi ko lubos maisip ang lahat, sa sobrang bilis ng pangyayari at wala na akong ibang magawa kung hindi ang mapahugot na lamang ng hininga at hayaang balutin ng ngiti ang aking labi. “Handa na ba ang lahat? Si Kalid nasaan?” bungad sa akin ni Augustus. Mula sa kabilang parte nitong silid ay mabilis na bumaling ang aking paningin kay Augustus. Ngay

