bc

The Zodiac Sister - Aqua (The Hot Engineer)

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
arranged marriage
heir/heiress
drama
sweet
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang si Aqua Sullivan, pangarap na niyang maging katulad ng kanyang ate—ang iconic billionaire na si Gemini Sullivan. Sa apat na magkakapatid, si Aqua ang bunso. Noon pa man, napagkasunduan na ng kanilang pamilya na ipakasal siya sa bunsong anak ng matalik na kaibigan ng kanilang ama—Darius Durand.

Noon, okay lang kay Aqua. Magkasundo naman sila ni Darius, at tinatrato niya itong parang kuya. Limang taon siya noon, sampung taon si Darius. Pero habang lumalaki si Aqua, nagsimulang magbago ang lahat. Unti-unti niyang nakikita kung gaano ka-playboy si Darius—iba’t ibang babae, iba't ibang eskandalo. Hanggang sa tuluyan na niyang tutulan ang napagkasunduang kasal.

Pagkatapos ng high school, kinausap niya ang kanilang ama. Gusto niyang lumipad patungong Amerika para doon mag-aral, kasama ang kanyang ate na si Gemini. Hindi na niya kayang masaksihan araw-araw ang kasinungalingan at mga babaeng dumadaan kay Darius. At dahil mahal siya ng kanyang ama, pinayagan siya.

Samantala, si Darius ay tuloy lang sa pagiging Casanova. Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nabuntis niya ang isa sa mga babaeng naka one night stand niya. Hindi niya ito pinakasalan—pero kinuha niya ang bata sa pangangalaga, kapalit ang pera. Sa murang edad, naging single dad si Darius.

Habang lumilipas ang panahon, naging matagumpay si Aqua sa larangan ng engineering. Isa na siya sa mga pinaka-in-demand na civil engineers hindi lang sa U.S., kundi sa buong mundo. Samantala, si Darius ay naging CEO ng isa sa pinakamalalaking construction firms sa Pilipinas.

Hanggang isang araw, sa isang may isang malaking proyekto ni Gemini—magpapatayo siya ng isa pang Tower at gusto niyang si Aqua ang maging lead engineer. At ang kumpanyang hahawak sa konstruksyon? Pag-aari ni Darius Durand.

Muling magtatagpo ang kanilang landas. Muling kayang mabubuksan ang puso ni Aqua, magkakaroon kaya ng chance ang kanilang love story?

chap-preview
Free preview
Prologue
Aqua's POV Nang makatapos ako ng pag-aaral, naging matagumpay ako sa pinili kong larangan. Sobra-sobra ang suporta na nanggaling sa pamilya ko—lalo na kay Ate Gemini. Dahil sa kanya, unti-unti akong nakilala sa buong mundo bilang isa sa mga pinaka-sikat na engineer ng henerasyon ko. Isa ako sa mga nagplano ng bagong pinakamataas na building sa Saudi Arabia. Nasundan pa ito ng isa sa pinakamagagandang tower sa Japan. Mula Middle East hanggang Asia, kilala narin ang aking pangalan. Isang araw, tinawag ako ni Ate Gemini sa opisina niya. May gusto raw siyang pag-usapan. Mas lalo pang sumikat ang pangalan ni Ate sa buong mundo—hindi lang sa larangan ng negosyo, kundi pati narin sa pagiging philanthropy. Dito na rin sila nanirahan sa Amerika, kasama ang asawa niyang si Kuya Cassian at ang kanilang mga anak. Pagpasok ko sa kanyang opisina, agad akong sinalubong ng ngiti niya. "Hi, baby... come sit," bati niya, habang nakaupo sa malawak na leather chair. As usual, stunning pa rin si Ate. Parang hindi nagkaedad sabagay she just only 37 years old. Bihira na lang kami magkita lately, dahil kahit saang sulok ng mundo ako ma-assign, laging punô ang aking schedule. "Bakit mo pala ako pinatawag, Ate?" tanong ko habang umuupo sa katapat niyang sofa. "Dahil magkakaroon ako ng bagong project sa Pilipinas. Magpapagawa ako ng second tower, at gusto kong ikaw ang mag-lead sa engineering team," sagot niya. Napangiti ako. "Sure, Ate. Basta ikaw. I'm in." Panahon na rin siguro para makauwi. Minsan-minsan ko lang nakakasama sina Mommy at Daddy—madalas pa kapag sila ang nagbabakasyon dito sa Amerika, o kung sabay kaming mag-European getaway. Ang tatlo kong kapatid ay may kanya-kanya nang pamilya. Ako na lang ang dalaga sa amin. Pero okay lang, 27 pa lang naman ako. No rush. Correction—wala naman talaga akong balak makipagrelasyon anytime soon. Not when I’ve already seen how messy love can get. Nang ipinakita sa akin ni Ate Gemini ang blueprints ng bagong tower, agad akong nagsimula magplano at mag-estimate. High-level project ito, and I knew it had to be perfect. Hindi lang ito basta building—isa itong legacy. At higit sa lahat, pangalan ni Ate Gemini ang nakataya kaya maingat ko itong pinag aralan. Habang tinitingnan ko ang plans, nabanggit niya na may nakapili na raw na construction firm sa Pilipinas. Sabi pa niya, pagdating ko roon, may susundo sa akin at ihahatid ako diretso sa opisina ng contractor. Fast forward—ilang linggo lang ang lumipas, panahon na para bumalik ako ng Pilipinas. Pansamantala akong titira sa penthouse ni Ate Gemini sa Zodiac Tower. Wala kasi akong sariling bahay doon; matagal na rin akong hindi umuuwi sa Pilipinas. Sa Sullivan Mansion naman nakatira ngayon ang kapatid kong si Capri, habang sina Mommy at Daddy ay palipat-lipat ng bansa—minsan sa Europe kina Ate Aries, minsan dito sa Amerika, at paminsan-minsan ay umuuwi rin sa Pilipinas. Ako naman, settled na sa sarili kong penthouse sa New York, but this trip… this was different. It wasn't just a project. This was personal. Paglapag ng private jet ni Ate sa NAIA hangar, isang black luxury SUV agad ang lumapit sa tarmac. Nakasalubong ko ang malamig na hangin ng Maynila habang pababa ako ng jet, dala ang bag at blueprint case. Pero natigilan ako nang makita kung sino ang nakatayo sa tabi ng sasakyan. Darius Durand. Suot niya ang isang charcoal gray tailored suit, may hawak na tablet at shades na nakapatong sa ulo. Parang wala siyang pinagbago—tall, composed, confident. Still dangerously good-looking, and still carrying the same air of entitlement. Correction—mas lumala pa. "Aqua." Tumango siya, parang hindi rin makapaniwala na ako ‘yung sasalubungin niya. "Darius," sagot ko, flat ang tono. Walang ngiti. Walang drama. Gusto kong manatiling professional. "I was told to pick you up personally," dagdag pa niya, habang binubuksan ang pinto ng SUV. "Did Ate Gemini request that?" tanong ko habang sumasakay. "No. Your brother-in-law did. Kuya Cassian." Walang sagot ang lumabas sa bibig ko. Instead, tumingin na lang ako sa bintana habang umaandar ang sasakyan. Tahimik ang biyahe, pero sobrang ingay ng isip ko. Sa dami ng taong puwedeng humarap sa akin bilang contractor, bakit si Darius pa rin? "You look... different," biglang sabi ni Darius, breaking the silence. "So do you. But looks can be deceiving, right?" Hindi siya sumagot. Halatang naramdaman niya ang tinik sa tono ko. Good. Pagdating namin sa opisina ng Durand Construction, isang high-rise building. Ngayon ko naramdaman na nkauwi na pala ako ng Pilipinas. Andito ako para isang proyekto, at diko hahayaan paglaroan ako ng tanhana. This time, I wasn’t here as Aqua the little sister or Aqua the family friend. I was here as the lead engineer—and I was not going to let my past get in the way. Not even if the past was sitting two feet beside me, wearing a watch that probably costs more than my first project budget.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Angkol Douglas (SSPG)

read
29.5K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
46.8K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
111.6K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
95.9K
bc

SECRET AGREEMENT WITH MY HOT BOSS (SSPG)

read
7.3K
bc

Hot Nights with My Ex-Husband

read
110.0K
bc

RIDING MY FATHER-IN-LAW

read
37.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook