Chapter-01

1339 Words
Aqua's POV Limang taong gulang pa lang ako nang ipagkasundo ako ng mga magulang ko sa anak ng best friend ni Daddy. Si Tito Gino iyon, at ang anak niya ay si Darius Durand. Walo lang siya noon, pero para kaming magnet na hindi mapaghiwalay. Sa simula, magkasundo kami. Para akong baby sister niya. Lagi niya akong sinasabihan na huwag tumakbo nang mabilis, huwag maglaro sa putikan, huwag lumapit sa aso. Minsan pa nga, magkatabi kaming matulog kapag nagbabakasyon kami kasama ang pamilya niya. Tuwing nakikita iyon ng mga magulang namin, tuwang tuwa sila. Sabi nila bagay daw kami. Cute daw kami tingnan. Pero habang lumalaki kami, nagkakaroon na kami ng sarili naming isip. Unti unting nagbago ang closeness namin ni Darius. Tumuntong ako ng first year high school nang sampung taong gulang ako. Advance ako sa academics, kaya hindi na bago sa akin ang maaga ring pagpasok ni Darius sa mas mataas na level. Thirteen years old na siya noon at third year high school na. At doon ko unang nakita kung paano siya maglaro ng damdamin ng mga babae. Si Darius, ang batang dati kong katabi matulog, biglang naging campus Casanova. Iba iba ang babaeng kasama niya. hindi ako gusto ang path na tinatahak niya. At simula noon, ayoko nang marinig ang tungkol sa arranged marriage namin. Ayoko nang isipin na balang araw, baka mapunta ako sa kagaya niya. Kaya kinausap ko si Daddy. "Dad, can I study at ZIU instead?" tanong ko isang gabi, takot pero determinado. "Gusto ko po ng bagong environment." Hindi man sinabi ni Daddy, ramdam kong alam niya kung bakit. Pero pumayag siya. Sa wakas, makakalayo rin ako kay Darius. Akala ko tapos na ang problema ko. Pero hindi. Pagdating ni Darius sa Senior High, bigla siyang nag transfer sa ZIU. At doon tuluyang nawala ang peace of mind ko. Hindi ko makalimutan ang araw na iyon. Kakapasok ko lang sa classroom may ibinalita sa akin si Janine. "Aqua?" tawag niya pa sa akin ng pumasok siya sa room namin. "Alam mo bang may transfer student sa Senior High na section ng ate ko? Apelyido Durand." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Para bang sinampal ako ng tadhana. "Cute daw sabi ng ate ko. Silipin natin mamaya," dagdag ni Janine, may ngiti sa labi. "No. Ayoko, Janine. Sorry." Kita ko agad kung paano nagbago ang expression niya, mula sa excitement hanggang sa pagkunot ng noo. Alam niyang may itinatago akong ayaw ko pang sabihin. Lumabas ako sa hallway, pilit na pinapakalma ang mabilis na t***k ng dibdib ko. Hindi ko gustong isipin na siya iyon. Hindi ko gustong isipin na kahit dito sa ZIU, magkikita pa rin kaming dalawa. Masyadong maliit ang mundo ko para sa isang taong ayoko nang makita. Malapit lang ang STEM section sa High School Hall. Katunayan, kaharap lang ng building namin ang mga senior high classrooms. Which means malaki ang chance na magkasalubong kami. At hindi ko iyon hahayaang mangyari. Hindi ko hahayaang maulit ang gulo ng nakaraan. Kung may isang taong kaya kong asahan sa ganitong sitwasyon, si Lior iyon. Isa lang ang best friend ko, at siya iyon. Hindi man halata sa unang tingin, alam ko sa puso ko na bakla siya. Siya mismo ang umamin sa akin noon, umiiyak pa nga dahil natatakot siya na malaman ng pamilya niya. Anak kasi siya ng isang politician, at Secretary of Defense pa ang tatay niya. Sa pamilya nila, bawal maging mahina, bawal maging iba, bawal maging bakla. At ako lang ang nakakalam. Ako lang ang pinili niyang pagkatiwalaan. Kaya ngayong nasa ZIU na si Darius, may plano na ako. Gagamitin ko si Lior bilang harang. bilang shield. Para lumayo sa akin si Darius. Ayoko nang masangkot ulit sa mundo niya. Ayoko nang maramdaman ulit ang gulo, sakit, at kahihiyang dala niya. Bago ako bumalik sa classroom, huminga ako nang malalim. Kailangan ko ng strategy. Sakto namang pag pasok ko sa room ay dumating si Lior. Hinila ko si Lior palayo sa hallway dahil kailangan ko siyang kausapin. May idea na siya tungkol sa arranged marriage ko, pero hindi niya alam na si Darius Durand mismo ang fiancé na tinatakbuhan ko. "Come, let's skip school," sabi ko, hindi na nagpaligoy. Hindi kami madalas lumiban, pero kapag ginawa namin, walang nagyayari sa amin. Anak ako ng may-ari ng school at consistent honor student. Kahit absent ako, masipag ako sa aking pag-aaral minsan tinatanong lang ako ng teacher at sinasabi ko masama pakiramdam ko. "Where are we going?" tanong ni Lior habang sinusundan ang bilis ng lakad ko. "Let's go to our café." Yes, may sarili kaming café ni Lior. Binili namin iyon noong ibinenta ang coffee shop na nasa tapat mismo ng school. Sinabi ko kay Daddy na gusto namin iyon, at natural, binili niya agad. Ipinangalan niya sa akin, pero hati kami ni Lior sa ownership. Para sa amin, hindi iyon negosyo. It was our safe space. Our escape. May sarili kaming maliit na office sa second floor. Minsan doon kami tumatambay, nagsusulat, nag-aaral, or nag-uusap ng mga bagay na hindi namin pwedeng sabihin sa iba. Kahit ang ibang kaibigan namin, doon rin dumediretso kapag gusto nila ng tahimik na lugar. May manager naman kami na si Daddy rin ang pumili, kaya smooth ang takbo ng café. Sabi ng marami, spoiled daw ako ni Daddy. Hindi ako galit sa label na iyon, kasi to be honest, totoo naman. Kasi siguro dahil bunso ako, mashado akung bini baby ni Daddy. Hindi strikto si Daddy pati narin si Mommy. Minsan napapagalitan niya ako kapag nalalaman niyang lumiliban ako, pero nawawala rin iyon pag sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Sa totoo lang, kami na lang ni Ate Capri ang nasa poder nila. Ang panganay naming si Ate Gemini ay nasa America, pati narin si Ate Aries, nag aral siya doon para maging modelo, at doon na rin nagstay. Si Ate Capri, ang third child, ang nagpasya na manatili sa ZIU. Training ground niya raw ito para balang araw, siya ang papalit kay Daddy bilang Chairman. Sanay siya sa pressure at siya talaga ay may passion para palitan si Daddy bilang Chairman. Dahil ang panganay namin na si Ate Gemini ay may sariling empire sa USA. Ako? Gusto kong sundan ang yapak ni Ate Gemini. Gusto kong mag-aral sa America pagdating ng college. Gusto kong magkaroon ng buhay na ako mismo ang pumili, hindi iyong napilit lang dahil sa arrangement na matagal nang naka-ukit para sa akin. Habang papunta kami sa café, huminga ako nang malalim. Kailangan kong sabihin kay Lior ang totoo. Kailangan kong sabihin kung sino ang fiancé ko. At higit sa lahat, kailangan ko ng tulong niya para hindi ako gugulohin ni Darius. Pagdating namin sa café, sinabi ko agad sa staff na dalhan kami ng favorite drinks namin ni Lior. Pagkapasok namin sa office, agad siyang humarap sa akin. "Now, tell me why this is so sudden?" tanong ni Lior, hindi na nagpatumpik. "Do you remember what I mentioned before about my fiancé?" sabi ko. "Yeah. Bakit? Ikakasal na kayo?" napasigaw pa siya. "No! F-way. Over my dead body," sagot ko, halatang iritado. "So what is it then?" balik niya. "Nasa ZIU siya. He transferred here. I don’t know what his reason this time," sabi ko habang nakahalukipkip. "OMG. That Casanova guy, huh?" Umirap si Lior. "So what can I do to help you?" "Can you pretend to be my boyfriend?" diretso kong sambit. "OMG. Seriously? Don’t joke like that." Umiling iling pa siya sa gulat. "Yes, I’m serious. Please, Lior. Help me," pakiusap ko. "Paano kung suntukin niya ako?" tanong niya, nag aalala. "I will not let him touch you. I promise." "Siguraduhin mo lang," sabi niya, nanginginig ang boses pero trying to be brave. "Yes. I promise." "Ok. Fine." "Thank you, Lior." Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Normal lang sa amin iyon, walang malisya kahit konti. Sa wakas, may sagot na ako sa problema ko. Bahala ka, Darius. Basta ako, ayoko nang mag-cross ang landas natin, bulong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD