Chapter-02

1345 Words
Aqua's POV Mag-aalas-tres na ng hapon nang bumaba kami ni Lior mula sa pahingahan namin dito sa aming café. Agad akong natigilan nang makita ko si Darius na nakaupo sa isa sa mga table. May kasama siyang babae—ang kapatid ng kaibigan ko na si Janila. Hindi ko mapigilang mainis nang makita ang pagmumukha ni Darius. Mukhang napansin ni Lior ang reaksyon ko kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko para pakalmahin ako. Nakita kong napakunot ang noo ni Darius; bakas sa mukha niya ang iritasyon, pero wala akong pakialam. Nagpatuloy kami sa pagbaba at dumiretso ako sa counter para bayaran ang mga kinuha namin kanina. Kahit pagmamay-ari namin ang café, kailangan pa rin naming magbayad bilang bahagi ng protocol. Nagulat na lang ako nang biglang lumapit si Darius. "Aqua!" tawag niya sa akin, pero hindi ko siya pinansin. Ano bang kailangan niya? My God! sigaw ng isip ko. Pagkatapos kong magbayad, akmang lalabas na kami ni Lior nang bigla niyang hilitin ang kamay ko. "What's your problem?!" inis na sambit ko. "Why are you ignoring me?" tanong niya na may halong inis din. "I can do whatever I want. Excuse me, uuwi na kami," sagot ko sabay bawi ng kamay ko. "No, not a chance. Who the hell is this guy? Do your parents know about this?" pagmamatigas niya. "Well, yeah. And he's my boyfriend. He’s been to my house many times, kaya huwag kang makialam," sarkastiko kong sagot. "Well, does he know that you're engaged?" Nakakaasar niyang tanong. Inirapan ko siya nang matindi. "Hindi mo ba alam? I already informed my parents to break the engagement because I don't want it!" Pagkasabi noon ay mabilis kaming umalis ni Lior. Hinding-hindi ko mapigilang mapadiyak sa inis dahil alam kong maraming nakarinig sa amin sa loob ng café. Maraming estudyante doon at ayaw na ayaw ko talagang may makaalam na ang mga magulang namin ang nag-ayos ng kasal na iyon. Dali-dali kaming lumabas ni Lior. Akala ko hindi sumunod si Darius, pero pagkalabas ko sa aming café, nagulat ako nang may humawak sa aking kamay na hawak-hawak ni Lior. Paglingon ko, si Darius pala iyon, kaya binawi ko agad ang aking kamay. "What do you think you're doing, huh, Darius?" sambit ko sa kanya. Hindi siya umimik; bagkus, kinarga niya ako na parang isang sakong bigas papunta sa kanyang sasakyan. Pinaupo niya ako sa harapan at nilagyan ng seatbelt. "Don't plan to escape, dahil sasagasaan ko 'yang lalaki mo," sambit niya sa akin. Ayokong mapahamak si Lior, kaya sumunod na lang ako. Nang makasakay siya sa kanyang sasakyan hindi ako umimik, bahala siya pamanis ang kanyang laway. I hate how treated me and i will not talked to him. Pag siya ok lang pag ako akala mo kataposan na ng mundo. Tsaka hindi niya ba alam na ayuko ko na sa kanya. "Next time, I saw again with that guy, I will punch him." sambit niya habang. Diko siya pinakingan, ipinikit ko aking mata para hindi na siya magsalita. Hanggang sa nakarating kami sa mansion namin, hindi ko man lang siya kinibo. Pag-hinto pa lang niya sa aming driveway, agad akong bumaba ng sasakyan at tumakbo papasok ng bahay. Noong bata pa lang kami, mabait naman si Darius. Kaya nga napa-oo ako noon—baby niya ako, at palagi niya akong binabantayan. Pero nagbago ang lahat nang pumasok ako ng high school. Doon ko nalaman na playboy pala siya. Kaliwa’t kanan ang babae niya. Minsan pa nga, nakita ko siyang may kahalikan sa hallway ng school. Simula noon, pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko na siya magugustuhan, at ayokong pumayag na makasal kami balang araw. Pagpasok ko sa aking kwarto, agad kong tinawagan ang kaibigan ko. Tinanong ko siya kung okay lang ba siya. Tumili naman ang gaga kong kaibigan—palibhasa, isa siyang bakla. “Ang gwapo pala ni Darius, bessy! Kaya pala ang daming nahuhumaling sa kanya,” sambit ni Lior. “Gaga, pati ba naman ikaw?” irap kong sagot. “Friend, alam mo namang gwapo ang kahinaan ko. Sorry na—‘wag ka nang magtampo, okay?” sagot niya sa kabilang linya. Napailing na lang ako. Well, hindi ko rin naman siya masisi. Dahil totoo namang gwapo si Darius. Napabuntong-hininga na lang ako habang napatingin sa kisame. Gusto ko na talagang umalis ng Pilipinas—para hindi na niya ako muling guluhin. Humiga ako sa kama, nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha niya. Nakakainis. Kahit anong pilit kong iwasan, parang palagi siyang sumusulpot sa mundo ko—parang aninong ayaw akong tantanan. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang email app. Matagal na itong na-send ni Ate Gemini; kailangan ko na lang itong i-fill up at i-send pabalik sa kanya. Isa itong university application na nirekomenda niya sa akin. Sabi niya, maganda raw ito para sa may planong mag-aral ng Civil Engineering. Alam naman ng pamilya ko na pagkatapos ng high school, sa America talaga ako papasok ng college. Nakapag-submit na rin ako ng college applications sa iba’t ibang university. Pero gusto ni Ate Gemini na doon ako mag-aral—sa MIT—para raw malapit ako sa kanya. Kabilang ang MIT sa mga top university pagdating sa engineering. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko sana sa Stanford University. Gusto kong maging independent, gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong tumayo nang mag-isa. Sabi naman ni Ate, ako raw ang magde-decide kung saan ako mag-aaral. Kapag natanggap ako sa MIT o Stanford, kailangan kong pumili kung saan ko gustong tahakin ang future ko. Huminga ako nang malalim at sinimulang sagutan ang form. Pangalan ko. Background ko. Pangarap ko. Sa bawat tanong, mas lalong luminaw sa isip ko na hindi ko na pwedeng ipagpaliban ang paglaki ko. Maya-maya, may pumasok na message sa phone ko. Ate Gemini: “Take your time, okay? Kahit saan ka mapunta, I’m proud of you.” Napangiti ako nang bahagya. Sa unang pagkakataon sa gabing iyon, gumaan ang dibdib ko. Hindi pala ako nag-iisa—kahit piliin kong lumayo. Pinindot ko ang Save Draft imbes na Send. “Bukas,” bulong ko sa sarili ko. “Kapag mas malinaw na ang puso ko.” May dalawang taon pa naman akong pag-iisipan kung saan ako mag-aaral, pero gusto ko nang maging advanced kaya nag-submit na ako ng application. Lumipas ang ilang taon at patapos na ako ng Senior High School. Maraming nangyari sa mga nagdaang panahon, pero kami ni Darius ay hindi pa rin nag-uusap. Mas lalo na noong nalaman kong nakabuntis siya—sobrang diring-diri ako sa kanya. Kaya simula noon, hindi ko na talaga siya pinansin; kahit sa mga family gatherings ay pilit ko siyang iniiwasan. Noong nakaraang taon naman, nabaril si Daddy. Takot na takot ako dahil akala ko ay may masamang mangyayari sa kanya. Pagkatapos noon, umuwi ang panganay naming kapatid na si Ate Gemini. Sa hindi inaasahang pagkakataon, na-inlove siya sa kapatid ni Darius na si Kuya Cassian. Pero naaksidente si Kuya Cassian at nawalan ng alaala, kaya na-heartbroken si Ate Gemini. Ang mas malala pa, nabuntis ang ate ko. Hindi alam ng mga Durand ang tungkol doon dahil ayaw ipaalam ni Ate Gemini. Kahit bumalik na ang alaala ni Kuya Cassian, hindi pa rin sila naging okay. Bukas na ang graduation namin, pero hindi ako dadalo. Kinausap ko na ang mga magulang ko na lilipad na ako papuntang USA. Si Lior naman ay doon din mag-aaral, partikular sa New York, dahil Fashion Design ang kukunin niya. Sa wakas ay nalaman na rin ng pamilya niya ang tungkol sa kanyang kasarian; akala namin ay bubugbugin siya, pero tinanggap naman siya ng kanyang mga magulang at kapatid. Alam niyang sa USA rin ako mag-aaral—syempre, best friend ko siya. Mauuna lang ako roon dahil dadaan muna ako sa Zodiac Island para dalawin ang aking mga pamangkin. Pagkatapos noon, tutuloy na ako sa Massachusetts para ayusin ang aking pag-aaral. I’ve decided na sa MIT (Massachusetts Institute of Technology) na ako papasok matapos ma-reject ang application ko sa Stanford University.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD