Aqua's POV
Ito ang araw ng aking lipad papuntang USA, sabay ko ang aking parents. Sabi pa ni Daddy, wala pa raw ang kapatid ko sa NYC, kaya sasamahan muna nila ako. Hindi pa raw uuwi si Ate Gemini—baka next year pa raw siya bumalik sa NYC kasama ang aking mga pamangkin.
Nang makasakay na kami sa airplane, nakatanggap ako ng messages mula sa group chat naming magkakaibigan.
Janine: Girl, ang daya mo. Ngayon pala alis mo papuntang States, hindi ka man lang nagpaalam.
Claire: OMG! Aqua, hindi mo man lang kami sinabihan.
Lior: See you, bessy, sa USA.
Janine: Ikaw rin, bakla?
Lior: Yes!
Claire: Ang daya n’yo. Ako naman sa UK mag-aaral, kinuha ako ng kapatid ko.
Me: Wow, good luck, girl.
Janine: So ako lang pala dito sa Pinas. Ang daya.
Lior: Don’t worry, we will see you after we graduate.
Claire: Yes, Janine…
Me: See you soon, friends. Flight na namin. See you soon, guys.
Pinatay ko na ang phone ko, saka pumunta sa page ng school namin at pinanood ang graduation—dahil naka-live ito. Nahagip pa ng mata ko si Darius, palinga-linga, habang nakakapit sa kanya ang kapatid ni Janine na si Janila. Napailing na lang ako.
Maya-maya, tuluyan ko nang pinatay ang phone ko dahil magte-take off na ang private plane namin.
Bye for now, Philippines. See you when I see you, sambit ng isip ko.
Sa ngayon, wala muna akong planong mag-build ng career sa Pilipinas. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan, pero isa na siguro rito si Darius.
Oo, alam kong ang paghanga ko sa kanya ay nagsimula pa noong bata ako—at hanggang ngayon, may natitira pa. Pero hindi ko kayang aminin iyon, lalo na dahil sa pagiging babaero niya.
At nang malaman ko pang may nabuntis siya, doon tuluyan akong nawalan ng respeto sa kanya. Umiyak pa nga ako noon nang malaman ko iyon mula kay Mommy.
Alam iyon ng aking mga magulang—alam nilang may nararamdaman ako para kay Darius, pero nasaktan ako. Sobra.
Pumikit ako habang unti-unting umaangat ang eroplano.
Ramdam ko ang bahagyang pagbigat sa dibdib ko—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa mga bagay na kailangan ko nang bitawan.
Hindi lahat ng first love ay kailangang ipaglaban.
May mga damdaming mas mabuting iwanan, hindi dahil mahina ka—kundi dahil pinili mo ang sarili mo.
Hinawakan ni Mommy ang kamay ko.
“Proud kami sa’yo,” mahina niyang sabi.
Ngumiti ako, kahit may luha sa gilid ng mata ko.
“I’ll be okay,” sagot ko—at sa unang pagkakataon, naniwala ako sa sarili kong sinabi.
Sa USA, sisimulan ko ulit ang buhay ko.
Walang Darius, at walang memory sa nakaraan.
Kung may natira mang alaala, iiwan ko na iyon sa ere—kasabay ng paglayo ng Pilipinas sa bintana ng eroplano.
At habang papalayo kami, isang bagay ang malinaw sa akin:
Pinipili ko lang ang sarili ko.
Lumipas ang ilang taon ng pananatili ko sa USA, at tuluyan ko nang natapos ang aking pag-aaral. Wala na akong balita tungkol kay Darius. Ang huli kong naaalala, dalawang taon na ang nakalipas nang umuwi kami sa Pilipinas dahil birthday ni Mommy.
At oo, nagkita pa rin kami ni Darius. Pero kapal ng mukha niya, dahil naki-alam pa siya sa amin noong gabing nag-bar kami nila Ate Gemini. Simula noon, hindi na ako lumabas ng mansion hanggang matapos ang birthday ni Mommy.
Nang magkaayos sina Ate Gemini at Kuya Cassian, bumalik ako noong kasal nila ng civil wedding dahil gusto kong masaksihan ang kasal nila pagkatapos ay bumalik na ako sa USA.
Ng makapagtapos ng pag-aaral, ipinasok ako ni Ate Gemini sa firm ng kaibigan niya, isa sa mga pinakakilalang construction company sa USA.
Doon ako nagtrabaho. Sa totoo lang, si Ate Gemini ang nag-introduce sa akin kay Rich Kenny, pero hindi ako nakapasok dahil sa koneksyon, nakapasok ako dahil sa kakayahan ko.
Binigyan niya ako ng trial at ilang araw para tapusin ang task, pero natapos ko iyon nang hindi man lang umabot ng isang linggo. Doon ako lubos na pinaniwalaan ng boss ko, si Rich.
Simula noon, kung saan-saan na niya ako ipinadala para sa mga projects. Sa una, sa USA lang. Hanggang sa umabot na ako sa Middle East at Asia.
Maayos ang buhay ko sa USA. Noong nakaraang taon, umuwi na sa Pilipinas ang best friend kong si Lior, at doon niya ipinagpatuloy ang pagiging fashion designer.
Si Claire naman, nakapag-asawa ng isang British businessman. Nagkita kami last year dito sa NYC nang magbakasyon sila kasama ang asawa niya at ang kanilang dalawang anak.
Si Janine naman, ang huling balita ko sa kanya, nabuntis siya noong college habang nag-aaral pa, pero tinapos naman daw niya ang kurso niya. Ngayon, teacher na siya sa isang public school sa Manila.
May group chat pa rin kami, maliban kay Janine. Sabi pa ni Claire, parang nahihiya raw siya dahil siya lang daw ang nahihirapan sa buhay ngayon.
Pero para sa akin, kung masaya ka naman kahit hindi ka mayaman, wala namang problema. Aanhin mo ang pera kung hindi ka masaya?
Ako nga—nag-enjoy na lang ako sa work ko. Pero sa totoo lang… I feel empty inside.
Gabi-gabi, pagkatapos ng mahabang araw sa site o sa office, umuuwi ako sa apartment na tahimik, masyadong tahimik.
Walang ingay ng tawa. Walang tanong kung kumusta ang araw ko. Tanging ilaw ng lungsod sa labas ng bintana ang sumasagot sa katahimikan ko.
May trabaho ako. May pera.
Pero may kulang.
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging ganito ang pakiramdam, parang may espasyong hindi mapunan ng tagumpay. Siguro dahil inuna ang pagiging matatag, ang pagiging “okay,” ang pagiging matagumpay… at nakalimutan ko kung paano mag mahal.
Minsan, napapaisip ako... Iniwan ko ba ang Pilipinas para sa pangarap ko?
O tumakas ba ako mula sa taong walang ginawa kundi saktan ako.
Nagulat ako sa tunog ng telepono ko habang nasa malalim akong pag-iisip. Nang tingnan ko ang phone ko, si Ate Gemini ang tumatawag.
Me: Hello?
Gemini: Hi, bunso. Kumusta ang hot engineer namin?
Me: I’m fine. Kakauwi ko lang.
Gemini: Kailan ka naman bibisita sa Zodiac Mansion?
Me: Next week, Ate. Okay na schedule ko.
Gemini: Okay, but I want you to come to my office tomorrow.
Me: Why?
Gemini: For a big project. I already informed Rich about it.
Me: Okay then. I’ll come tomorrow.
Gemini: Morning, okay?
Me: Done.
Gemini: Bye. I love you.
Me: I love you too.
Pagkatapos kong ibaba ang telepono, may natanggap akong message mula sa boss ko:
“Gemini requested you. She has a big project, and she needs your assistance. You can go there.” sabi niya.
Nag-reply naman ako.
Ang pagkakaalam ko, ang proyektong ito ay may ipapatayo si Gemini—bagong headquarters—pero hindi ko alam kung saan. Kinabukasan, pagkagising ko, pupuntahan ko siya agad.
Habang papunta ako sa study room ko, nag-request ako ng milk sa helper namin. Nang makaupo ako sa study table, binuksan ko ang social media ko. Bumungad sa akin ang message ni Lior: isang photo ni Darius na may kasamang babae. Nag-reply ako.
Me: Why do I care?
Lior: 😂 Wala lang, inaasar lang kita. Hindi ka pa rin nakaka-move on.
Me: Hoy! Matagal na akong naka-move on!
Lior: Talaga ba?
Me: [sent an FU hand emoji]
Lior: 😂 laugh emoji
Hindi na ako nag-reply dahil mas lalo niya akong aasarin kapag pinatulan ko pa. Nang isara ko na ang Mac ko, napasandal ako sa swivel chair. Naka-move on na ba ako? tanong ko sa sarili ko.
Actually, noong nakita ko yung sinend ni Lior, parang may kumirot sa dibdib ko. I think… hindi pa ako naka-move on kay Darius.
Napabuntong-hininga ako at pilit kong kinontrol ang expression ko. Ayokong aminin, pero totoo—may parte pa rin sa’kin na naapektuhan kapag si Darius ang dumadaan sa harap ng mata ko.