(WARNING: SPG) Chapter Fifty Two SANYA PANIBAGONG umaga na naman at napakasarap sa pakiramdam ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Hindi pa naman iyon masyadong mahapdi kaya ayos lang. Kahit papaano ay may nakukuha pa rin naman akong vitamin E. Nagising ang diwa ko nang makitang si Mon ang katabi ko sa kama. Maraming benda ang kanyang mukha at katawan. Naalala ko ang nangyari kagabi. Naaksidente siya. I can't imagine the horror on my face that night when I read the message from his friend. Iniisip ko pa lang na mawawala siya sa akin ay ikamamatay ko na iyon. Nag email na rin ako kay Prof Cruz tungkol sa hindi ko muna pagbyahe at pagpasok sa OJT ng isang Linggo. Naiintindihan naman niya ako kaya siya na raw ang bahalang kumausap sa nakatalagang supervisor namin. Babawi na

