------ ***Lhea's POV*** - "Please… 'wag mo akong takutin ng ganito," sabi ko sa pagitan ng nginig at sakit. Nanggigigil ang tinig ko sa damdaming pilit kong kinikimkim. "Pangako—pangako ko sa’yo, susugal na ako muli sa pagmamahal ko sa’yo. Basta maging maayos ka lang." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Isa… dalawa… hanggang sa tuluyan nang bumuhos ang lahat. Wala na akong lakas na pigilan pa ang sakit na bumalot sa akin. "Please, Elixir… gumising ka. Sana magiging okay ka lang." sabi ko sa isip ko, umaasang maririnig niya kahit na sa diwa lang. "Wag mo naman akong takutin. Sana… sana bahagi lang ito ng drama mo. Pangako ko sa’yo, hindi ako magagalit. Hindi ako aalis kung saka- sakaling bahagi lamang ito ng drama mo." ------------ Nakatulala ako

