C100: Operasyon!

1806 Words

------ ***Lhea's POV*** - Kahit ayaw ko nang marinig ang rason ni Elixir kung bakit nagawa niyang piliin si Megan noon, nagpaliwanag pa rin siya sa akin. Ayaw ko na sanang marinig ang paliwanag niya—hindi na kailangan. Para sa akin, tapos na ang bahaging iyon ng buhay ko. Ang tanggapin siyang muli, hindi na nakabase sa paliwanag, kundi sa puso kong, kahit anong pilit kong tanggihan, siya pa rin ang hinahanap. Pero kahit hindi ko na iyon hiniling, pinili pa rin niyang ipaliwanag ang lahat. Sa panginginig ng boses niya, alam kong piniga niya ang sarili para lang mailabas ang bigat sa dibdib niya. “Pumirma man ako sa annulment paper noon…” mahina niyang sabi habang hindi makatingin sa akin, “…hindi ibig sabihin na pinili ko si Megan. Ginawa ko iyon para tuluyan akong makawala sa pangako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD