--------- ***Lhea's POV*** - Nararamdaman ko pa rin ang matinding pagkahilo at panghihina habang bumabalik sa aking cubicle mula sa restroom. Kanina lang ay bumaliktad na naman ang sikmura ko, at napilitang akong magsuka. Alam kong namumutla na ako dahil sa sama ng pakiramdam, kaya bago tuluyang bumalik sa trabaho, huminga muna ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Pagkaupo ko pa lang, dumating si Mrs. Santos, ang head ng accounting department. May iniabot siyang mga dokumento na kailangang pirmahan ni Elixir—mga financial statements ng kompanya para sa nakaraang buwan. Kahit medyo mahina pa ang pakiramdam ko, nagpasya akong dalhin na ang mga papeles sa opisina ni Elixir upang matapos agad ang kailangang ayusin. Habang papalapit ako sa opisina ni Elixir, napansin kong

