------ ***Lhea’s POV*** - Madilim ang paligid. Tahimik. Kaya’t rinig na rinig ko ang malakas at mabilis na pintig ng puso ko. Nasa loob kami ng kotse ni Jared—nakaparada sa isang tagong bahagi kung saan halos hindi na tumatagos ang ilaw mula sa kalsada. Mula rito, kitang-kita ko siya. Si Elixir. Nasa ilalim siya ng punong mangga. Nakaupo sa upuang gawa sa kawayan sa bakuran ng bahay ng pamilya ng yaya kong si Marcela. Nakahilig ang likod niya sa puno, para bang nasa sarili siyang mundo. Para bang... feel na feel niya na parang bahay niya iyon. Sa itsura niya, malinaw na hindi siya nagbibiro kanina nang sabihin niyang hindi siya aalis hangga’t hindi ko siya hinaharap. Napakuyom ako ng kamao. Halos habol na ang hininga ko sa sobrang inis. Parang may humihigpit sa dibdib ko, at tila b

