-------- ***Stacey's POV*** - Hindi ako umuwi sa condo ni Alexander—ang lugar kung saan kami pansamantalang naninirahan bilang mag-asawa. Sa halip, dumiretso ako sa sarili kong condo unit. Mas pinili ko ang katahimikan ng personal kong espasyo kaysa sa presensyang nagdudulot lang ng bigat sa dibdib ko. Wala akong lakas na natitira para makipagtalo pa sa kanya. Sumasakit pa rin ang ulo ko, bunga ng sobrang pag-inom ko kagabi. Kaya naman, minabuti kong huwag munang pumasok sa opisina. Kailangan kong magpahinga—isang bagay na hindi ko na nagagawa nitong mga nakaraang araw dahil sa sunod-sunod na pagod at stress. Ngunit kakapasok ko pa lamang sa loob ng unit ay sunod-sunod na tunog ng doorbell ang gumambala sa katahimikan. Agad kong naramdaman ang pagtaas ng inis at pagkainis. Wala talaga

