------ ***Stacey's POV*** - Tatlong araw na. Tatlong araw nang walang paramdam si Alexander. Ni isang text. Ni isang tawag. Hindi man lamang niya ginawa na parang hindi ko siya asawa. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame, habang paulit-ulit kong sinusubukang kumbinsihin ang sarili kong wala akong pakialam. Na hindi ko siya iniisip. Na hindi ko siya hinahanap. Pero kahit anong pilit kong itulog ang gabi, kahit ilang ulit kong pumikit at nagpanggap na pagod na pagod na ako, hindi ko mapigilan ang sarili kong tanungin—kumain kaya siya? Ayos lang kaya ang lagay niya? Ano kaya ang ginagawa niya sa Cebu? Busy ba siya kaya hindi niya ako nagawang tawagan? Umangat ang kamay ko at kinuha ang cellphone sa side table. Ilang ulit kong binuksan ang inbox, tinititigan ang walang laman na me

