----- ***Stacey’s POV*** - Nasa hapag-kainan kami ni Alexander. Siya mismo ang naghanda ng agahan naming dalawa—sinangag, itlog, longganisa, at may prinitong tuyo pa talaga. Amoy pa lang, nakakagutom na. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya habang abala siya kanina sa pagsasaing. Para bang natural lang sa kanya ang lahat ng ito. Ako? Wala akong alam sa ganito. Lumaki akong pinagsisilbihan ng maraming kasambahay. Pag-gising ko, nando’n na agad ang pagkain sa tray. Wala akong kaalam-alam sa kahit anong gawaing bahay, lalo na sa pagluluto. At mula nang lumipat ako sa condo unit ko, kape lang ang kasama ko tuwing umaga. Hindi talaga ako sanay sa breakfast. Kapag nagugutom, drive-thru ang solusyon. Pero heto ako ngayon, may kanin sa plato. At ang lalaking kaharap ko… hindi ko inakalang n

