C3: Iniwan

1425 Words
--------- ***Lhea's POV*** - Ngayon araw na ito ang pagbalik naming dalawa ni Elixir sa Pilipinas. Dahil walang direktang flight patungo roon, kailangan naming mag-layover sa Hong Kong, kung saan sasakay kami ng ikalawang flight papunta sa Pilipinas. Nakakapagod ang biyahe, lalo na’t hindi namin alam kung gaano katagal ang aming layover. It would have been so easy to call my cousin Yohan to pick me up with a private plane in Hong Kong, but I couldn’t do that. I had to remember that I was Lhea now, not Cathleya. Nakaupo kami ni Elixir sa isang bench sa waiting area ng airport habang naghihintay sa aming flight, na na-delay ng humigit-kumulang 30 minuto hanggang isang oras. Napag-alaman naming pinalitan ang co-pilot dahil bigla itong inatake sa puso. Nakakabagot ang paghihintay, lalo na’t hindi ako kinakausap ni Elixir. Abala siya sa kanyang laptop, at alam kong trabaho na naman ang inaasikaso niya. Ngunit batid ko rin na sinadya niyang ilubog ang sarili sa trabaho upang iwasan akong kausapin. Since that night, I’ve felt his increasing coldness toward me. He hardly pays me any attention, even when it comes to work. It hurts because it feels like he regrets what happened between us—like he never wanted it to happen in the first place. "Buenas tardes, señorita hermosa. ¿Cómo está tu día? Espero que sea tan hermoso como tú." (Good afternoon, Miss Beautiful. How’s your day? I hope it’s as beautiful as you.) Isang masayang bati mula sa isang lalaking Espanyol na umupo sa tabi ko. Hindi naman siya mukhang bastos, bagkus ay may magiliw at palakaibigang ngiti sa kanyang mukha. Tila nababagot rin siya sa paghihintay ng kanyang flight. "Lo siento, estaba aburrido esperando mi vuelo y buscaba a alguien con quien hablar." (Sorry, I was bored waiting for my flight and was looking for someone to talk to.) Mukha naman siyang palakaibigan, kaya sasagot na sana ako sa kanya. But I suddenly remembered that Elixir must not find out that I could speak Spanish. In fact, I knew four languages besides English. Kaya sa halip na sumagot sa Espanyol, ibang salita ang lumabas sa aking bibig. "English, please," sagot ko sa lalaki. "Oh, I’m sorry. You don’t know how to speak Spanish. I am not that good in Eng—" "No está disponible para hablar. Ya tiene esposo." (She’s not available to talk. She already has a husband.) Biglang nagsalita si Elixir, mahigpit ang tinig at walang alinlangan ang tono. Halos maramdaman ko ang bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon— I'm not sure if it was out of annoyance or irritation. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Elixir. Sinabi niya sa lalaki na may asawa na ako? I couldn't help but wonder if he was jealous. Somehow, the thought sent a thrill through my heart. But I couldn't let it show—he must not realize how his words made my heart flip. Kailangan kong magkunwari na hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "I'm sorry. " Ani ng lalaki. Agad namang tumayo at umalis ang lalaki, na sinundan ko lang ng tingin. Hindi ko maiwasang mapaisip kung napahiya ba siya o sadyang hindi na lang siya nakipagtalo kay Elixir. Nang mawala na ito sa paningin ko, agad akong napatingin muli kay Elixir, na ngayon ay nakakunot ang noo at mukhang iritable. "A-Anong nangyari? Bakit umalis? Ano ba ang sinabi mo?" tanong ko, pilit ipinapakita ang pagkalito upang hindi niya mapansin na naiintindihan ko ang sinabi niya. "Hindi mo ba alam na binastos ka na ng lalaking iyon? Bilang boss mo, pinoprotektahan lang kita," sagot niya nang mariin, halatang bad trip. Kanina, kahit tahimik lang siya, hindi ko naman naramdamang wala siya sa mood. Pero ngayon, kitang-kita sa mukha niya ang inis. "I'm sorry, hindi ko naman kasi naintindihan ang sinasabi niya. Nakangiti naman kasi siya, mukhang friendly," sagot ko, sabay ngiti sa kanya na parang walang nangyari. "Hindi lahat ng nakangiti ay friendly na, Lhea. Minsan, may masama silang intensyon. At bilang asawa ko—kahit pansamantala lang—ayaw kong binabastos ka. You carry my last name, so I won't let you tarnish my name." mariin niyang sagot bago muling ibinalik ang atensyon sa kanyang laptop. Napakagat ako sa labi habang tinitingnan siya. Hindi lang siya ruthless, napaka-insensitive din niya. Kung hindi ko lang siya mahal, baka nasipa ko na siya mula sa inuupuan niya. At kaya ko iyong gawin dahil kaya ko naman siya. Bilang isang Saavedra, itinuro sa amin kung paano protektahan ang aming sarili. Talagang naglaan ako ng panahon upang magsanay dahil pangarap ko talagang maging isang secret agent ng Saavedra Empire. Kung hindi lang overprotective ang mga magulang ko—lalo na si Daddy—malamang natupad ko na ang pangarap kong iyon. Maya-maya, narinig namin ang anunsyo mula sa flight attendant na handa na ang aming flight. Hindi na nag-aksaya ng oras si Elixir at naunang maglakad, habang ako naman ay tahimik lang na sumunod sa kanya. I admit that his cold treatment toward me is starting to irritate me. As a princess—not in the literal sense, but as the princess of our family—I was never used to being treated this way by anyone. "Tumigil ka, Lhea. Hindi ka prinsesa," mariin kong sinabi sa sarili. "Tandaan mo, iniwan mo ang maganda mong buhay para lang mapaibig si Elixir. Pinili mong maging tanga para sa kanya, kaya magtiis ka sa kalamigan niya. Hayaan mo lang, iinit din 'yan." Bagama't tila bulong lang ang boses ko, dama ko ang determinasyon sa aking tinig. Matapos ang halos dalawampung oras ng biyahe, sa wakas ay nakabalik na rin kami ni Elixir sa Pilipinas. Pagod na pagod ako, at ramdam ko ang bigat ng katawan ko matapos ang mahabang oras ng pag-upo sa eroplano. Gusto ko nang humiga at matulog. "Meron ka pang dalawang araw na leave. Hindi mo kailangang pumasok sa trabaho bukas. Sulitin mo ang leave mo," sabi ni Elixir habang hinihintay namin ang sundo. Nasa labas kami ng airport, at kahit gabi na, ramdam ko pa rin ang init ng hangin sa paligid. Wala naman talaga akong balak pumasok sa trabaho. Sa sobrang pagod ko, sigurado akong babawi lang ako ng tulog bukas. "At kailangan mong maghanda," dugtong niya, dahilan para lumingon ako sa kanya. "Tomorrow, I’ll introduce you to my grandfather. For him, our marriage contract isn’t enough—he wants to meet you in person as well." Isang tango at pilit na ngiti lang ang naisagot ko. Alam kong isa na namang pagsubok ang kahaharapin ko. Alam ko kung gaano kahalaga sa pamilya ni Elixir ang reputasyon nila, kaya siguradong hindi magiging madali ang pagpapakilala sa lolo niya. Maliban na lang kung aamin ako na ako talaga si Cathleya. Maya-maya pa, dumating na ang sundo namin. Akmang papasok na ako sa sasakyan nang bigla siyang nagsalita, dahilan para mapahinto ako. "Pagod na ako, Lhea. Gusto ko nang magpahinga. Out of the way ang papunta sa apartment mo, kaya mag-taxi ka na lang. Okay lang naman sa'yo, 'di ba?" Natigilan ako. Hindi talaga okay sa akin. Pagod na pagod ako at wala ako sa mood na mag-commute. Bukod doon, may driver naman siya—hindi ba niya ako pwedeng ihatid kahit sandali lang? Kahit sa pinakamalapit na lugar kung saan mas madali akong makakauwi? Pero hindi ako puwedeng magreklamo. Hindi ko dapat ipakita na may inaasahan akong kahit ano mula sa kanya. "Okay," sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. Isang ngiti ang pinuwersa kong ipakita, kahit na ramdam kong masama ang loob ko. "Isa lang naman akong sekretarya. Hindi mo naman kailangang magpaliwanag, Boss Elixir." Nakita kong saglit siyang natigilan, ngunit agad siyang ngumiti—isang ngiti na malamig at walang emosyon. "You're right. You're just a secretary. I shouldn't treat you as someone special." Pakiramdam ko, may kung anong matalim na kutsilyong tumama sa dibdib ko. Aminado akong nasaktan ako—sa totoo lang, parang nag-init na ang mga mata ko sa pigil na luha. Sa tuwing si Elixir ang nagbibitaw ng masasakit na salita, hindi ko maintindihan kung bakit parang ang babaw ng luha ko. "I should go," malamig niyang dagdag bago siya tuluyang pumasok sa sasakyan. Ilang segundo lang, umandar na ang kotse, tuluyan akong iniwan sa harap ng airport. Napako na lang ako sa kinatatayuan ko, pinagmamasdan ang unti-unting paglayo ng sasakyan. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko—parang inabandona niya ako. At ang pinakamasakit, hindi lang iyon pakiramdam. Totoong iniwan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD