------ ***Lhea's POV*** - Warning: Contain Mature Scene! - Hindi ko na namalayan, hindi ko na alam kung paano kami humantong ni Elixir sa kama. Parang lahat ay biglang naging malabo—ang paligid, ang ingay ng ulan sa labas, pati ang mga paninindigan kong pilit kong pinanghahawakan. Basta isang iglap, naramdaman ko na lang ang malambot na kutson sa likod ko, habang ang mga labi niya ay patuloy sa paghabi ng apoy sa balat ko. Hindi ko na magawang itulak siya. Hindi ko na magawang magsalita, hindi dahil sa takot o alinlangan, kundi dahil tuluyan nang nagpaalipin ang katawan ko sa nararamdaman ko—sa init ng kanyang halik, sa bawat haplos niya na parang musikang dumadaloy sa kaluluwa ko. Para akong nahulog sa isang bangin ng damdamin na siya mismo ang humukay. At sa halip na kumapit para

