C91: Naisahan!

1848 Words

------- ***Lhea's POV*** - Nasa loob ako ng aking opisina, nakaupo sa swivel chair habang nakayuko sa mga papel na nakalatag sa mesa—mga financial statements ng kompanya para sa buwang ito. Kailangan ko na itong matapos bago ang cut-off para sa suweldo ng mga empleyado. Mas mabuti nang busy ako para hindi ko maalala ang katangahan ko na naman. Maya-maya, bumukas ang pinto. Napaangat ako ng bahagyang tingin mula sa mga papel, at nakita ko ang sekretarya ko. "Ma’am, nandito po si Mr. Dela Costa. Gusto daw po kayong makausap. Sabi niya, importante raw," ani ng aking sekretarya habang maingat na sumilip sa loob ng opisina. Halos mapatigil ako sa paghinga. Bagama’t inaasahan ko na rin na pupuntahan niya ako, hindi ko pa rin napigilan ang t*bok ng puso ko—mabilis, parang tumatakbo ako. P

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD