--------- ***Lhea's POV*** - Hindi ako mapakali. Parang sirang plaka ang utak ko—paulit-ulit, paulit-ulit—ang mga salitang binitawan ni Elixir. “Pinasok ko lahat, Lhea. Lahat, ipinutok ko sa loob mo.” Para bang sinadya niyang habulin ako ng mga salitang 'yon kahit saan ako magpunta. Kahit anong gawin ko, kahit gaano ko pilit na ibaling sa trabaho ang atensyon ko, laging may bahagi ng isip kong bumabalik doon. Minsan, natitigilan na lang ako sa kalagitnaan ng ginagawa ko, nakatitig sa screen ng laptop, habang walang saysay na tinatapik ang keyboard. Wala ako sa sarili—wala ako sa kasalukuyan. Aminado akong natatakot ako. Ayoko. Ayokong mabuntis muli. Ayokong mas lalo pang masakal, makulong, sa isang katulad ni Elixir. Oo, mahal ko siya noon… baka nga, kung aaminin ko, mahal ko pa ri

